1 Part 1

The Lost Prince Finding The Lost Princess

Ang storya kung saan dalawang nilikha ang may mag kaibang katungkulan sa iisang lugar

Dalawang nilalang na nag tagpo sa makabagong mundo ngunit hindi maaring mag sama

Parehas na pinagtagpo ng tadhana para magtulungan ngunit hindi maaring umibig sa isa't isa

Dalawang mundo ang tatahakin ng dalawang nilalang.

Dalawang mundo ang dapat nilang tahakin

Isang landas ang dapat tawirin ngunit

Parehas na damdamin ang kaylangan pigilin.

...

Minsan sa mundong iyong ginagalawan

Akala mo dun na talaga yung kaligayahan mo akala mo lahat ng iyong ginagawa dun ka masaya

Dahil ba sa tumatawa ka nakakangiti ka kasiyahan na ang tawag dun?

Minsan kaylangan mong pakiramdaman ang sarili mo Dahil Hindi lahat ng nakakapag patawa sayo ay kasiyahan na

Dahil ang tunay na kasiyahan ay ang pag titiwala sa kaya mo hangga't wala kang tinatapakang ibang tao

Kumilos ka ayun sa iyong gusto.

Pero paano kung ang tunay na kasiyahan na iyong hinahanap ay wala sa mundong ginagalawan mo

Pero paano kung matagpuan mo ang kasiyahan mo sa ibang mundo

Sa lugar na akala mo imposible. Pero ang kasiyahan na natagpuan mo ay Hindi maari.

Isang pag kakamali

Dahil sa lugar na napuntahan mo may isang batas na dapat sundin at walang kahit sino ang maaring lumabag rito

Anong gagawin mo

Kung kasiyahan mo na ang nakasalalay rito?

Isusuko mo nalang ba ito?

Oh ipag lalaban mo? kahit alam mong

May matatapakan kang ibang damdamin

Anong gagawin mo?

Dahil kung ikukumpara kayong dalawa mag kalayo ang kapalaran para sa inyomg dalawa

Parang isang

Araw at buwan na hindi dapat mag katagpo. Kagaya ng isang bituwin sa kalangitan na hindi maabot ng himpapawid

Paano mo maabot ang kapalaran na Hindi para sayo?

Dahil pinag tagpo lamang kayo ng tadhana pero Hindi kayo ang para sa isa't isa.

Anong gagawin mo pipiliin mo nalang bang Bumalik sa dating ikaw para mabaliwala ang Kasiyahang matagal mo nang hinahangad?

Isasakripisyo nyo na lamang ba ang damdamin nyo para sa isang batas na matagal Ng binuo

Batas na walang kahit na sino ang sumuway?

********************

"Syme Kiara

Goddess fairy of magic kingdom

Sayo inaatas ang pag hanap sa prinsipe na matagal ng nawawala At dahil ikaw ay nakagawa ng kasalanan ito ang ibibigay sayong kaparusahan sa loob ng tatlumpong araw kaylangan mong makabalik kasama ang prinsipe makikilala mo sya sa pamamagitan ng kanyang palatandaan sa kanyang kanang leeg mag liliwanag ito sa oras na mag kalapit kayo!"

"At bilang goddess na nakakataas sa lahat Alam naming mag tatagumpay ka sa misyon mo.

Bilang pakiusap na rin dahil ito ang nararapat at isa sa iyong tungkulin!"

avataravatar
Next chapter