1 Prologue

Life is like riding on a jeepney, van, fx or sige a bus na lang.

Hindi mo mapipili kung sino yung taong uupo sa tabi mo.

Hindi mo mapipigilan kung sinong gustong maunang bumaba.

Hindi mo rin mapipili yung lugar kung saan sila titigil. Hindi mo mapipigilan yung dami ng taong gustong sumakay sa bus.

Hindi mo sila magagawang utusan na huwag bumaba kung iyon na talaga ang destinasyon nila.

Malungkot hindi ba? Wala kang kakayahan na pigilan yung papasok at lalabas, sa huli ay maiiwan kang mag-isa.

But you know what I like in riding a bus? Madami kang pwedeng makilala at makasama kahit sandali lang sa iyong paglalakbay at minsan may isa o dalawa na bababa sa parehong destinasyon kasama ka.

Maswerte ka na kung pareho silang mananatili sa tabi mo. Minsan kasi, kailangan mong mamili kung sino ang isasama mo hanggang sa huling byahe. Minsan hindi pwedeng dalawa ang piliin mo. Isa lang talaga. Ganyan naman talaga ang buhay.

Pero alam mo ba kung ano pang nagustuhan ko sa pagsakay sa bus?

Yun ay darating ang araw na makakasakay mo ulit yung taong bumaba at sa panahon na iyon ay sabay na kayong bababa sa parehong destinasyon.

avataravatar
Next chapter