1 Chapter 1

Naalala ko tuloy sa isang bar kita unang nakita.

Sa isang bar kung saan ako ay isang bartender.

Madalas kitang mapansin dahil sa kakaibang istilo mo.

Sabi nga ni Marlon (isang bartender kagaya ko) mukha ka daw addict, sabi ko naman weird ka lang talaga.

Paano ba naman kalalaki mong tao eh ang haba ng buhok mo, abot hanggang balikat kahit nka pony tail pa at mukha kang di nag-aahit.

Nakasanayan ko na tuwing 11:30 pm dumarating kasa Berlin Bar. Nauupo kasa isang sulok, mag-isa kalang parati, malungkot na para bang pasan mo lahat ng problema sa mundo.

Ewan ko ba kung bakit gabi-gabi eh iniintay ko ang pagdating mo at pag nakita kana ay gusto kong patigilin ang oras. Sabi ni Marlon baka daw inlove ako sayo.

Hanggang sa isang gabi sobrang dami mo ng nainom hindi kana makatayo sa silyang inuupuan mo.

Nakiusap ako kay Marlon na dukutin ang wallet mo. Ang totoo hindi naman ako interesado sa pera mo, gusto ko lang malaman ang pangalan mo at contact number man lang.

Tiningnan ko laman ng wallet mo. Lilibuhin ang pera mo pero wala ka man lang picture, ni calling card wala din. Isang papel lang na may nakasulat na address at pangalan na Rheynaldo Anzores, marahil yun ang pangalan mo. Masaya ako na nakilala kita.

Inintay kita ng sumunod na gabi para isauli ang wallet mo at para kausapin ka pero buong gabi akong nag-intay at hindi ka dumating.

avataravatar
Next chapter