5 Chapter 5

[LOUISE'S POV]

- AFTER CLASS (MALL) -

"Naku Kate! Hindi mo naman kailangang gawin 'to." sabi ko kay Kate. Hindi niya talaga nakalimutan ang sinabi niya sa 'kin.

"Hindi, kailangan mong mag-ayos Louise. Bubullyhin ka ng mga kaklase mo kung ganyan ang itsura mo." pagpupumilit niya sa 'kin.

"Pero..."

"No buts bestfriend. Magtatampo ako sa 'yo kung hindi ka pumayag sa treat ko." malungkot na sabi sa 'kin ni Kate. Bigla tuloy akong nakonsensiya.

"Okay fine." ang nasabi ko na lang na ikinatuwa niya. Ang hirap pa lang magkaroon ng makulit na bestfriend.

Since pumayag na ako ay nag-shopping na kami ni Kate.

"Bagay 'to sa'yo Louise. Ito rin."

Kuha ng kuha ng mga damit si Kate. Shopping monster pala 'tong si Kate. Kung ano-anong dress at shoes ang kinukuha niya.

***

"P105,320 po ma'am." sabi ng cashier nang makarating kami sa counter. Napanganga naman ako sa total na binili namin. P105,320? Seriously?

"Here's my credit card." sabi ni Kate sabay abot sa cashier ang credit card niya. Hindi lang siya basta-basta credit card. Black credit card siya. Ang daming zero nun ha.

Kinuha naman ng cashier yung black credit card ni Kate.

"Heto na ang mga damit mo. Suotin mo yan every Friday during school." sabi sa 'kin ni Kate.

"Salamat Kate ha. Hindi ko alam kung paano ko 'to babayaran." sabi ko kay Kate. Sobra-sobra 'tong binigay niya sa 'kin. Nakakahiya tuloy.

"No need to pay. Friendship mo lang sapat na sapat na." nakangiting sabi sa 'kin ni Kate. Grabe, ang bait talaga niya. Ang swerte ng magiging asawa nito.

"Tara, kumain muna tayo." pag-aaya sa 'kin ni Kate. Pumasok kami ni Kate sa Dyosa's Foodcourt dito pa rin sa mall.

"Ang dami naman yan Kate. Mauubos ba natin 'to?" sabi ko kay Kate. Ang dami kasing pagkain ang binili niya. Mga 10,000 pesos nga ang nagastos niya.

"Don't worry. Kung gusto mo, ipabalot na lang natin ang natira at ibibigay ko sa'yo." sabi sa 'kin ni Kate na ikinatuwa ko. Agad akong tumango at nagsimula nang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta naman kami sa salon dito sa mall. Hindi nga namin naubos yung pagkain kaya pinabalot na lang namin. Yes, may hapunan na kami sa boarding house. Hindi ko na kailangang magluto pa. Ang dami ko kasing assignment kaya hating-gabi na ako nakakatulog. Isama mo pa ang mga utos sa'kin ni Billy the Monster na yun. Nakakastress!

"Hello Ms. Kateleen." bati ng isang beki kay Kate.

"Hello Dave, I mean Dyosa." bati rin ni Kate sa beki. Wow! Mukhang suki yata rito si Kate sa salon kaya nakilala siya ng beki.

Sinabi naman ni Kate sa beki ang mga instructions na gagawin daw nila sa 'kin para gumanda.

"Okay, just relax Ms. Louise on your sit and I'll give you my magic." sabi sa 'kin ng beki.

Inaayusan na ako ng beki kasama ang back-up niyang beki rin. May kung ano-ano silang ginagawa sa buhok ko. Meron ding nag-fo-footspa at nag-ha-handspa sa 'kin. Meron ding nag-ma-make up sa'kin. Halos lahat yata ng parte ng katawan ko ay minurder na nila para lang ako gumanda.

Pero sana naman ay maganda ang kalabasan nito.

- AFTER AN HOUR -

"Okay, open your eyes Louise." sabi sa 'kin ni Kate. Minulat ko ang aking mga mata.

Pagmulat ko ay may magandang babae sa harap ko.

"Ah Kate. Sino yan?" clueless kong tanong kay Kate. Bigla namang tumawa si Kate.

"Hulaan mo." sabi sa 'kin ni Kate. Tinignan ko yung babae. Teka, bakit niya ginagaya ang mga galaw ko?

*shock*

"Ako ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hahaha! Yes Louise, that's you." sabi ni Kate na mas ikinagulat ko pa. Napahawak naman ako sa mukha ko.

Wow! Ako ba 'talaga 'to? Ang ganda-ganda ko naman.

"So what do you think?" tanong sa 'kin ni Kate.

"Wala akong masabi. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako 'to." sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa salamin.

"Now you are Louise ver. 2.0." sabi sa 'kin ni Kate.

"Thank you talaga rito Kate." sabi ko kanya.

Excited na tuloy akong makita ang reaksyon nila kapag nakita nila ako.

avataravatar
Next chapter