4 Chapter 4

=Isang oras bago ang nakatakdang pagkikita ni Miss Black at Matthew=

Nakaupo noon si Matthew at kaharap ang study table at kaniyang laptop. Pinapanood niya noon ang isang sikat na anime series at isinantabi muna ang mga gawain sa eskwelahan. Umiinom din siya ng gatas na may milo na nakalagay sa baso ng starbucks ng mga sandaling iyon, nang matapos siyang uminom at ilagay ang baso sa may kanang(Matthew's POV - Point of view) tabi ng laptop ay sumandal siya sa upuan niyang monoblock. Pinahinto niya sa pagplay ang video at pinagcross ang kaniyang mga kamay sabay tumingala.

'Ano kaya yung nangyari nung nakaraan habang nag-oonline class?' Ang bulong niya sa kaniyang sarili.

Ito ang paulit ulit na pumapasok sa kaniyang isipan magmula ng maramdaman niya iyon. Hindi naman talaga ganoon kalaking bagay iyon pero 'there's something interesting about it'.

Bumuhos bigla ang napakalakas na ulan sa labas na may kasamang malakas na hangin ay may pagkulog at pagkidlat. Napatingin noon ang binatang nakasandal sa kaniyang upuan sa kurtinang hinahawi ng malakas na hangin.

"May bagyo nanaman."

Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana para isara ito. Medyo madilim na noon sa labas na aakalain mo alas sais(6 p.m.) na ng gabi. Isasara niya na sana ang sliding window nang mapansin niya ang isang bagay na naglalabas ng liwanag na kulay pula na lumipad patungo sa kanan, direksyon na kontra sa ihip hangin. Inisip niya na guni-guni niya lamang iyon dahil imposible na mangayari ang ganoon dahil sa lakas ng hangin at dahil na rin walang pwersa o bagay na sumusuporta na maaring magtulak sa bagay na nakita niya na kontra sa malakas na hangin.

Hindi niya iyon gaano binigyan ng atenyon dahil kung ibabase natin sa siyensya(science) tama ang reasoning niya. Nang maisara niya ang bintana ay kumidlat ng napakalakas na sinundan ng nakabibinging pagkulog na ikinagulat niya at halos mapamura.

David: Ang akala ko noon 'nakakabingi' ang tamang term.

Filipino teacher: Kaya makinig ng mabuti.

Nawalan ng kuryente dahil sa nangyaring pagkulog at kidlat. Lumayo na sa bintana si Matthew at mababakas pa din sa mukha niya ang pagkagulat.

"Grabe na 'tong araw na ito."

Naupo siyang muli sa monoblock at itiniklop ang laptop. Kinuha niya ang kaniyang touchscreen na phone na nasa kaliwang tabi ng laptop at binuksan ito para magbukas ng kaniyang Facebook.

Nagscroll up lang siya ng nagscroll up at nagtitingin sa mga post at shared posts ng kaniyang mga kaibigan. Mayroon siyang nakitang meme post at nagreact siya ng 'HAHA' kahit na napaka seryoso ng mukha niya.

Dahil sa wala din siyang makita na interesting na post ay pinatay na nalang ulit ang kaniyang phone at ipinatong sa ibabaw ng nakatiklop na laptop. Napaisip siyang muli sa naramdaman niya tatlong araw na ang nakakaraan habang nagkaklase dahil sa hindi iyon pangkaraniwan para sa kaniya. Iyon din ang unang beses na nakaramdam siya na tila mayroong nanonood sa bawat ikinikilos niya. May mga sandaling nawawala ang pakiramdam na iyon pero sa pang anim na beses ay tumagal ng halos tatlumpung minuto(30 minutes) na nanatili sa kaniya ang pagiging hindi komportable.

Kinuha niyang muli ang kaniyang phone, binuksan ito at nagtungo sa browser. Dahil sa magkakasunod na gawain sa paaralan ay wala siyang oras para alamin ang bagay na iyon dahil sa makukunsumo lamang nito ang oras niya, kaya naman dahil sa wala siya gaanong gawain para sa mga susunod na araw ay ngayon niya lamang naisipang pag-isipan at alamin iyon.

Sinimulan niyang hanapin sa google ang ibisabihin ng -what does it mean if you're uncomfortable?- at nang hindi niya mahanap ang gusto niyang resulta ay binago niya ito sa -do you feel uncomfortable is you're being watched?-. Sa patuloy na paghahanap niya ay may resultang nakakuha sa kaniyang attensyon.

Minabuti niyang puntahan ang link at basahing ang buong nilalaman ng nakita niya. Doon ay nalaman niya na nasesense ng utak ng tao ang pakiramdam na mayroong nagmamasid o nakatingin sa atin.

"So biological phenomenon siya na tinatawag na gaze detection." Ang may pagkamanghang sabi sa sarili ng binata.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa dahil sa interesting na nalaman niya tungkol sa pangyayaring ito. Sinasabi din sa article na binabasa niya na sa oras na ilayo ng isang taong nagmamasid sayo ang tingin nila ay nawawala ang pakiramdam ng pagiging hindi komportable(uncomfortable). That explains why every time na aalisin ni Miss Black ang projection niya sa mahiwagang salamin ay nawawala ang pakiramdam na iyon kay Matthew.

"Oooo, ganun pala yun." He nodded in satisfaction.

+[The word Oooo in this chapter is used as an expression.]+

Pinatay niya ng muli ang phone at ipinatong muli sa ibabaw ng laptop.

"But there's still one question." Bumalik sa pagiging seryoso ang kaniyang ekspresyon.

"Sino siya at saan niya ako inoobserbahan?"

Napatingin siya sa may bintana. Pero naisip niya na imposible iyon dahil sa nakasara ang kurtina nang maramdaman niya na tila mayroong nagmamasid sa kaniya at dahil na rin sa barracks ng Navy ang katapat nilang two storey house. Isa pang dumagdag sa isip niya ay hindi siya itunuro ng pakiramdam na iyon sa labas kundi sa loob lamang ng kaniyang kwarto at isa pa sa katakataka(weird) ay nagmumla ang pakiramdam na iyon sa kisami.

Wala siyang maisip na logical explanation sa nangyari dahil sa maayos naman ang pakiramdam niya at dahil sa wala siyang maisip na valid reason para makagawa ng logical explanation. Ang huling naisip niya ay maaring kagagawan iyon ng isang hindi nakikita na entity, in other words, a ghost.

Inalis niya iyon sa equation dahil hindi siya naniniwala sa supernatural entities. Inisip niya na baka nagkataon lang ang lahat pero that doesn't explain why there are intervals and why the sixth and last interval is so long kumpara sa naunang lima.

"Will I really blame it as the work of a ghost?" Ang hindi makapaniwalang sabi niya sa sarili na may kasunod na ngiti.

Habang patuloy siya sa pag-iisip ay hindi niya namalayan na dalawampung minuto na ang nakalilipas. Bumalik na din noon ang kuryente sa bahay nila at nang mapansin niya ang oras ay isinantabi niya na muna ang kaniyang pag-iisip at tumayo mula sa monoblock.

"Grabe talaga, nakakangawit sa balikat ang matagal na pag-upo." Ang sabi niya habang nag-iinat ng kaniyang katawan.

Matapos mag-inat ay kinuha niya ang baso sa ibabaw ng study table at naglakad siya palabas ng silid para magpunta sa living room at tingnan kung ano ang pwede niyang gawing meryenda. Ipinatong niya ang baso sa black oval-shaped reinforced glass dining table. Ang dining table ay kayang umakupa ng lima hanggang anim na tao ana ang positioning at may dalawang pares na magkaharap sa gitna at isa sa bawat end ng lamesa. Malapt ang lamesa sa bintana kaya naman madarama ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok dito.

Kumuha si Matthew ng isang balot ng piatos at tsaka naupo sa tapat ng mesa. Hindi niya na binuksan ang ilaw dahil mas prefer niya ang dim lighting.

Habang kumakain ay nagsimulang sumakit ang kaniyang wisdom tooth(left lower teeth side) kaya naman naman napahinto siya sa pagkain. Pinakiramdaman niya muna ito ng ilang Segundo at napagdesisyunan na magmumog muna ng maligamgam na tubig na may asin bago mag toothbrush.

Nang matapos siyang magmumog ay pumunta na siya sa loob ng comfort room na nasa kanan kapag papunta ka sa loob ng kaniyang kwarto at nasa may kaliwa naman kapag palabas. Naisipan niya na ding maligo kaya naman lumabas siyang muli, pumasok sa kwarto ng kaniyang mga magulang para kumuha ng tuwalya, mga maisusuot at deodorant. Nang makuha niya na ang mga kailangan niya ay pumasok na siyang muli sa cr at isinara ang pinto.

Makalipas ang labinlimang minuto(15 minutes) ay natapos na siya sa pagligo at nakabihis na din. Binuksan niya ang gripo ng lababo at kinuha ang kaniyang toothbrush. Habang nagtutoothbrush ay nakarinig siya ng malakas na pagsara ng pinto pero hindi niya na iyon gaano inisip. Malakas din kasi kung magsara ng pinto ang kaniyang mga magulang kaya naman inisip niya na baka si erpats(another filipino term for father) niya iyon na umuwi galling sa trabaho. Sa pagpapatuloy niya sa pagtotoothbrush ay nakarinig naman siya ng yapak ng heels.

Heels? Sa loob ng bahay nila? At bakit umaalingawngaw ang tunog?

Hinayaan niya lang ulit iyon dahil mas iniisip niya ang kaniyang pagtutoothbrush at dahil na din sa kumikirot pa din ang kaniyang wisdom tooth.

Sa wakas ay natapos na din siyang magtoothbrush pero nakakaramdam siya ng pagkahilo dahil sa sakit ng kaniyang ngipin. Dahil sa sabog siya dahil sa hilo ay lumabas siya sa cr na nasa bunganga pa ang toothbrush. Nang buksan niya ang pinto at lumabas ay kumirot ang kaliwang bahagi ng kaniyang ulo kaya naman napapikit siya at nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay napansin niya na hindi ito ang bahay niya. Napatingin siya sa babaeng nakaupo sa isang trono, medyo may kalayuan siya mula sa babae at medyo madilim din ang paligid kaya naman ang naaninag niya lamang ay ang puting buhok nito at itim na suot.

"Pasensya na." Sabi niya sabay balik sa silid na nilabasan niya at isinara ang pinto.

(Ang weird nun. Sa sobrang pagod ko naghahallucinate na ako. Module pa more.) Ang sabi niya sa kaniyang isipan.

Nagmumog siya sa may lababo at inilagay ang toothbrush sa baso na nasa kanang gilid ng lababo. Isinara niya ang gripo at binuksan ang pinto. Napahikab siya habang naglalakad kaya naman nakapikit siya ng mga sandaling iyon at nang iminulat niya ang kaniyang mga mata ay nakita niyang muli ang napakaganda pero walang ekspresyon na babaeng nakatingin sa kaniya.

"Sup." He casually said to her with a wave from his right hand.

Then narealized niya bigla na wala na siya sa bahay nila.

"Anong lugar ito?!" Ang gulat na sigaw niya na sinundan ng biglang pagsakit ng kaniyang ngipin.

"Aray, yung ngipin ko."

_ _ _ _ _ _

"Ang lalaking ito...ay si Matthew." (Miss Black)

_________________

avataravatar
Next chapter