webnovel

Chapter 1(Paglilinis)

The Law

(Paglilinis)

Genre: Thriller, Teen Fiction

Author:@MiD_Kn1GHT

Narrator: Maraming taon na rin ang lumipas at marami na ring pagbabago.Kasabay ng mga pagbabago ay ang pagbabago ng Mayor sa lungsod ng Medsville. Namatay ang dating mayor dahil sa heart attack. May mga sabi-sabi na kaya siya namatay ay pinatay daw siya ng isang gun for hire.

Ngayon, isang masigla at palangiting mayor ang namumuno sa lungsod. Matalino at may karisma ang bagong mayor kaya naman, madali niyang nabago ang lungsod. Pero tila kulang pa rin sa kanya ang pagbabago na nagawa n'ya. May mga krimen pa rin na nangyayari sa paligid.

Napagdesisyonan ng bagong mayor na pigilan ang mga krimen sa pamamagitan ng pagbibigay ng kalayaan mga tao na gawin ang kanilang gusto sa loob ng isang gabi. Naniniwala ang mayor na mababawasan ang patayan kung malilinis lahat ng puot at pagnanasa ng bawat isa sa loob ng isang gabi. Tinawag niya ang batas na 'Cleansing with Blood' o paghuhugas ng dugo bago sumapit ang pasko. Bago ang kapakanganakan ni Kristo.

Radio:" Lahat ng tao naghahanda na sa unang taon ng paglilinis. Excited ka na ba partner?"

"Syempre naman partner, nakahanda na ang aking mga baril at mga metal lock sa bahay"

"Good for you partner. Ngayon magtanong naman tayo sa mga caller. Hello sir, anong balak mong gawin sa paglilinis?"

"Gagahasain ko si Crush. Ilang taon na akong naghihintay sa kanya ngunit wala pa rin akong mapapala. Ngayon na ang aking pagkakataon para mailabas ang lahat"

"Owhh..How about you maam?"

"Tatanggalan ko ng dila ang chismosa naming kapitbahay at ipapakain ko sa kanya"

"Hahaha! Thank you for calling"

"BTW, partner. Alam mo ba kung bakit pinatupad ang batas na ito? Ano ang theory mo?"

"Para sa akin, reverse physcology to eh. Halimbawa kapag piagsabihan mo ang isang bata na itigil ang kanyang pag-iingay, mas lalo lang itong mag-iingay. Pero kapag sinabihan mo siya na ipagpatuloy ang pag-iingay, tatahimik ito. Parang same strategy lang ang ginamit ng mayor natin"

"Nice Idea. Sana magdilang anghel ka at gumana ang strategy na sinabi mo. Ang tanong, gagana ba?"

THE LAW!

Written by: @MiD_Kn1GHT

December 23, 2021 //7:30AM

(12 Hours before the Cleanse of Blood)

Sheila's POV

Naglalakad ako ngayon sa gilid ng highway papunta sa University kung saan ako nag-aaral. Habang naglalakad ako ay usap-usapan sa paligid ang unang taon ng paglilinis.

"Saan tayo magtatago mama?"wika ng isang bata sa may kanan habang yakap n'ya ang kanyang nanay. Madungis at punit-punit ang kanilang mga damit. Nakatira sila sa isang barong-barong. Ang bubong nila ay plastic at mga gulong.

"Sino ang una nating gagahasain. Hehe!" Wika ng mga tambay sa gilid habang naglalatag ng pictures. Jusko! Pictures pa ng mga artista. Ang tataas ng pangarap n'yo kuya. Sa tabi ng mga litrato ay ang isang baril at mga bala. Seryoso nga sila sa mangyayari mamaya. May mga tao na tinatalian ng mga lubid ang kanilang bahay para maging matibay at hindi madaling mapasok. Yung iba, nagsimula ng magwelding ng mga bakal sa pinto. Ganito na ba sila ka-takot sa mangyayari mamaya?

Siguro, kung ako nasa kalagayan nila, matatakot din ako. May mga tambay at mga adik sa paligid na magiging agresibo mamayang gabi at tutuparin ang pinakamaitim nilang pantasya.

Ilang kanto nalang at malapit na ako sa Unibersidad. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ako naglalakad. Nasiraan kasi ang taxi kanina dahil sa mga metal na nagkalat sa paligid ng daan. Nakaka-awa talaga ang mga taong ito. Hayss. Bakit ba kasi ganitong batas ang pinatupad ni Daddy.

Oo tama ang narinig ninyo. Daddy ko ang bagong mayor ng lungsod at siy ang gumawa ng batas na ito. Hindi ko alam na malaki ang epekto nito sa lipunan. Magiging marahas ang mga tao at ma-mamatay ang mga walang laban. Noong una, akala ko biro lang niya sa akin na gagawa siya ng batas kung saan lahat malaya kapag naging Mayor s'ya.

"Miss hold-up to!" sigaw ng isang lalaki sa mula sa likod. Ramdam ko ang isang malamig na bagay na nakatutok sa aking ulo. Bigla akong pinagpawisan ng malamig at ramdam ko ang pangangatog ng aking tuhod. Prank lang siguro to dahil mamayang gabi pa naman magsisimula ang paglilinis.

"Anong kukunin mo? Puso ko? Lumang banat na yan kuya" wika k at nakatalikod pa rin ako sa kanya.Masyado nang old school ang mga banat n'ya.

"Tanga! Kukunin ko ang bag at buhay mo!"Mas lalo n'yang idiniin ang malamig na bagay. Sigurado akong baril ito. Mamaya pa ang paglilinis, impossible namang patayin n'ya ako dito.

"S-Sino ka. H-Heto ang bag ko" hindi pa rin ako tumitingin sa kanya habang inaabot ang bag. Nanginginig pa rin ako. Maya-maya ay nawala na ang malamig na bagay kaya dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Unti-unti ko ng nakikita ang kanyang maskara. Mukha ito ni daddy? Oblong-shape ang kanilang mga maskara at ang nakapinta dito ay mukha ni Daddy.

Napansin kong may nilagay s'ya sa aking bag.Tumingin s'ya sa akin.

"May pinapabigay nga pala si Boss" malalim ang boses n'ya at may pagkahusky. S-Sinong boss ba pinagsasabi n'ya. Nakatitig lang ako sa hawak n'ya. Isang itak na napakahaab at napakatulis ng gilid.

Hindi s'ya nagsalita. May tinuro s'ya sa kabilang bahagi ng karsada. Tinignan ko ang tinuturo n'ya. Mas lalo akong nanginig sa aking nakita. Sampung mga tao ang nakamaskara ng katulad sa kanya. May hawak silang mga baril at itak. May dalawang nakapalda at may isang maliit. Bata siguro yun pero hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakamaskara sila.

Pero may isang nakaagaw ng atensyon ko. Yung nakasuot ng black hoodie at iba ang nakapinta sa maskara n'ya. M-Mukha k-o? Mukha ko ang nakapinta sa kanyang maskara at nakatitig pa s'ya sa akin habang hawak ang isang piraso ng rose. Iniikot n'ya ito habang nakatingin sa akin. Steady lang siya at hindi gumagalaw.

Tagos hanggang bituka ang aking kaba.

"Ingat"wika ng lalaki sabay bigay ng shoulder bag. Isinauli n'ya ang shoulder bag? Anong pakay nila sa akin? Bakit mukha ko ang nakalagay sa kan'yang maskara. Tinignan ko lang ang lalaking tumawi ng karsada papunta sa mga kasamahan n'ya. Hawak-hawak n'ya ang isang itak. Sobrang bagal lang n'ya tumawid at hindi n'ya pinapansin ang mga sasakyan.

Sino ba ang mga taong ito? Akala ko malala na yung mga tambay, pero may mas malala pa pala! Naninigas ang mga tuhod ko. Hindi pa rin s'ya gumagalaw sa kanyang posisyon at nakatitig pa rin sa akin. Kailangan kong gumalaw! Isang kanto nalang ang school. Kainis naman oh!

"Hi babe, wik ni Draenne. Napangiti ako sa bati n'ya.

"Kinilig ka naman? Hindi mo panga ako sinasagot"wika nito na agad ko namang ikinataas ng kilay. Nakasakay s'ya sa kanyang sasakyan na kulay itim.

"Ba't kita sasagutin, eh hindi ka panga nanligaw" sagot ko habang nakahawak ang aking bewang ang dalawa kong kamay.

"Kailangan ko ba talagang manligaw? Alam ko namang mahal mo din ako eh. Pakipot ka lang"sabay kindat sa akin. Myhart!OMG!

"Sakay na!"

"Saan?"

"Sa akin. Ay este sa sasakyan" wika n'ya sabay lip bite. Nakakainis talaga tong si Draenne! Sarap iuntog sa sasakyan n'ya.

"Pasalamat ka, pogi ka" bulong ko habang sinasara ang pinto ng sasakyan n'ya.

"Salamat? I guess?"

Nagulat ako sa sinabi n'ya kaya tinignan ko ang mga tainga at ngipin n'ya"

"What are you looking for?"

"May lahing rabbit ka no. Ang lakas kasi ng pandinig mo"

"HAHAHAHAHA!. ang galing mo magjoke. Bagay talaga tayo. Corny" nakatitig lang s'ya sa akin. Unti-unti n'yang inilapit ang kanyang mga labi papunta sa akin. Ang gwapo n'ya.

Pinindot ko ang start ng sasakyan na ikinagulat naman n'ya. Pumasok na kami sa loob ng campus at nakasakay pa rin ako sa sasakyan n'ya. Pasikat na naman tong hambog na ito. Hindi naman marunong manligaw.

Noong nakaraang araw, nag-usap sila ni Chris at nanghingi s'ya ng advice kung paano manligaw. Sabi ni Chris, bigyan daw ako ng bouquet. Tumango naman tong si Draenne nakangisi. Kinabukasan, laking gulat ko nang bumungad sa aking kwarto ang napakaraming pagkain. Buffet yung binigay n'ya. Haystt.

"Anong nakakatawa?"wika n'ya habang seryosong nagmamaneho.

"Wala. Parinig nga ng banat mo, baka mapasagot mo na ako"

Ngumiti s'ya ng napakalaki at huminto sa pagmamaneho. Tumitig s'ya sa aking mga mata.

Dahan-dahan lang Draenne, baka mahulog ako sa mga titig mo.

"Papatayin kita mamayang gabi" wika n'ya habang nakangiti.

"A-Anonh ibig---

"Sa pagmamahal!" tawang-tawa itong bumaba habang ako nanginginig. Akala ko seryoso s'ya. Hindi ko maiwasang masamain ang banat n'ya dahil sa nangyari kanina.

"Ser, hindi po kayong magparking sa kinder's playground. Hindi na po kayo bata!"wika ng guard. Bakit kasi dito pa sa kinder na playground nagparking ang abnong ito.

"Ako. Oo! Hindi na bata pero siya, baby pa. Baby ko!" wika n'ya habang tinuturo ako. Napangiti si manong guard.

"Ayieee. Bayad mo"wika ng guard. nagkamayan silang dalawa at umalis ang guard.

"Ahh. Planado. Sino nagturo sayo ng mga banat na yan?" Inaamin ko na nagulat ako sa mga banat ni

"Daddy mo."Sabay tawa ng malakas. Nakahanap ng kakampe sa mayor.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom, ay biglang naghiyawan ang mga estudyante. Parang alam ko na kung sino ang paparating. The witch, the bitch, the maldita, the pesting yawang babae. Si Lykamae. At huhulaan ko, nakasunod sa kanya ang apat na bullies na pinamumunuan ni Neil Oreta.

Tumabi nalang kami para hindi sila maharangan. Ayaw ko ng gulo.

"Hi Sheila" wika n'ya habang nakataas nag kilay at ngumunguya ng bubble gum. Makapal ang make up at pati na rin mukha. Ngumiti nalang ako sa kanya. She's Lykamae Sanchez ang anak ng vice mayor at sobrang famous n'ya sa buong school. Kasam lang naman n'ya ang apat na badboys(kuno). Nakaripped jeans at tinatakpan ng maitim na panyo ang kalahati ng mukha.

"BTW, lahat ng mga classmate ko ay imbitado ngayong gabi sa party, lalo ka na Sheila. Understand?" Ngumiti nalang ako at tumango.

"Good!" Pagkatapos ay umalis s'ya habang pagiwang-giwang ang pwet.

********

"Hi Sheila!" Sigaw ni Ayumi sabay yakap sa akin. Hindi pa rin s'ya nagbabago. Clingy pa rin s'ya pagdating sa akin at kagaya ko, hindi pa rin n'ya sinasagot si Chris.

"Kumusta kayo ni Chris?"

Nakaunot ang malapad n'yang noo habang nakanguso naman ang mapupula n'yang labi.

"Ayun, umakyat s'ya sa bintana ng bahay at binigyan n'ya ako ng magnum"

"Ayieee. Masarap ba?"

"Kinagat ko pero metal eh. Magnum 44 na baril binigay n'ya. Pero bumawi naman siya kanina. Bumanat pa nga s'ya sa akin. Ganito kasi yun. Umupo kami sa kindergarten na bench tapos may lumapit na guard" parang alam ko na kung anong mangyayari. Lumingon ako kina Chris at Draenne. Nag-high five pa ang dalawa habang nagtatawanan. Hmm walang originality.

"Tapos sabi n'ya sa guard. Ako. Oo matanda na peros s'ya, baby pa. Baby ko!" Wika ni Ayumi habang namumula ang mga pisngi. Nagkunwari nalang ako na kinikilig.

"BTW, Sheila. Pupunta ka ba sa party mamayang gabi? Overnight din daw tayo sa mansion nila."

"Wag na, delikado dahip oras ng paglilinis mamayang gabi"wika ko.

"Immune naman lahat ng nagtratrabaho sa pamahalaan na nasa rank 10 diba? Vice president ang nanay n'ya kaya safe tayo doon" may point s'ya pero ayaw ko talaga magsaya mamayang gabi. Lalo na at alam kong marami ang magdudusa mamaya kapag sumapit ang alas syete. Umupo nalang ako sa pinakasulok at kinapa ang aking bag. Parang may matulis na bagay sa loob.

Bago ko ito binuksan ay sinipat-sipat ko muna ang paligid at sinigurado na walang makakakita. Sa loob ng bag ay isang patalim na napakatulis. Ito siguro ang inilagay ng lalaki. Para saan naman ang patalim na ito? Sobrang talas nito at kaya nitong tumagos sa bituka.Sa gilid nito, nakasulat ang mga kataga na ngpanginig ng aking mga tuhod.

'Use this to defend yourself.from us! We are watching you'