6 Chapter 6

[LOUISE'S POV]

Nandito naman kami ngayon ni Kate sa Jewelry Shop. Bumibili kami ng accessories para raw sa'kin.

"Hala Kate! Sobra-sobra na 'to." sabi ko kay Kate. Nahihiya na ako sa kanya.

"Anong sobra ka diyan? Kulang pa kaya 'to. At saka thank you gift ko na rin 'to para sa'yo." nakangiting sabi sa 'kin ni Kate.

"Thank you talaga nang marami Kate ha." sabi ko kay Kate. Ang swerte ko talagang makilala ko siya.

"Wala yun. Tara, umuwi na tayo." sabi sa 'kin ni Kate na ikinagulat ko. May bigla kasi akong naalala.

"Hala Kate! Ano na ba ang oras?" tanong ko kay Kate. Tumingin siya sa relo niya.

"Oh my! It's almost 8 o' clock na ng gabi." shock na sagot ni Kate.

"8 O' CLOCK?" napasigaw ako bigla.

Patay ako sa boarding house lalong-lalo na kay Billy The Monster.

"Tara na. Ihahatid na kita." sabi sa 'kin ni Kate. Tumango naman ako at pumunta kami sa parking lot dala-dala ang pinamili namin.

[BILLY'S POV]

"Wala siya sa school." sabi sa 'kin ni Fredison.

Hinanap namin si Louise kahit saan pero hindi pa rin namin siya mahanap. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya kahit na naiinis ako sa kanya.

Nasaan na kasi yung katulong na yun? Hindi man lang basta-basta nagpapaalam sa amin. Baka napano na yun.

"Nandito na si Louise." sabi sa 'min ni James. Napatakbo naman ako palabas ng bahay at nakita ko si Louise.

*tigil*

Natulala ako bigla.

Siya ba yan?

Bakit...

...ang ganda niya.

[LOUISE'S POV]

"See you tomorrow Louise." sabi sa 'kin ni Kate at umandar na ang kotse niya paalis.

"Louise?" tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses.

*shook*

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Billy The Monster na palapit sa 'kin. Patay, nakatingin siya sa 'kin.

Kinilatis niya ako.

"Ikaw ba yan?" Nabigla naman ako sa tanong ni Billy The Monster. Oo nga pala, naka-make over pala ako. Mukhang hindi pa niya ako nakikilala.

"Opo. Bakit po?" magalang na sagot ko sa kanya. Nakita ko namang natulala siya.

Napano naman 'to?

[JAMES' POV]

"Brad, nakikita mo ba ang nakikita ko?" sabi ko kay Fredison. Woah! Ang ganda naman ni Louise. Nakakatulala ang ganda niya. Pati nga si Billy natulala sa kagandahan ni Louise.

"Hoy! Gabi na. Bakit ngayon ka lang? Tinatakasan mo ang trabaho mo noh." galit na sabi ni Billy kay Louise nang bumalik ito sa huwisyo niya.

"Pasensiya na po. Hindi ko po kasi namalayan yung oras." sabi ni Louise na parang natatakot na masisante siya sa trabaho. Huminga nang malalim si Billy.

"Palalampasin namin 'to. Pero kapag inulit mo pa 'to ay magpaalam ka na sa trabaho mo." seryosong sabi ni Billy.

"O-opo." may takot na tugon ni Louise.

"Ipagluto mo kami ng hapunan." utos ni Billy kay Louise. Dali-dali namang pumasok si Louise. Mukhang galing sa shopping si Louise. Marami kasi siyang bitbit na mga bags.

"Ang ganda pala ni Louise kapag nakaayos." sabi sa'kin ni Fredison. Oo nga, ang ganda ni Louise kapag nakaayos. Pang Miss Universe ang ganda niya. Natulala nga ako kanina sa kagandahan niya eh.

Nakita kong pumasok si Billy. Pumasok na rin kami ni Fredison na tulala pa rin sa kagandahan ni Louise. Mukhang na-in love na 'to kay Louise ah.

[BILLY'S POV]

*dug dug dug dug*

Shit! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit nagkakaganito ako? Gumanda lang naman siya ha. Yeah. I admit she's beautiful kapag nakaayos siya.

Nakita ko naman si Louise na pababa ng hagdan. Biglang nag-slow motion ang paligid at may kung ano-anong sparks ang nakikita ko sa paligid ni Louise. Shit! She's so gorgeous. Hindi ko mapigilang purihin siya.

"Ang ganda talaga ni Louise." narinig kong sabi ni Fredison.

"Oo nga." wala sa sarili kong tugon.

"Talaga? Nagagandahan ka sa kanya?" Natauhan naman ako sa tinanong ni Fredison.

"O-of course not." pagbawi ko sa sinabi ko kanina.

"Wag ka nang magkaila pa bro. Alam kong Nagagandahan ka sa kanya." sabi sa 'kin ni Fredison.

"Bahala ka kung yan ang nasa isip mo. Basta para sa'kin ay maganda siya—este hindi siya maganda." sabi ko kay Fredison.

[JAMES' POV]

Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang napakagandang mukha ni Louise. I think I'm having a crush on her.

"Nakahanda na po yung hapunan." sabi ni Louise. Bumalik naman ako sa katinuan.

"Nga pala Louise. Samahan mo ako bukas sa national bookstore." sabi ni Fredison kay Louise.

"Sige po Sir." tugon naman ni Louise kay Fredison.

"By the way, ito na ang una mong sahod as promise." sabay bigay ni Fredison ang sobre na may lamang pera.

"T-thank you Sir." sabi ni Louise sabay tanggap ang sobreng may pera.

[LOUISE'S POV]

Pagkarating ko sa kwarto ay tinignan ko agad ang laman ng sobre.

*dollar sign eyes*

Wow! Ang daming bills. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong karaming pera.

Hulog talaga ng langit 'tong trabahong 'to.

Tinawagan ko naman si Kuya Tisoy. Gusto ko siyang i-treat bukas bilang pasasalamat sa pagbigay niya sa 'kin ng trabaho.

("Hello Louise. Napatawag ka?") - Kuya Tisoy

"Kailan ka libre bukas?" tanong ko sa kanya.

("Ha?") - Kuya Tisoy

"Ang sabi ko anong oras ka libre bukas?" paglilinaw ko.

("Mga tanghali? Ba't mo natanong?") - Kuya Tisoy

"Well gusto sana kitang i-treat bilang pasasalamat sa pagbigay sa 'kin ng trabahong 'to. Nakuha ko na ang unang sweldo ko." sagot ko sa kanya.

("Talaga? Kung ganun. Sige.") tugon sa 'kin ni Kuya Tisoy.

"Saan mo ba gustong kumain? Sa Jollibee? Sa McDo?" tanong ko sa kanya.

("Gusto ko sa Greenwich.") sagot niya.

"Sige, magkita na lang tayo bukas." sabi ko sa kanya.

Pagkatapos naming mag-usap ay pumunta ako sa kusina para maghugas ng pinggan.

avataravatar
Next chapter