8 Chapter 8

Naalimpungatan ako sa ingay na nagmula sa labas ng kubo. Tumayo na ako sa higaan at lumabas para silipin ang kaguluhan nila. Napakunot ako ng noo ng madatnang naka-topless ang mga lamang lupa sa harapan ng hostage. Aba'y gago to ah.

Naglakad ako ng mabilis sa kanila at piningot ang tenga ng walang sabi.Hayop to.Tinetake-advantage pala nila pag tulog ako? Di pwede yun.

"Aray!" tinaasan ko lang siya ng kilay at hinila siya doon. Nagsialisan naman ang kasamahan niya.

"Anong ginagawa niyo?" deritso kung sagot sa kanila. Walang sumagot at nakayuko lang silang lahat. Parang grade one lang kung mapagalitan.

"SAGOT!" naiinis na ako sa kanila.

"K-kapitan..pasensya na po. Lalaki lang kami. Naiinitan din..." Napahilamos ako sa mukha ko. Nainitan? Gago ka ba?

"Anong naiinitan? Explain kung bakit halos maghubad na kayo sa sa harap ng babaeng 'yan. H'wag niyo akong pikonin!" Binunot ko ang silencer sa likuran ko at itinutok isa-isa sa kanila.

"Kapitan, kase sini-seduce kami ng babaeng 'yan. Pinilit niya kaming papasukin at maghubad sa loob. Sorry Kapitan." yumuko ulit siya at halos mawalan na ng hangin habang nagsalita.

Trixz's dirty game para makaalis.

"Sana sinabi ninyo kung tinamaan kayo sa matulis na panga na yan, para maibigay ko ng kusa. Hindi yung alert kayong magsihubad diyaan! Babae rin ako! Huwag kayong magpakita ng kabulastugan sa harap ko. Maliwanag?" sabay-sabag pang tumango.

"Salamat kapitan. Nagwapohan siguro sa akin. Pwedeng hiramin mamayang gabi?" umarko ang kilay ko sa sinabi niya. Wtf?

"A-ah..E-e hindi po pwede kapitan?!" nanginig ang labi niya na humarap sa akin. Siniko siya ng kanyang katabi pero hindi na niya ito pinansin. Natamaan nga ang kawawang Dodot.

"Fine, as long as nakagapos yan. Ayaw kong makarating pa yan ng buhay sa siyudad at pakainin niyo na yan." nagsitangoan sila at nagmadaling umalis sa harapan ko.

Hay. Sakit sa ulo.

Bumalik ako sa Loob ng kubo at bumaba sa underground base. Tatlong linggo ko rin ito bago natapos malinis. Hindi naman sobrang malawak ang lugar. Tama lang na tayuan ng panibagong Vessel. Naisip ko na din dati kung ano ang nangyare sa lugar na ito.Kung ano ba ang meron. Wala naman akong natagpuan na kahina-hinalang bagay dito. Tanging lamesa na mahaba at ilang silya ang nagkalat ng maabutan ko. Mamaya ipapadala ko sa city si Dotdot para magmasid at mangalap ng impormasyon kung anong nangyayari doon.

Halos kalahating oras din yata akong nag-ayos sa mga gamit dito. Kanina lang natagpuan ko ang isang tunnel.Malaki ang butas nito na halos isang 6'5 na height ang makakapasok dito. Inutosan ko ang ibang alaga ko na linisin ang secret tunnel at sundan kong saan ito tutungo. Hanggang ngayon hindi pa din nakakabalik.

Panigurado umabot na yun sa inner core.

--

Nagugutom na rin ako at umakyat na taas para kumain.

Pagkataposbkung kumain ay naabutan ko sa labas si Dotdot habang nakapamulsa sa harap ni Trixz. Hay. Natamaan nga ng ligaw na pana ni Kupido.

"Ibalik mo sa kulungan ang hayop na 'yan. Baka takasan ka pa niyan. Mandurugas yan Dotdot, pipikutin ka lang niyan." Nanlaki ang mata ni Trixz sa sinabi ko. Hindi lang sa sinabi ko kundi sa nakita niya. Wala akong maskara na suot.

Gusto ko lang ilapag ang itsura ko sa kanya. Bawal ba 'yon?

Iniwan ko na sila doon at nagtungo sa parang 'gym' style na pinagawa ko sa kanila. Mag-e-exercise muna ako. Pampawala ng stress.

avataravatar
Next chapter