webnovel

CHAPTER 3

LORIE

Langya!

Nakatulog ako kaya lumampas ako sa dapat na aking binabaan.

Kainis na konduktor yun ah, di man lang sumigaw ng malakas kung Barangay San Isidro na. Isang kilometro tuloy ang aking nalakad para matunton ang dapat kong puntahan.

Muntik pa akong maligaw! Buti nalang at may napagtanungan ako.

Ganito pala sa Manila, napakaraming eskinita kaya kahit sa isang barangay kalang, pwede ka parin maligaw. Lalo na kapag baguhan.

Napahingal ako nang finally ay matunton ko na ang 7-11 store na ang tangi kong pakay.

Ito lang kasi ang palatandaan ko para marating ang aking pakay...ang bahay ni Tita Remy.

Isang 3 storey building ang nasa harap ko ngayon. 7-11 store ang nasa ground floor nito samantalang ang 2nd at 3rd floor naman ay ang bahay na ni Tita.

To remind you, Tita Remy is not really connected to me by blood. Kapatid ito ng aking mabait na adviser sa highschool na naawa at tinulungan ako para makapag-aral. Kaya ipinakilala ako kay Tita Remy ,na napakabait naman pala talaga.

Ito na yun! Saktong sakto sa pagkakadescribe ni tita.

Bilin nya sa akin na kapag dumating ako dito, puntahan ko muna ang manager ng convenience store para kunin ang susi.

Pamangkin nya ang manager ng tindahan. Ito raw dati ang caretaker ng bahay nya pero mula nung mag-asawa na ito, pinili nalang daw na magkaroon sila ng sariling lugar.

Well, tama naman. Kasi nakakahiya kay tita Remy kung ang buong pamilya nito ang titira sa bahay...baka instead na mamaintain eh lalo lang maging magulo.

Kaya minabuti nalang din ni Tita Remy na maghire ng caretaker, at ako na nga yun!

Swerte ko talaga!

Tinanggal ko ang suot na cap dahil ramdam ko na ang butil butil kong pawis na naghihintay nalang malaglag mula sa aking noo.

Ramdam ko na basang basa narin ang aking anit. Bukod pa dito, ramdam na ramdam ko narin ang panlalagkit ng aking katawan.

Limang oras ba naman ang aking binyahe mula sa probinsya. Tapos ordinary bus lang din ang aking sinakyan...kaya basang basa na ng pawis ang aking katawan.

Pinunasan ko ang aking mukha na basa sa pawis. Inipit ko muna sa aking kilikili ang sumbrero na hawak at  ginawang pamaypay ang sariling damit para pasukan naman ng hangin at mapreskuhan ang aking katawan.

Nasa ganun akong moment nang mapatingin ako sa aking harapan.

Isang metro lang ang layo ko sa glass wall ng establishment kaya kita ko ang titig na titig na mga mata ng lalaking nakaupo sa loob habang kumakain.

Maputi ang lalaki. Singkit ang mga mata nito - chinito ata ang tamang term for his eyes na binagayan ng makakapal pero maayos na mga kilay.

Taray! Parang nagpapathread ito sa super ganda ng makapal nyang kilay.

Maninipis rin ang mga lips nito na mapupula na naging magandang combination sa matangos na ilong nito.

Ang mukha nya ay napakaliit na parang kasing laki lang ng aking palad. Kaloka.

In short? Gwapo sya!

Pero wapakels. Gwapo sya pero di ako interesado.

Naasar na ako sa pagtitig nito kaya tumaas ang aking kilay at binigyan sya ng matalim na " don't you dare look at me " stare.

Mukhang nahimasmasan ang lalaki at iniwas na nito ang mga mata sa akin.

Good! I smirked.

Wala akong panahon para pansinin ang sinumang mga lalaki ngayon. Ipinangako ko sa aking sarili na off limits sila sa akin, panget man o sobrang gwapo.

Muli kong sinuot aking cap at binalak nang pumasok sa tindahan. Ganito ako lagi pumurma, nakacap at nakajersey shorts. Mas comfortable ako sa ganitong itsura eh, feeling ko walang magkakagusto sa aking lalaki kapag mukha akong tomboy. Not to mention, maraming nagpapalipad hangin sa aking nung highschool pero PASS! Wala talaga sa isip ko ang mga lalaki na yan. Panira lang sila sa maganda kong pangarap at future.

Nasa pinto na ako nang lumabas din ang lalaki. Hindi ko sya tiningnan. Pero nagkasagian ang aming mga daliri. Nabigla pa ako kasi parang may kuryenteng dumaloy sa aking daliri. Ito ata yung tinatawag na static electricity. Normal lang naman yun lalo na daw kapag naka-aircon. So in short...di sya spark. Tanga lang ang maniniwala sa mga spark spark at love in first sight.

Neknek nila maniwala ako. Gawa gawa lang yun ng mga malalantod na babaeng walang inatupag kundi magpakapokpok.

Kung galit ako sa mga lalaki, naiinis din ako sa mga malalanding babae. Akala mo mauubusan ng lalaki. Jusko lang ha.

Nagkatinginan kami ng lalaking chinito.

Luh! Brown ang mata nya! Ang ganda!

Pero wapakels!

Inirapan ko sya. Wala akong time sa kanya. Panggulo lang sa buhay ng mga babae ang mga walang kwentang lalaking tulad nito. Mga mukha lang ang maganda sa kanila, pero mga utak nila puro tae ang laman.

Inirapan ko sya and then I flipped my hair at saka naglakad na para puntahan ang cashier sa counter to ask something.

Isang babaeng cashier ang nasa counter. Buti nalang! Ayaw ko kasi makipag-usap sa lalaki...

HB talaga ako sa mga lalaki eh. Ewan ko ba. Makita ko lang sila, naaalala ko na agad ang wala kong kwentang tatay at ang walanghiyang bumuntis sa haliparot at pokpok kong ate.

Oo. Pokpok ang ate ko! Kung hindi ba naman engot, papabuntis sa isang taong walang prinsipyo at paninindigan. Lalaking walang bayag kundi puro lang libog! Makakapaghiganti din ako sa lalaking yun. Hintayin nya lang!

"Hi ate. Nasaan po si Mrs. Caparal? Ang manager nyo?"

"Ay wait lang po mam. Tawagin ko lang po ha. Upo muna kayo dyan sa upuan." Nakangiting wika nito. Umalis ito sa counter at pumasok sa pinto na may nakalagay na "employees only."

Maaliwalas sa paningin ang itsura nya dahil sa magandang ngiti. Ganun pala talaga ang nagagawa ng magandang ngiti sa isang panget na tao. Kahit gaano ka kapangit pero kung palangiti ka, nagiging maganda ka kahit papaano.

Umupo ako sa upuang nasa tabi ng counter.

Maya maya ay bumukas ang pinto at kasabay nyang lumabas ang babaeng nasa mid-30s. Nakasalamin ito at medyo may katabaan.

Agad din akong tumayo.

"Hi, ikaw ba si Lorie?" Tanong ni ateng manager sa akin. Di ko masyado makita ang mga mata nya kasi natatakpan ito ng salamin na may reflection naman ng araw. Nasisilaw ako.

I nodded and then smiled.

"Opo ako nga po mam."

Ngumiti sya sa akin at may dinukot na isang bungkos ng mga susi.

"Ako si Jessica at ito nga pala yung susi ha. May nilagay na akong mga names dyan para di ka malito kung saan gagamitin na pinto. Ito yung nasa main door. Paglabas mo dito, lumiko ka sa kanang gilid nitong 7-11 at sa bandang likod makikita mo ang entrance ng bahay." Iniisa isa nyang ipakita ang mga susi na may nakakabit na nametag. Iniabot nito ang mga ito sa akin kaya dalawang palad ko naman ang sumalo.

Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanya at nakatitig sa mga susi.

" Actually si tita, once o twice a week sya nauwi sa bahay. Kalimitan mga first week at katapusan ng month. Ang gusto nya lang ay laging malinis ang mga cr at walang alikabok ang mga furnitures."

Talaga palang magiging mag-isa ako sa bahay. Di ba sila natatakot na baka pagnakawan ko ang bahay ni tita Remy.

"Ikaw pinili ni tita kasi may tiwala naman daw sya sayo dahil sa sinabi ni Tita Sha." Si tita Sha ang aking adviser nung fourth year na nagrecommend sa akin kay tita Remy.

I nodded. Masya malaman na may nagtitiwa sa akin.

Nagsimulang maglakad lakad si ateng manager sa mga gondolas. Kaya sumunod naman ako.

"Dito ka magwowork kapag free time mo. Balik ka nalang agad sa akin kapag alam mo na ang scheds mo para maayos natin ang shiftings mo. Natanggap talaga ako ng mga parttimer sunce yang si Ana [ tinuro ang cashier na kausap ko kanina] ay isa ring student." Napatingin sa amin si Ana. Napangiti ito sa akin. Nginitian ko din sya.

"Basta alagaan mo lang ang bahay ha. Mabait si Tita Remy kaya wag kang mag-aalala kapag umuwi sya. Saka palagi ding nagpapagrocery si tita every other week. Pwede mong lutuin ang mga nasa loob ng ref. Okay?" Huling sinabi ni ateng manager. Nakalimutan ko ang name nya eh. Swerte ko pala talaga! May free boarding na, may sahod pa, at may free foods pa.

Salamat talaga kay Lord!

After namin mag-usap ay sinunod ko ang sinabi nya sa akin.

Lumiko ako sa makitid na eskinitang nasa pagitan ng 7-11 at isang apartment building. Sa bandang dulo ay nakita ko na agad ang pinto ng bahay. Ginawa lang pala ang eskinitang ito para sa pasukan ng bahay, since sarado naman ito pagdating sa dulo.

Pagbukas ng pinto ay agad na bubungad ang hagdan papuntang 2nd floor since occupied ang buong first floor ng convenience store.

Umakyat ako at muling binuksan ang pinto.

Pagpasok ko, mga magaganda at mararangyang kagamitan ang aking nakita.

Kumpleto sa appliances ang bahay plus mga magagandang furnitures.

Nadaanan ko din ang kusina na kumpleto din sa mga gamit, from electric stove to ref to microwave oven at kung anu ano pa.

Nakita ko ang isa pang hagdan kaya unakyat ako dito. Paakyat naman ito ng 3rd floor.

Infairness sa bahay, maganda ang interior design.

Pagdating ko sa third floor ay puro kwarto na ang makikita. Tanging hallway lamang ang naghahati sa mga kwarto.

Sa dulo ng pasilyo ay may balcony. Pumunta ako doon para masilip ang itsura ng paligid.

May hagdang gawa sa bakal naman pala dito paakyat sa rooftop. Agad akong naexcite nang malamang makakaakyat ako sa rooftop.

Iniwan ko ang malaking bag ko na dala at sumilip muna sa rooftop.

Tama ang aking naisip, maganda nga dito sa taas. Kitang kita ang view ng syudad.

Mula sa matatayog na building hanggang sa magagandang bubong ng bahay. Exclusive subdivision ata yung nakikita kong malalaking bahay na napapaligiran ng mga puno. Infairness, mukhang di ako mababagot dito.

Bumaba ako ng third floor at hinanap ang aking kwartong gagamitin. Nasa dulo lang ito sa gawing kanan. Binuksan ko ang pinto at pumasok.

Maaliwalas ang kwarto. May isang kama, sidetable na may lampshade, naka-aircon, at may sariling cr!

Kaloka! Buti pa dito may sariling cr ang kwarto. Samantalang sa amin, iisang cr lang tapos wala pang pinto. Kurtina lang ang tabon.

Kaagad akong sumampa sa kama at humiga.

Mukhang maiinlove ako sa aking kama.

Bukas na pala ang pasukan. Kailangan kong ayusin ang aking mga kukuning subjects para may maganda akong free time to work sa convenience store.

At humiga akong nakatihaya sa aking kama. Kama na napakalambot. Ngayon lang ako nakaranas ng malambot na kama eh since ang foam namin sa bahay ay napakanipis lang.

Goodluck to me bukas!

Sa ngayon, magpapahinga muna ako. Masyado akong napagod sa mahabang byahe eh.

Next chapter