10 Chapter 9

"Work hard in silence. Let success make the noise"

_________________________________________________________________________________________________________

Athena's P.O.V

"uyyyyy ung mga kumain naman dito sa room pawalis ung mga kalat niyo baka pagalitan nanaman tayo dyan ni sir" sabi ng president namin sa mga kaklase namin

"opo mahal na presidente" birong sabi nila

"tigilan nyoko, bilisin niyo na maglinis padating na next subject natin" ani ni ms. president

Maya-maya nga ay dumating na rin ung next subject teacher namin nagbigay lang din siya ng nga pointers tas umalis na din kaya ito mga wala kami ginagawa, tinatamad din kami gumawa ng reviewer, hehehehe

"Teh patapon nga ko teh mas malapit ka naman eh, hehehehe" sabi sakin ni star habang abot nung plastic

"luh porket mas malapit ako" aniko

"cghe na mabait ka namann ehšŸ˜, abot mo nalang kay brayan mas malapit, hehehehe" ani star

"akin na nga, eto talaga puro kasi selpon" aniko

Nginitian nya lang ako kaya Kinuha ko na lang ung pinapatapon nya tsaka inabot kay brayan na nasa harap ko

"brayan patapon nga ko nito mas malapit ka saĀ  basurahan eh" aniko

"Sana all tinatapon" sabi nya pag kakuha nung plastic tapos umalis na, itong lalaking toh umiiral nanaman ung pag kahugutero na minsan 'di mo naman maintindihan

"ano raw? Sana all tinatapon" ani Emille

"aba malay ko sakanya nababaliw nanaman ata" aniko

"baka tinapon sya nung jowa nya AHAHAHAH" ani Tina

"Sana all may jowa"ani brayan

"tama na nga 'yan kakahugot mong lalake ka"ani emille

"ito na nga titigil na sorry po"ani brayan

maya-maya nagsalita yung secretary namin

"Guysss ito daw po ung pointers na irereview nyo para sa final exam natin sa mapehĀ  kopyahin daw sabi ni ma'am" sabi nung secretary namin tsaka sinulat nya ung mga pointers sa pisara

Ā "uyy teka ano yan 'di naturo yan ah " ani ni ynah, tinignan ko naman ung sinabi nya na 'di daw naituro, 'di kasi ako nagsusulat ng seselpon lng ako hehehe, pointers lang naman susulat kaya kokopya na lang ako kila star, heheheĀ 

Ā "kaya nga eh, wala ako maalala na tinuro yan satin" ani charity

Ā "wala naman kasi talaga parang mag-dadalawang linggo na tayo puro music tsaka arts lagi kasing busy si ma'am" sabi ng isa naming kaklase

Ā "ituturo niya ba muna yang topic na yan sa pe at health bago mag exam?" tanong ng isa sa mga kaklase ko

"ewan ko, siguro kung hindi wala tayo nyan maisasagot"ani ng isa kong kaklase

"kopyahin niyo 'to ah yung mga hindi kumokopya bahala kayo dyan 'wag niyo kong sisisihin ah manghingi na lang din kayo sa mga kumopya"ani secretary

"cge po ma'am"asar ng isa kong kaklase kay secretary

pagkatapos ng tatlong subject tumunog na ang bell at pumunta kame sa pwesto namin lagi sa cafeteria tatlo kasi break dito sa skol kaya may time kami sa umaga, tanghali at bago maguwian lumamon HAHAHAAHAHA

"oh sino manglilibre ngayon ehemm"aniko

"ehem kambal ehem"ani star

"libre na 'yan...libre na 'yan"ani tina

"oo na"ani nila "ano ba gusto niyo"tanong ni charity

"ikaw lang sapat na"ani star

"baliww nahawa ka ata kay brayan ah"aniko

"kahit ano basta edible"ani tina naĀ  nakangisi

"cge kame na bahala ni cha"ani emille at naghanap na ng makakain

habang naghihintay kame nakita namin si brayan...abaaa pagala-gala itong isa ah

"uyy si brayan the hugotero"ani tina

"tawagin niyo"ani star

"BRAYAN"pagtawag namin sa kanya lumingon naman ito at kumaway sumenyas naman kame na pumunta siya dito

"wazzup guys"aniya

"pagala-gala ka break natin ngayon imbes n kumakain ka"aniko

"break natin??bakit naging tayo ba"aniya

"baliwwww, break as in recess"aniko

"ahhh akala ko eh ahahaha"aniya

"oh asan mga tropa mo?"tanong ni star

"iniwan ako haha parang siya iniwan ako"ani brayan

"bayann broket ka boy hugot ng hugot ah lalim ng dinadamdam ah"ani tina

"kasing lalim ng sakit na iniwan niya"aniya

"abaaa hugotin kaya kita"aniko

"asan na yung kambal ang tagal ah"tanong ni star

"ayan na oh malapit na sila dito"ani tina

"pero mas masakit pag pinagpalit sa malapit"ani brayan

"hi guyss here's your order enjoyy"ani charity

" wow andami nyo namang binili"ani star

"okay na yan atleast marami pagkain libre pa hehehhe" aniko

"kaya nga, tsaka sakto lng andito naman pala si brayan eh" ani charity

"ohh ba't nandito si brayan"tanong ni emille

""pagala-gala kase kaya tinawag namin"aniko

"iniwan ka na naman ng mga tropa mo 'no"ani emille

"oo hahahah humuhugot naĀ  kanina eh, mas masakit pagpinagpalit sa malapit ahahaha"ani star

"ano bayan brayan broken na broken ka ba ha"ani charity

"hindi lang ata nakainom ng gamot 'yan eh"aniko

"kain na muna tayo"ani star

"kumain ka na rin brayan gutom lng 'yan"aniko

at nagsimula na kame magkwentuhan at kumainĀ 

==TIME SKIP==

"uyyy, bukas ah sa bahay tayo nila star" ani charity

"luhh, kala ko ba kila athena tayo" ani star

" dun na tayo tumambay last saturday lng, tsaka mas ok mag review sainyo wala maingay tsaka magulo" aniko

Uwian na namin ngaun inaantay na lang namin mga sundo namin, habang nagaantay pinaguusapan na rin namin kung saan kami magrereview bukas sabado na kasi bukas tas next week friday na ung exam namin

"ok madali naman ako kausap, hanggang anong oras ba??" tanong ni star

"depende kung anong oras naman trip umuwi kahit hanggang 5 ng hapon keri naman" ani tina at sumangayon nlng din kaming tatlo

"ok cge, 1k lng entrance fee" biro ni star

"diba ok bahay niyo kambal dun nalang tayo" aniko

"cge cge dun na lang tayo sa bahay wala naman magulo dun eh" ani emille

"HAHAAHAHA, seryoso na, ano oras tayo pupunta kila star? " tanong ni tina

"ano oras ba pwede bukas star" aniko

"kahit mga 9 na kau pumunta baka kasi tulog pako ng mga 8 eh, hehehehe" ani star

"ok ok, sure na yan ah, baka mamaya pagdating namin sainyo tulog kapa ng 9"ani tina

" oo bhie sure nayon, basta chat chat na lang pag punta na kayo ha" ani star

"cghe cghe" sang-ayon namin

"yan na sundo nyo kambal oh" aniko

"oh guys bye na hahahaha tara na cha"ani emille

"babye" "ingat kayo"

sabay naming sabi

"halakaa"aniko

"bakit??"ani ng dalawa

"tayong tatlo na lng naiwan baka kung ano na naman pag-usapan natin"aniko

"hala HAHAHAHAHA oo nga"ani star

" 'wag na lang tayo magsalita HAHAHAHA habang iniintay natin mga sundo"ani tina

"cge cge kaya 'yan HAHAHAHAHAHAHA"aniko

so ayon nga hindi kame nagsiimikan HAHAHAHAHA, sana lang dumating na rin sundo namin gusto ko na humigaaaaa. maya-maya nagsalita si star.

"ang tagal naman ng mga sundo natin ah"ani star

"nagchill pa ata sila eh HAHA baka magkasama yung mga driver natin ah"ani tina

"tpos nasa starbucks din sila HAHAHAHAHA"aniko

"malay niyo binilhan na rin tayo ng inumin non oh diba ang caring"ani tina

"akala ko ba walang imikan HAHAHAHA nagdaldalan na tayo"ani star

"ok na 'yan mabibinge ako sa sobrang katahimikan eh"aniko at nagsitawanan lang kame at nagkwentuhan habang inintay namin yung mga sundo namin.

30 mins. later...

"oh guys nandito na sundo ko bye na"ani tina at pumunta na sa sasakyan "byee~"aniya habang kumakaway

"babyeee"ani namin ni star at kumaway rin sa kanya

maya-maya dumating na rin sundo ni star

"babushhhh ingat kaa"aniya pagkapasok sa sasakyan

"babyeee"aniko, sakto pagkaalis ng kotse ni star dumating na rin yung sundo ko...hay salamatt makakauwi na rin

*****

"nandito na ko" aniko pagkapasok sa bahay, may narinig akong yapak na tumatakbo at biglang niyakap yung mga binti ko

"you're home ateee"ani zeus

"hi baby koo"aniko at niyakap siya, "bihis lang si ate ah"

"otayyy"aniya at tumakbo ulit who knows where grabee hyper talaga ni zeus

Pagkabihis ko bumaba agad ako at nakita ko sila mama at zeus nanonood sa living room

"ma"tawag ko at tumabi sa kanya

"oh wala ka bang gagawin ngayon?malapit na exam niyo ah"aniya

"wala pa naman nakabigay na rin naman yung ibang teachers ng reviewer at pointers"aniko

"ahhh ganon ba, cge"aniya at bumalik ang tingin sa tvĀ 

"ayy ma speaking of exam pala, may plano kame nila emille mag-group study sa saturday para sa exam"aniko

"ganon ba, okay kelan ba 'yan at saan?"aniya habang nanonood pa rin

"bukas po tsaka sa bahay ni star kame pupunta"aniko

"cge cge magpaalam ka rin sa papa mo pagdating niya"aniya

"cge po, asan po pala si papa?"tanong ko

"nasa trabaho pa magovertime pa ata 'yon eh, text mo na lang mamaya bago ka matulog kung hindi pa siya nakauwi"aniya

"cge ma, akyat na muna po ako"aniko at pumunta na sa kwarto ko

iglip muna kaya ako HAHAHAHA wala pa naman na dinner.beauty rest muna ako AHAHAHA

45 mins later...

may nararamdaman akong tinatapik ako.... ano ba 'yan natutulog yung tao eh....may tumatapik na naman sakin nagtabon ako ng unan maya-maya inaalog na akoo

"ATEEEE"

"ayyy shete kaaa"sigaw ko at napabangon biglang may tumawa lumingon naman ako doon

"atee its dinner time"aniya nang nakangisiĀ 

"ayy oo nga pala, baba ka na susunod si ate"aniko at bumangon na sa higaan

"otayyy hihihihihi"aniya at bumaba na

"shet athenaaa sa kapatid mo pa talaga muntikan mapamura buti na lang shete nasabi ko gaga mo self ano ba"pagsisi ko sa sarili at inayos na yung kama ko then bumaba na

"athena kakain na hindi pa nakauwi papa niyo text mo na lang thena"aniya at umupo na sa tabi ni zeus

"cge po"aniko...buti na lang hindi na rinig ni mama yung sigaw ko kanina huhu

Pagkatapos namin kumain tinulungan ko na sila manang lea magligpit ng pinagkainan

"kame naĀ  dito thena ikaw na lang magpatulog kay zeus hinahanap ka non kanina eh"aniya

"cge po manang lea"aniko "zeussss"

"atee?"aniya

"tara na matutulog na"aniko

"otayy"aniya at tumakbo pataas sumunod ako at pinatulog na siya. nang makatulog na siya pumunta na ako sa kwarto at nagtext kay papa

Pa may group study po kame bukas nila emille sa bahay ni star para po sa exam namin

-Athena

maya-maya tumunog yung cp ko at nakita kong nagreply na si papa sa text ko

Cge mag-ingat kayo at magtext kayo kung nakadating at nakauwi na kayo

-Papa

Ok po

-Athena

pagkatapos ay ginawa ko na mga aking ritual tuwing gabi at humiga na rin sa higaan maya-maya sinakop na 'ko ng antok.Ā 

Ā  Ā  Ā 

Ā *KINABUKASAN*

"ate late ka po ng mga 10 min, dahil dyan kailangan mopo magbayad ng 500" ani Star

"wowww naman grabe ka naman, tag hirap ba kayo ngaun" biro ni Tina

" tigil nyo na yang asaran niyo tara na review na tayo" ani Emille

" ayyy sorry naman, cge akyat na tayo sa kwarto" ani Star

"Ba't pala antagal mo Tina?" tanong ni Charity

"oo nga, ikaw pinaka malapit kila Star tas ikaw nahuli" aniko ko habang paakyat kami sa kwarto ni Star

" medyo natagalan lang ako magbihis lutang pa kasi ako eh, hehehehe, lam nyo na inaantok pa kasi ako" ani Tina

" wehhhh, nagpaganda ka lang ata para sa kuya ni Star eh HAHAHAHA" asar ko kay Tina

"uyy, hindi ah, pake ko naman sa kuya ni Star" tina

"ayy, sayang Tina wala daw dito si kuya Johann,,, diba star??" ani charity

"ha, ano yon?" ani star,,, hindi siguro narinig ni star ung asaran namin kasi nauuna silbg maglakad ni Emille

"si kuya mo" aniko

"ayy wala dito eh sumama kay papa nagpunta sila sa opisina, bakit ba? " ani star

"hinahanap ni Tina" aniko

"uyy anong hinahanap, wala naman akong sinabi ah" ani Tina

"maya-maya andito na yon sila dito ata sila kakain ng lunch eh" ani star sabay bukas ng pinto ng kwarto nya

"ayiieeeee makikita ni tina si kuya Johann mamaya" asar ko sakanya

"tigil mo nga ako athena, tara na nga gawa na tayo ng reviewer" ani nya

Tinigil ko na muna asarin si Tina at kumuha na kami ng mga gagamitin namin para sa pagsusulat ng reviewer at umupo na sa may lapag para makapag-umpisa na kami dahil pag maaga kami natapos pwede kami mag movie marathon dito hehehehehe maya-maya na ulit namin aasarin 'yan HAHAHAHAHA ganyan talaga kame mapang-asar

"guyss ano unahin natin?"tanong ko

"sa reviewer muna tayo"ani emille

"cge tsaka na tayo magsimula pagtapos na tayo dyan"ani charity

"okiee okiee"anikoĀ 

"let's start na saan ba tayo star?"ani tina

"sa bahay ko....charot....sa study room"ani star at pumunta na kame sa study room at syempreĀ 

napag-isipan din namin na mag-order ng foods and drinks habang gumagawa pa kame ng reviewers at dahil nasa bahay kame ni star sinabihan ni star na si tina na lang manglilibre dahil late siya HAHAHAHAHA

ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢~ā€¢

Hope you enjoy the story :) and sorry about the typo's šŸ˜‚šŸ˜‚

++Don't forget to vote, share and Feel free to leave a comment šŸ˜Š++

avataravatar
Next chapter