3 Chapter 3

[LOUISE'S POV]

Inalayan ako ng gwapong lalaking ito sa pagtayo.

"T-thanks." sabi ko sa gwapong lalaki. Ang gentleman naman niya.

"Ako nga pala si Fredison Mirko." pagpapakilala nung gwapong lalaki. Ang ganda ng name niya. Bagay sa gwapo niyang mukha.

"Louise Perez." sabi ko naman kay Fredison.

Nag-shakehands kami ni Fredison.

"Mga kaibigan ko nga pala. Sina James Charles at Billy Williams." pagpapakilala sa 'kin ni Fredison sa dalawa niyang kaibigan.

"Hello sa'yo Louise." bati sa 'kin ng cute na lalaki. Yung isa mukhang masungit.

"Hi. I'm James Charles." sabi niya sabay kuha ng isang kamay ko at nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko.

"You look so beautiful." dagdag pa niya sabay wink sa 'kin. I'm sure namumula na ang face ko ngayon.

"Wag kang didikit sa kanya dahil playboy yan." bulong sa 'kin ni Fredison. Ay playboy pala 'to. Sayang naman. Ang cute pa naman niya. Wala sa mukha niya ang pagiging playboy.

"Tsk. Umupo na nga tayo. Nagsasayang lang kayo ng oras dahil sa babaeng yan." sabi ng masungit na lalaki.

"Tara, tabi tayo." nakangiting sabi sa 'kin ni Fredison. Nakita ko namang masama ang tingin sa 'kin ng mga babaeng classmate ko. Hala! Anong ginawa ko at gano'n sila makatingin sa 'kin?

"Don't mind them." bulong sa 'kin ni Fredison.

Tumango na lang ako at umupo sa tabi niya.

"Good morning class."

Dumating na ang Instructor namin. Beki siya.

Nagpakilala sa'min yung Instructor at siya rin yung adviser namin since siya ang may hawak sa major subject namin which is related to my course. Nagpakilala kami isa-isa sa harapan. Buti nga at hindi ako na-bully. Wala naman kaming ginawa masyado dahil first day pa lang naman ng school. Mabilis rin nag-dismissed yung klase.

***

"Louise. May i-o-offer ako sa 'yong work. Sigurado akong matutuwa ka." sabi sa 'kin ni Kuya Tisoy sabay abot ng isang bondpaper.

Binasa ko yung nakasulat sa bondpaper.

"Wow! 5k a day plus tirahan. Kaso hindi ko naman kaya 'tong trabahong 'to dahil may klase ako. Hindi ko sila maaasikaso sa boarding house nila." sabi ko kay Kuya Tisoy.

Ang tinutukoy na trabaho dito ay ang pagiging maid. Sayang naman 'to dahil malaki ang sweldo.

"No worries dahil sa DGUP rin sila pumapasok." sabi sa'kin ni Kuya Tisoy.

Nabuhayan naman ako sa sinabi niya.

"Wow! Wala na pala akong magiging problema nito. Sige, tatanggapin ko 'to." sabi ko kay Kuya Tisoy.

"Nandyan yung address sa ibaba." sabi sa 'kin ni Kuya Tisoy.

"Okay. Thanks Kuya Tisoy." pagpapasalamat ko sa kanya. Isa talagang guardian angel para sa 'kin si Kanya Tisoy dahil lagi niya akong tinutulungan kapag may kailangan ako.

- SA ISANG BOARDING HOUSE -

Grabe naman ang pila rito. At bakit maraming babae ang nagpapaganda?

"Sis, okay na ba ang ayos ko?" tanong ng isang babae.

"Ang ganda mo Sis. I'm sure maha-hire ka na." sagot ng babaeng kasama niya. Huh? Kailangan pa bang magpaganda para ma-hire sa trabaho?

"Waaaaaaaaaa! Hindi ako natanggap." may nakita akong isang babaeng umiiyak. Napaano yun? Hala! Baka siguro strict ang may-ari ng boarding house na 'to.

"Wish me luck na lang."

- AFTER 1 HOUR -

"Next."

Ako na pala ang sunod.

Pumasok na ako sa isang boarding house.

Pagpasok ko pa lang ay nagulat ako nang makita ko sina Fredison, James at yung lalaking masungit na hindi ko na matandaan ang pangalan. Teka, anong ginagawa niya rito?

"Louise?" gulat na sabi ni Fredison.

"Ano ang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami?" masungit na tanong sa 'kin ng lalaking masungit. Pektusan ko kaya 'to.

Pero teka, sa kanila 'tong boarding house na 'to?

"Anong sinusundan ka diyan? Nandito po ako para mag-apply ng trabaho bilang maid." sagot ko sa lalaking masungit. Dapat pala hindi ko siya tinarayan. Baka hindi nila ako tanggapin.

"Ganun ba?" nakangiting tugon sa 'kin ni James. Ang cute talaga niya.

Tumango naman ako.

"Kung ganun. You're hired." sabi sa 'kin ni Fredison na ikinatuwa ko bigla.

"WHAT???" hindi makapaniwalang sabi ng lalaking masungit.

"Tanggap ka na sa trabaho." sabi sa 'kin ni James.

"ARE YOU OUT OF YOUR MIND?" sigaw ng lalaking masungit.

"Chill pre. Dalawa kaming sumang-ayon. Isa ka lang." sabi ni Fredison sa lalaking masungit. Tama ka diyan Fredison.

"Shit!" biglang tumayo yung lalaking masungit at nag-walkout.

Ang sungit talaga niya.

Pero yipee! May work na ako. Pero sana hindi ako pahirapan ng masungit na yun.

avataravatar
Next chapter