1 Prologue

"Mama! Aalis na po ako!" pasigaw na sabi ko habang sinuot ang sapatos ko. Narinig ko ang yabag ni Mama. Tumayo na ako at sinuot ang bagpack ko na binili sa 'kin ni Papa.

"Anak, h'wag pasaway ha? Mag ingat ka sa byahe," nakangiting sabi ni Mama at sinuot sa 'kin ang ID. Nakangiti akong tumango bilang sagot sa bilin sa 'kin ni Mama. Kahit mahirap lang kami, napaka swerte ko kay Mama dahil mabait, maunawain at mapagmahal siyang Ina.

"Opo, ma, sige po!" Nakangiti akong kumaway kay Mama nang makalabas na ako ng gate. Nagsimula na akong naglakad papunta sa birada kung saan naroro'n dumadaan ang mga jeep.

"Isa pang bakante! Sakay na!" Agad akong tumakbo nang marinig ko ang sigaw ni Manong. Napabuntong hininga ako nang makasakay ako ng jeep. Hay, kung wala ng bakante maghihintay na naman ako ng ibang jeep at paniguradong male-late ako sa school.

Sampung minuto ang nakalipas nakarating na ako sa Meadow University. Nagbayad muna ako bago ako bumaba ng jeep. Ang Meadow University ay isa sa mga pangarap ko na gustong-gusto ko mag-aral. May kamahalan din ang tuition dito pero kaya din nila Mama at Papa. Noon pa man pangarap ko na mag-aral dito at tinupad 'yon ni Mama at Papa kaya napakaswerte ko na may magulang ako tulad nila.

"Avi!" Napalingon ako nang may narinig akong tumawag ng pangalan ko.

To be continued. . .

avataravatar