webnovel

CHAPTER 1

Galit ako!

Oo!

Galit na galit!

Di ko ata namalayang sunod na sunod na ang luhang dumadaloy sa akong mga mata.

"Nay tama na po yan. Wag na po kayo maglasing. Baka magkasakit po kayo nyan." Pilit kong inaawat si nanay sa pagtungga ng alak.

"Bitawan mo sabi eh! Pabayaan mo ako! Gusto kong magpakalasing! Gusto kong makalimot! Gusto kong makalimutan ang hudas at walang kwenta mong ama! Hayyyyoopp sya! Mapapatay ko sya!" Pahikbing sagot ni nanay habang pilit na tinatanggal ang aking mga kamay na nakakapit sa kanyang braso.

Nauunawaan ko sya. Masakit ang kanyang pinagdadaanan sa ngayon.

Bakit?

Dahil sa mga walang kwentang lalaking yan!

Tulad ng tatay ko!

Mga manloloko.

Iniwan nya kaming lahat para sa bago nitong babae. Alam ko na dati pa na babaero si tatay, pero nagbulagbulagan lang kami...lalo na si nanay.

Ang alam kasi nya...mambabae man si tatay...sa kanya padin ito uuwi.

Sa amin parin ito uuwi.

Pero nagkamali kami...

Isang araw...bigla nalang itong sumulpot sa bahay pagkatapos ng isang linggong di pag uwi para lamang kunin ang mga gamit nya.

Lalayas na daw sya.

At iiwan na nya kami. Pinigilan namin sya. Nagmakaawa si nanay, habng kami ay umiiyak. Pinagpiyestahan na rin kami ng aming mga kapitbahay. Mga chismosang mas inuuna pa ang magkwentuhan sa gilid ng kalsada kesa unahin at paliguan ang mga nanlalamahid na mga anak.

Di nagpapigil si tatay. Sa edad na 50, nasa rurok pa ang kalibugan ng aking walang kwentang ama!

Iniwan nya kaming mukhang pulubi.

Pulubi sa pagmamahal nya.

Galit na galit ako sa kanya!

At di ko sya mapapatawad!

"Nay! Ano ba? Kahit uminom ka man ng isang drum dyan! Di mo makakalimutan si tatay! Paulit ulit mo syang maaalala!" Lalo na akong napahikbi. Napaluhod na ako sa harap nya..

Simula kasi nang umalis si tatay. Araw araw na itong naglalasing.

Ewan ko!

Di ko alam kung paano syang natutong maglasing!  Do naman ganito ang nanay ko dati eh.

Isa sya sa mga mabuting asawa. Mapagmahal na asawa't ina. Mas uunahin nito lagi ang pag aalaga sa amin kesa sa sarili nito.

Mahal na mahal nya kami. Kaya mahal na mahal ko din sya.

Lahat ginawa ni nanay para mapabuti kaming magkakapati. Dalawa lang kami, pareho pang babae.

Magtitinda sya sa palengke ng kung anu ano para lang mabuhay kami.

Si tatay?

Wala! Wala syang kwenta!

Ang trabaho nya ay family driver ng isang mayamang pamilya pero kahit ni singkong duling, di nya kami naabutan.

Well, minsan nakapagbigay naman pala.

Pero maswerte na kung makaabit ito kay nanay ng 500.

500! Oo! Yun lang!

Pagkakasyahin pa namin yun sa isang linggo.

Bwisit diba? Gawa gawa ng pamilya pero di naman pala kayang buhayin! Kundi papahirapan pa!

Di ko sya mapapatawad!

Di ko sya mapapatawad! Promise!

"Nay, maawa ka naman po sa amin. Sa akin..nandito pa kami ni ateng nagmamahal sayo. Paano na kami kung pati ikaw mawala. Paano na po ako.." napahagulhol na ako. Naninikip na halos ang aking dibdib. Namamaga na ang aking mga mata. Barado narin ang aking ilong.

"Kalimutan mo na sya nay. Wala syang kwentang tao. Please nay...nandito pa ako at si ate." Napatingin si nanay nang mabanggit ko si ate. Nalisik ang mga mata. Tumungga ulit ng isang baso ng alak bago nagsalita.

"Yung ate mo? Yang ate mo na yan." Napatingin ito sa kwarto kung saan si ate. Kasalukuyan itong nagpapadede ng kanyang ilang buwang sanggol. Kakapanganak lang kasi nito. Nagtanan few months ago tapos pagbalik buntis na.

Iniwan daw ng lalaki. Di daw kayang panindigan ang ate ko kasi bata pa daw sila pareho.

Ang tanga diba? Tanan tanan! Pasarap sarap. After pagsawaan ang ate ko tapos buntisin pa ..ngayon iiwan?

Itong ate ko naman. Dagdag pa sa problema!

Pinunasan ko ang aking mga luha at tumingin kay nanay.

"Nay, apat na po tayo. Nandito na si baby Seb...nay...tama na po please. Ayaw kong mawala ka pa sa amin. Di ka po ba naaawa sa amin? Wala na kaming tatay. Kung kayo ay magkakaganyan, panu na kami kong pati ikaw ay mawala pa?"

Bull's eye!

Natigilan si nanay.

Bigla itong napa atungal ng iyak. 

Suminga ako at inilabas ang kaman ng aking ilong gamit ang suot kong damit.

Wala na ako pakialam kung gaano ako kadungis sa ngayon.

Ang gusto ko lang ay mabago ang aking pamilya. Maging maayos!

Dahil simula ngayon ay gagawin ko ang lahat para maiahon kami mula sa pagkakasadlak sa putikan.

Nang walang tulong galing sa tatay ko!

Dahil di namin kelangan ng tatay o lalaki sa pamilyang ito.

Maliban kay baby Seb.

Papalakihin namin syang maayos at matino. Malayong malayo sa mga ugali ng mga taksil at walang kwentang lalaki!

"Sorry anak...sorry." Biglang wika ni nanay. Niyakap ko sya ng mahigpit at niyakap din nya ako.

Humagulhol sya ng humagulhol. Hinimas himas ko nalang ang kanyang likuran.

"Nay, magtulungan tayong iaahon ang ating pamilya ha? Tama na po itong drama. Dapat simula ngayon. Happy na tayo? Okay ba yun?" Sabi ko kay nanay habang hinas himas na ang buhok nito.

Ngumiti na ako. At ngumiti din si nanay.

Mabuti nalang at tinamaan sya sa aking sinabi.

Lumipas ang ilang araw.

May magandang balitang dumating.

Salamat kay Lord. Kahit papaano ay di nya kami nakakalimutan.

Natanggap akong scholar sa isang university. Full scholar kaya libre lahat.

Ang problem lang ay ang matutuluyan ko.

Mabuti nalang ay natulungan ako ng aking teacher sa highschool. Adviser ko ito. Nirefer ako nito sa kapatid nitong maykaya sa buhay.

Isa itong businesswoman at palaging wala sa bahay nito since nasa Singapore ito nagwowork. Doon nadin nakatira ang pamilya nito. Sila lang ng asawa nito dahil di sila magkaanak.

May business itong convenience store sa Maynila. Katabi lang ng bahay nito.

So ang gagawin ko, maglilinis lang ng bahay nya at magpapart time sa store nya.

Bukod sa libre na ang bahay ko...may sahod din ako as caretaker at syempre bilang part time crew ng store.

Masayang masaya ako. Kahit papaano ay makakapag aral na ako..magkakapera pa ako.

Hulog sya ng langit.

Super bait ni Tita Remy. Pinagkatiwalaan ako agad.

Marahil nakwento ng teacher ko ang life story ko kaya naawa ito.

Salamat sa teacher ko! Dabest sya!

"Nay bukas na ang alis ko ha. Sana ipangako mo sa akin na di mo na gagawin ang paglalasing. Wag kayong mag aalala sa akin. Pagdating ko ng Maynila ay agad akong tatawag sa inyo. At aadvance nadin ako sa aking amo para naman may panggastos kayo dito. " mahaba kong wika.

"Oo anak. Mag iingat ka ha. Mahal na mahal kita." Wika nya at lalo pa akong mahigpit na niyakap.

Mahirap man mapalayo sa kanila pero ito lang ang paraan para matulungan kong bumangon ang aking pamilya.

Sila ang sandigan ko kung bakit nagpapakalakas ako ngayon.

Lahat gagawin ko para sa kanila.

At di ko hahayaang masira ang pangarap ko ng dahil lang sa isang lalaki.

Lalayuan ko sila kung di sila ang lakayo sa akin.

Wala akong time para ientertain sila nang higit pa sa isang katrabaho..kaklase o kaibigan.

Ang magmahal?

No!

Wala sa vocabulary ko yan.

Walang wala!

Dahil I hate them!

Dahil simula ngayon, I will be a man-hater!

Forever!

Di ko alam pero nabilaukan ako after ko sabihin yun.

Napailing nalang ako.

At nagpaalam na kina nanay para umalis at tumungo na sa Maynila.

Umpisa na ito ng pagkamit ko sa aking pangarap. At lahat ng balakid ay lalampasan ko para lang makuha ito.

Kahit sino pa sya.

Kahit isang LALAKI pa sya!

Next chapter