Prologue

Kahit hirap na hirap na ako sa trabaho ko bilang isang maid ay tinitiis ko pa rin ito dahil ito lamang ang tanging paraan para makapagtapos ako sa pag-aaral at matupad ang aking mga pangarap.

Susuko na sana ako sa pagiging isang maid dahil sa pagpapahirap sa akin ng isa sa mga master ko pero naging matatag pa rin ako. Grabe, ang malas ng buhay ko. Namatay na nga si Mama dahil sa sakit na cancer tapos hindi ko pa nakilala ang Papa ko. Wala akong kapatid ni isa. Yung tita ko lamang ang bumubuhay sa akin pero parang pabigat lang yata ako sa kanya. Hindi niya ako tinuturing na pamangkin. Tinuturing niya akong isang katulong. Isama niyo pa ang anak niyang ubod ng sama.

Pero sa pagiging maid ko ay biglang nagbago ang lahat. O sige, ikukuwento ko sa inyo ang mala-MMK kong storya.

avataravatar
Next chapter