webnovel

Chapter 1: The Accident

Palabas ako ngayon ng isang building kung saan nakatayo ang kumpanya ng aking mga magulang. Papasok na sana ako ng kotse nang makita ang boyfriend ko at ng itinuring kong bestfriend simula pagkabata na magkaholding hands at sobrang sweet sa isa't isa.

Biglang bumuhos ang luha ko sa aking mata pagkakita ng ganoong eksena kaya hindi ko maiwasan mapakuyom at magalit sa kanilang dalawa. Gusto ko silang sugurin pero may pumipigil sa akin na huwag gawin iyon. Kaya yumuko na lang ako at saka pinunasan ang mga luha hanggang sa nakita kong magkahalikan na sila na mas ikinagalit at mas ikinadurog ng puso ko.

Bakit niyo ginawa sa akin ito? Anong kasalanan ko sa inyo ahhh? Minahal kita ko nang higit sa aking sarili at binigay ko lahat ng atensyon sa kanya kahit hindi na ako nagkakauga-uga sa trabaho. Tapos itong sa bestfriend ko na simula pagkabata kami na ang magkasama sa isa't isa, pinagkatiwalaan at higit sa lahat minahal at itinuring kong kapatid, lahat ng mayroon ako binibigay ko sa kanya? Mga walang utang na loob!!!

Nilapitan ko sila upang mapansin nila ako at tama nga ako. Laking gulat nilang makita nila ako at pinapanood sila sa kanilang ginagawa. Wala akong ibang naramdaman kundi galit at pangsisisi na makilala ko sila.

Napangisi lang ang dalawa pagkatapos nang makita nilang patuloy lang ako sa pagluha.

"Mga hayop! Mga walang utang na loob. How dare you did this to me? Ano kasalanan ko para gawin niyo sa akin 'to ahhh babe...." nagagalaiting sigaw ng dalaga. "At sayo?"

"All these years niloko niyo lang ako? At nagpagamit?"

Napahalakahak lamang ang bestfriend niyang si Venice, "Mabuti na lang alam mo na, Shai. Ang tanga mo kasi para di mo kami mapansin. Masyado ka kasing nagbabait-baitan at nagrereynahan eh kaya sobrang naiinis ako?" sarkastikong wika nito.

"Ganun pala tingin mo sa akin Ven? Wala kang kasing sama."

"At ikaw akala ko totoo lahat ang ipinapakita mo sa akin, iyon pala isa lang palabas."

"Oo ginamit lang kita Shai para matulungan kong maisakatuparan ni Venice ang plano niyang saktan ka. Kahit kailan hindi kita minahal. Kahit kailan hindi ako magmamahal sa isang tulad mong hangal." isa pang masakit na binitawan ni River sa akin na hindi ko inaasahan. Napakalayo sa pagkakakilala ko sa kanya sa pagiging mabait at mapagmahal pero salungat lang pala ang lahat.

"Bagay nga kayo na parehas mangagamit. Dapat lang na magsama kayo."

Saka tinalikuran na ni Shai ang dalawa at naglalakad pabalik sa sasakyan. Mabilis niyang pinaandar ang makina at pinaharurot ito.

Gusto ko na magpakalayo. Mas malayo sa kanila na hindi ko na sila makikita pa ulit.

Mas binilisan ko pa ang takbo at wala na akong pakialam pa sa traffic rules na 'yan at ang gusto ko lang ilabas pa lahat ng galit ko. Sa susunod makikita ang hinahanap nila. Matitikim nila ang akin paghihiganti ko na mas masahol pa sa ginawa nila sa akin.

Maya-maya pa hindi ko namalayan na may sasalubong sa akin na kotse kaya agad ko itong niloko ngunit nagkamali ako hanggang sa bumunggo nang napakalakas sa isang puno na dahilan ng pagkawala ko ng malay.

Sana mamatay na lang ako to ease all the pain.

Next chapter