5 Chapter 5

"Shit! Im sorry Lalia! H-hindi ko alam na ikaw 'yan!! I thought ikaw si S-storm?!" hysterical niyang sabi habang hindi mapakali.

Eulalia? Yes I used it before I was innocent like a new born baby.

"Oh! Shut it Dew! Stop it, It's okay and that's enough!" napatigil siya sa pagsabunot sa sarili niyang buhok at gulat na tumingin sa akin. Nandito kami sa apartment niya, kung saan ang grupo nila nag stay for the five years. Dew was my friend. No strings attached. Plain word.

FRIEND.

Hindi niya kilala si Priscilla Storm. He knew me as a Eulalia. The stubborn and sarcasm kid. The old school Eulalia. Hindi pwede niyang malaman ang sekreto ko. I know nag-iba ang mukha ko ngayon dahil sa panghihina ng katawan ko. Kaya no issue sa Eulalia X Storm dito.

"Kase naman Lalia e! For the last time! Sorry ng marami!" yumuko pa siya sa paanan ko.Ughh.Hinila ko ang mangas ng damit niya para tumayo siya.

"Okay! I understand Dew! magkamukha kami noon pero hindi na ngayon." I stated. Hays ayaw parin talagang maawat.

"Pero!! Lalia?! Storm is out from the dwell! At lahat ng tao sa Clel ay natatakot sa pagkawala niya sa Asylum! Right. Hindi mo naman pala alam. Kasi you're gone in five years nga naman." Nagbuntong-hinga siya at pabagsak na umupo sa sofa.

I watched him frown. Mabuti na lang at hindi siya nagtaka sa pagkawala at pagkakakulong ko. Akala ko ba alam na nila? Na sinabi ni Artela about sa kaso? So this is her plan. Ang magdusa ako?

Hindi ako nagsalita.

"Come on! Lalia! Hindi mo ba ako kwe-kwentuhan kung saan ka nagsuot ng limang taon? Sinasabi ko sayo ayoko ng guessing game mo?!" Nakabusangot ang mukha niya tumingin sa akin. Napalunok ako ng ilang beses saka ibinaling ang atensyon sa kaniya.

I hate this way.

"Confidential" tipid kung sagot sa kanya at tinalikuran siya. I walked away and headed to the veranda. I need to focus. Kailangan kung makita si Artela.

I need her head.

______

Isang linggo.

Still hindi parin ako mapakali. I remember her voice...again. Itiniklop ko ang magazine at ipinatong ito sa bato. I was out of nowhere. Binabasa ko ang article tungkol sa pabagsak ng The Sanctum.

The current leader who self-proclaimed, could surpass and kill the Living Nightmare. Too bad hindi ka pa nakapagplano pero ako gumagalaw na. Masyado kayong umaasa sa mga lampa niyong guwardiya. Sa loob ng isang linggo nakaalis ako sa poder ni Dew.Nagtaka siya kung bakit nagmamadali akong umalis. I give him excuses na habang buhay na kaming hindi magkikita. Pansamatala akong nakatira dito sa lumang kubo sa Brark Woodland. Nabasa ko rin ang caution doon. Restricted na ang lugar na ito pero sino ba ang makapag-pipigil sa isang Priscilla Storm? Wala.

Nag-ensayo ako at unti-unti na ring bumabalik ang dati kung lakas at posture. Nagnakaw ako sa nadaanan kong District ng damit at pagkain. Bahala na. Pumasok na ako sa loob ng kubo at pinatong sa lumang kama ang plastic na nilagyan ko ng damit at pagkain.Itinulak ko ang malaking bato na nakaharang sa daanan sa underground. Napag-alaman ko na may underground base pala sa ilalim nito.Kaninang umaga ko pa nalaman.

Ito na ang bago kung hideout. I'll start again. Kill and wreck them. Bullshits spreading.

"Guns are out, Martial arts is down, Self-defense is slowing.

Bastards will taste same punches."

avataravatar
Next chapter