Webnovel

1 The Living Nightmare

Limang taon na pala. Limang taon mula ng namalagi ako sa tahimik na selda. Puro pader ang nakapaligid sa akin at sa kulungang naging tahanan ko na.

Natawa ako sa sarili ko.

Sa sobrang dilim ng silid na ito hindi ko maitatanggi na binalot na ako ng kadilimang kailan man ay hindi mapapalitan ng liwanag. Pinagmasdan ko ang mga walang kwentang bagay na nasa loob ng rehas. Orasan na hindi hamak na makita pa ang numero sa sobrang kalumaan. Lamesa na gawa sa pawid ng plywood na hindi na mailarawan ang totoong itsura.

Ako ba, ano na kayang itsura ko?

Sumandal ako sa malamig na pader na gawa sa semento. Itinukod ko ang siko sa tuhod ko at humugot ng hininga. Oo nga naman, ilang beses na ba akong nagtangkang manlaban sa gwardya?

Hindi ko na mabilang.

Isang beses lang akong naisipang dinalaw ng mga mabubuti kong kamag-anak.Hanggang sa nalimutan na nila ako sa mundo.....at sa buhay nila. Naisipan ko namang tumakas nang ikinulong ako dito. Inakala ko na sa isang normal na selda lang ang patutunguhan ko pero hindi pala. Sa sobrang pag-ingat nila sa kriminal na katulad ko. Hindi ko inasahang sa isang lumang Asylum pala ako patitirahin.

Isang underground asylum sa isla ng Clel.

Nakakatawa lang dahil nagkalaman din ang utak nila na dito ako ilagay. Dahil sa sobrang kasiyahan ko nakalimutan ko na palang may mga tao na palang unti-unti nang nababawian ng buhay. Gusto niyong malaman ang buhay ko? Kung ano ang karakter ko sa estoryang ito?

Simple lang.

Pinatay ko ang kaisa-isang tagapamahala ng isla na ito. Bakit? dahil trip ko siyang pagbabarilin. Nawalan ako ng gana sa mga previous na mga biktima ko. Naboringan ako sa kanila.Kaya gumawa ako ng plot para magkaroon naman ng twist and turns ang buhay na ito. I killed half of the population in the whole island. I killed cause I want to but I killed cause I loved to. Ayoko namang mahirapan pa silang pumili between death and sacrifice.

So i declared to chose their life in my hands.

Easy as a piece of pie.

I never feel pity for them.I never did.

Dahil simula nang itago nila ang isla na ito sa mundo hindi na ako nag-aksaya ng segondo na tapusin ang mga walang meaning nilang buhay.

Ilang dugo na ang dumanak at dumampi sa kamay ko? Ilang buhay na ang kinitil ko?Ilang buhay na ang tinapos ko? Ilang buhay na ang nawala? Ilang buhay na ba?

Ilan ba sila?

Pinagbigyan ko sila, pinapili ng tadhana. Sobrang simple lang ng pinapili ko sa kanila. Ang mabuhay at tahakin ang matinik na landas.

"You choose! Live on or walk through the thorns!

"Pumili ka! tahakin ang matinik na daan o tahakin ang malinis na landas?"

"syempre sa malinis"

"Arayyy!! Bakit mo ako binaril?? Pinili ko ang malinis pero pinaulanan mo pa rin ako ng bala?!"

"You don't get it, time is precious goodbye!"

I give them second chances to live. But they stand against the evil-doer.

Dahil mainipin akong tao.I give them what they wished for.

I killed them.

'Cause...

"I' am Priscilla Storm, your living Nightmare"

Next chapter