6 CHAPTER IV

Update na ulit.

Hope you enjoy reading, and please support my story.

Chapter 4

Yannie's POV

Gosh ang hirap naman ng assignment namin! Kailangan ko na talagang magpatulong kay kuya. Oo may kuya ako. Pero halos same age lang kami. One year ang age gap namin. Normal naman yun diba? Parehas na rin kami ng year level. Wala e, naabutan ko HAHAHA. Di naman sa mas matalino ako sakanya, may brains lang talaga ako at kaya ko naman. Sa aming magtrotropa, ako yung pinakabata. I was supposed to be fourth year palang pero as I said kaya ko naman mag-advance.

Pumunta na ako sa kwarto ni Kuya pero kumatok muna ako. Nagagalit kasi yun kapag di ako kumakatok. Wala daw privacy. My kuya studied at America simula first year hs sya hanggang fourth year hs na sya. He decided na umuwi nalang dito dahil nandito naman daw kami.

"Kuyaaaa" sabi ko sakanya nang buksan nya ang pinto sabay abot sakanya ng assignment namin sa math.

"Patulong?" sabi ko sabay puppy eyes. Baka naman tumalab sakanya.

"Sure!" nakangiti nyang sabi sabay kuha nya sa notebook. Teka. Parang good mood sya ngayon?

Pumasok ako sa kwarto nya at sumunod naman ako sakanya sa kanyang study table. My kuya is a perfectionist. Zach Guererro is a psycho perfectionist. Kwarto nya palang alam mo nang may patterns ang mga designs at pag-organize nya sa mga gamit nya. Katulad nalang ng mga book sa shelves nya. According to kung anong subject yan. Kapag sa isang corner, math. Kapag naman sa isang corner, science. Basta ganun. Kama nya ganun din. Kung ano ang kulay ng blanket nya dapat ganun din ang kulay ng sheets nya pati unan nya. Perfectionist freak -,-

Mas masinop pa yata sya kesa sakin e.

Anyways, bakit nga ba sya good mood?

Zach's POV

"hmm wala? okay. pero dude! ang ganda nya noh?" sabi ko kay Drake. Ang ganda naman nung isang babae. Yung di nakasalamin ah? Teka. Ano nga pangalan nya? As-. Ast? Astrid? Tama! Astrid nga!

"nino?" tanong ni Drake. Duh? Isn't obvious? Si Astrid!

"Yung Astrid! Diba? Do you think she's the one?" pagtatanong ko sakanya. I mean dude, di ako naniniwalang bakla ang isang to. Ganun lang siguro talaga sya. Ilag nga sa mga babae at siguro torpe. Ewan! I have no right to judge him tutal naging magkaibigan lang kami ngayon ngayon lang.

"The one? Oo." kibit-balikat nyang sabi sabay inom ng inorder nya. See?! Pati pala to agree sa sinabi ko.

"The one for me! HAHAHA" tawa ko sabay tapik sa balikat nya. Sa tingin ko magkakagirlfriend na ako *3*

"sa iba, hindi sayo" he coldly said. Why? Bakit hindi sakin? Wait. Don't tell me...

"Gusto mo sya?" direct kong tanong sakanya. Mukhang may kaagaw ako ah -,-

Bigla naman syang napaubo at pulang pula na sya. Nabigla siguro sya.

"g-gusto?! ha ha ha! d-di noh! tinawag pa nga akong b-bakla hindi ba?" pag-uutal na sabi nya. Well! Naniniwala naman ako.

"uhuh. well, plano kong ligawan sya." sabi ko at confident pa ako dun ah? Duh? charms ko palang siguradong hulog na yun.

"DI PWEDE!" sigaw nya. Teka bat biglang nawala yung coldness nya?

"Hoy! Manahimik ka nga! Nasa public place tayo oh!" pagsisita ko sakanya quietly.

"Teka bakit hindi?" pagtataka kong tanong sakanya. He's acting weird.

"Basta" sabi nya coldly at sabay umalis. Tch! Yung taong yun. Pero walang makakapigil sakin na manligaw kay Astrid noh! HAHAHAHA

Pero anyare ba don?(~_^) Nagalit ata.. Yaan na nga, ang iisipin ko nalang ngayon is kung paano ko mapapasagot si Astrid.~♥~

~~~~~~~~~

After kung makaalis kanina sa place na pinuntahan namin ni Drake ay umuwi agad ako. I think I need someone para tulungan ako kay Astrid, I'm so desperate na maging girlfriend siya noh. Gand kaya non, tsaka mukhang mabait pa.

So nandito ako ngayon sa room ko,  hinihintay ko kasing dumating si Yannie. Atsaka alam ko na din naman kung sino ang makakatulong ko para ligawan si Astrid, well nakita ko kasi sila ng isang araw na magkasama, and I think close sila kaya madali nalang para sakin yun..

Wait for me my BABY!!ヘ(^_^)ヘ

♡♡♡♡♡♡♡

avataravatar
Next chapter