webnovel

Chapter 1

"My lady, huwag pasaway please? Umuwi ng maaga, okay? Mahirap kapag mag-isa ka lang pauwi. Take care!" May pag-aalalang bilin ng boyfriend ko mula sa kabilang linya.

"Opo," sagot ko agad. "don't worry, maglalaro lang ako saglit sa Time Zone tapos uuwi na rin ako. Ingat ka din sa pag-drive at galingan sa practice. Okay?"

"Yes, my lady! Text me kapag pauwi ka na. I love you."

"Yes po, I love you too."

Pagkababa niya ng tawag ay dumiretso na ako sa National Book Store para bilhin ang librong kailangan ko sa isang subject namin. Medyo natagalan pa ako sa paghahanap ng libro at sa pagpila kaya nabawasan ang balak kung isang oras na paglalaro sa Time Zone. Hindi rin ako pwedeng magtagal dahil dalawang oras pa ang byahe ko, hindi pa kasama doon ang traffic.

I just really want to enjoy myself dahil sa nakakapagod ang sobrang pag-aaral. Katatapos lang ngayon ng preliminary exam namin pero mukhang finals na ang mukha naming lahat. Ganun nga talaga siguro kapag nasa college ka na tapos Nursing pa ang course mo. Aba talagang hindi lang dudugo ang utak mo, sasabog pa.

Dapat kasama ko ngayon ang aking boyfriend kaso basketball duties. Malapit na ang opening ng new season kaya naman todo practice sila. I actually want to wait for him kaso gagabihin na ako and I need to review for my quiz tomorrow. See, katatapos lang ng exam may quiz na agad. Take note, hindi pa na-discuss yung iqu-quiz kaya sariling sikap talaga. Hays!

Saktong pagkabili ko ng token ay tumunog ang phone ko. Boses ng boyfriend ko ang agad na bumungad sa akin.

"Nasa Time Zone ka pa nu?"

"Wow ah, galing talaga nitong manghula." Sabi ko habang naglalakad papunta dun sa basketball. Balak kung ubusin ang lahat ng token ko dito, o kaya kapag nagsawa na ako ay doon naman sa arcade. Pinalit ko na nga lahat ng barya ko para maging token.

"May psychic powers ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya. Actually, lagi kung tinatanong sa kanya kung may psychic abilities ba siya. Madalas kasi lagi niyang nababasa ang sasabihin at gagawin ko. O siguro nga sa loob ng mag-fo-four years na relasyon namin ay kilalang-kilala na niya talaga ako.

"Aish! My lady talaga, basta ingat okay? Yun lang, tinatawag na ako ni coach. Bye!"

Napangiti na lang ako nang nagmamadaling ibaba niya yung phone. Hay nako, nai-imagine ko na siya habang pinapagalitan ni Coach. Natawa na lang uli ako habang naglalakad papunta sa basketball.

Inubos ko lahat ng token bago ako umalis dun. Lampas alas-syete na nga at ma-swerte ako dahil may bus pa na papunta sa amin. Pagsakay ko ay ti-next ko na agad ang boyfriend ko para hindi siya mag-alala.

Pagkatapos ay sumandal ako sa may bintana at pinikit ko ang mga mata ko. Ilang segundo ay may umupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko agad yung pabango niya kaya napadilat ako para tingnan kung sino. Pasimple pa nga akong lumingon kunwari, hindi ko kasi maiwasan na tingnan yung lalaki lalo na kapag sobrang bango niya. Kumbaga sa akin, isa iyon sa mga turn-on. Kaso, hindi ko nakita ang mukha niya dahil tinakpan niya ito ng sombrero, mukhang pagod din siya.

Napansin ko yung I.D Lace niya. Architecture ang course niya at same lang kami ng school. Pareho rin sila ng course ng boyfriend ko. Sigurado rin naman ako na hindi ko siya kilala kaya hinayaan ko na lang. Bumalik na lang uli ako sa pagtulog.

Isang oras na siguro yun nang automatiko akong magising dahil sa ingay. Biglang lakas kasi nung radyo sa bus tapos malapit pa sa upuan namin yung speaker. Napailing na lang ako. Bigla tuloy sumakit ang ulo ko. Mabuti na nga lang at maganda yung tugtog kundi ay nako. Favorite siguro ni Manong Driver yung Superman by Five For Fighting kaya nilakasan niya.

Sakto, naniningil na si Kuyang Konduktor. Nilabas ko agad yung long wallet ko kaso wala akong nakitang paper bills. Nataranta na ako agad, kinuha ko yung pouch ko at wala rin akong nakitang pera. Inisip ko namang mabuti kung saan ko nilagay.

Napamura na lamang ako nang maalala na 500 na nga lang pala ang natitira sa wallet ko kanina at hindi ako nakapag-withdraw. 425 yung libro tapos yung natira ay binili ko lahat ng token kasi akala ko may pamasahe pa ako. Marami nga palang namamatay sa maling akala.

Kinalkal ko ang loob ng bagpack ko dahil baka may naipit or may mga nailagay akong paper bills. Ma-swerte naman dahil may 20 na papel dun sa maliit na bulsa tapos may 10 dun sa pencil case ko. At, piso na lang ang kulang. Naghanap pa ako pero talagang wala, no choice na talaga ako kundi manghingi sa katabi ko. Maglalakad na lang ako papunta sa bahay namin dahil wala na akong pan-tricycle.

"Kuya," kinalabit ko siya. "Kuya-" napatigil agad ako nang alisin niya ang sombrero niya. Tinaasan niya ako agad ng kilay. "Uhm, pwedeng humingi ng piso?" tanong ko agad. "Please? In exchange for this," pinakita ko sa kanya yung chocolate bar na cloud9. Mabuti na lang at lagi akong may stock na ganyan sa bag ko para pwede kung ipalit sa piso kung sakali.

"Kayo, saan kayo?" sabay kaming lumingon kay Manong na naiipit na dahil sa sobrang siksikan sa bus.

"Kuya—" iaabot ko na sana yung 30 ko at tatawad ng piso kay Manong kaso inabot ng katabi ko yung isang-daan kay Manong.

"Dalawa," tumingin siya sa akin pagkasabi niya. Malaya kung natitigan ang mukha niya. Kahit na pareho kami ng school ay ngayon ko lang siya nakita o siguro hindi ko lang talaga napapansin. Pero, imposible dahil mula ulo hanggang paa yata ng lalaking ito ay kapansin-pansin. He's not Chinito which I'm fond of, pero umaapaw siya ng appeal at mas nakadagdag dun ang braces niya.

"Where?"

"A-ah!" binalik ko yung tingin ko kay Manong. "Ciudad Grande." Sagot ko. Hindi niya sinabi kung saan siya bababa. Binalik ni Manong ang sukli niya. Tapos inabot ko sa kanya yung cloud9.

"Thanks, I'll pay you na lang bukas since same tayo ng school."

Wala na siyang sinabi pagkatapos nun. Nanahimik na rin ako pero amoy na amoy ko talaga ang pabango niya. Isa-isa na ring nagbabaan ang mga pasahero tapos ti-next ko yung boyfriend ko na malapit na akong bumaba. Kinain ko nga yung isang cloud9 sa bag ko dahil gutom na ako.

Ilang minuto pa ang lumipas bago tumigil ang bus sa may 7eleven. Bumaba na ako agad. Marami pa namang tao ang naglalakad at pakalat-kalat sa daanan pero syempre kailangan ko pa ring mag-ingat dahil mag-isa lang ako. Niyakap ko ang bag ko habang paakyat sa may tulay. Binilisan ko na rin dahil mahirap nang ma-stock sa tulay at may makasalubong kang masamang loob.

Nakarating agad ako sa village namin. May mga pedicab driver pa pero dumiretso na ako para maglakad. Hindi naman kalayuan ang bahay namin mula sa gate. Kinuha ko yung phone ko at mahinang nagpatutog.

Nakalampas na ako sa unang street nang mapansin kung may sumusunod sa akin. Tumigil ako at saka naglakad uli. Hininaan ko yung tugtog at tama nga akong may sumusunod sa akin. Malakas kasi ang pandama ko sa mga ganoong bagay. Medyo hindi rin ako takot kung sakali dahil marunong ako ng self-defense. Yung Tita Riz ko kasi ay tinuruan niya ako ng judo, karate at kung paano humawak ng baril na'ng bata ako.

Lumiko ako sa isang street na pwedeng shortcut sa street namin. Naramdaman ko pa rin kaya lumingon na ako dahil baka kilala ko lang. Paglingon ko ay wala naman kaya nagtaka talaga ako. Imposible naman na nagkamali lang ako. Di naman siguro siya dumiretso sa kabilang street?

Hays! Paranoid lang siguro ako. Naglakad na lang uli ako pero mas lalo akong hindi mapakali kaya tumigil agad ako. At this time ay muntik na akong mapatili sa sobrang gulat ko. Napa-face palm na lang ako.

"Hey, ikaw yung Kuya sa bus di ba!?" sabi ko agad. "What are you doing here? Hindi ka naman taga-dito ah," siguradong sabi ko dahil halos kilala ko ang mga teenager dito sa amin. "Sinusundan mo ba ako?"

"Well," he sighed. "I am just making sure you're safe."

Napataas agad ako ng kilay. "I'm sorry, but why?"

"Ah, nothing." Nagkamot siya ng ulo. "Actually, hindi ko rin alam kung bakit kita sinundan."

"What?" natawa ako agad sa sinabi niya. "Baliw ka ba?"

Umiling siya. "I'm actually serious. Uhm, since nilibre naman kita ng pamasahe, atleast siguro you can help me in exchange."

Hindi agad ako nagsalita. Tinitigan ko muna siya mula ulo hanggang paa at pinakiramdaman kung rapist ba siya o kaya killer in disguise. Nakita ko naman na sincere siya. Nahalata ko din na sobrang lungkot ng mga mata niya.

"Okay, are you lost?" makahulugang tanong ko.

"Yeah, you think so?" nagkibit-balikat siya.

"Honestly, hindi ko alam kung anong dapat kung gawin sayo dahil baka killer or rapist ka. Pero, sige. Sundan mo lang ako." ngumiti ako sa kanya at naglakad na hanggang makarating kami sa bahay.

Nakasindi ang ilaw sa garahe at sa sala nang maabutan ko ang bahay. Binuksan ko na yung gate.

"Tara," yaya ko sa kanya.

"Wait, are you sure na gusto mo akong papasukin sa bahay niyo? Sinong kasama mo?" nag-aalangang tanong niya.

"I have my younger sister with me." I said.

"Then, is it okay for me to go inside? What if I rape or kill you. You're not thinking." Seryosong sabi niya. Sa totoo lang naisip ko na yan, di ko lang alam sa sarili ko kung bakit pinapayagan ko siyang pumasok sa bahay namin. Siguro ganun talaga, may mga taong kusang darating para pumasok sa buhay mo, yung kahit na may doubt ka ay feeling mo matagal mo na silang kilala.

"Look, I'm a stranger."

"You know what, I sometimes believe that stranger is God in disguise." I smiled. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang I.D lace niya.

Agad akong napangiti dahil sa pangalan niya. "Cloud Elijah Ramoso," basa ko sa I.D niya saka ko nilahad ang kamay ko. "I'm Maria Beatrice Madrid, Bea for short. Nice meeting you Mr. Cloud."

Naghintay ako ng ilang segundo. "What? Titigan mo lang kamay ko?" tila natauhan naman siya sa sinabi ko. Naramdaman ko na lang ang malambot na kamay niya.

"You know, you're not still sure about me. What if I really rape you?" tinawanan ko lang siya sa tanong niya.

"I have a feeling you're not going to do it." Ngumiti na lang ako uli. "Tara na."

Nag-aalangan pa rin siyang sumunod sa akin. May pakiramdam ako na hindi siya masamang tao kaya niyaya ko siya sa bahay. At saka kawawa naman siya e, mukhang nawawalang bata. De joke!

"Saan pala ang bahay mo?" tanong ko. Nakita ko agad sa sala ang mga librong nakakalat at mahimbing nang natutulog ang kapatid ko sa sofa.

"Sa Taytay pa." sagot niya.

"Ah." react ko. "Emerald!!" pagtawag ko sa kapatid ko. "Emerald! Gising na! Hindi dyan ang kama mo!!!" niyugyog ko siya. "Umakyat ka na at ligpitin mo mga gamit mo!"

"A-ah A-te!" inalis pa niya yung kamay ko kaya hinampas ko ng unan. "Aww! Ate naman!" naiinis na bumangon siya. "Baki—uyy, may guwapong bisita tayo." Lumaki agad ang mata niya nang makita niya si Cloud. "Wait, break na kayo ni Kuya Yeco? Yes! Yes—"

"Emerald, bisita ko lang siya okay? Hindi pa kami break ni Yeco."

"Ay ganun! Hihi. Isusumbong na lang kita para mag-break na kayo." Ngumiti siya ng mala-demonyo. Minsan talaga napakasarap sapakin ng kapatid ko. "Anyway, hi Kuya braces," nilahad niya yung kamay niya. Mas gusto ko ang Kuya Bus na tawag kay Cloud pero hayaan na ang kapatid ko. "I'm Maria Emerald Madrid. Hihi. Nililigawan mo ba si Ate Bea ko, sige pasado—aww!" reklamo niya nang hampasin ko.

"Ate naman e, nagjo-joke lang pero ang guwapo ni Kuya," sinabi ni Cloud ang pangalan niya. "Uy nice name, parang favorite chocolate bar ni Ate."

"Ang daldal mo talaga Emerald. Matulog ka na kaya tapos tawagin mo na si Ate Mariz at sabihin isara na yung gate." Utos ko.

"Ay, wala si Ate. Umalis siya."

"What?" gulat na sabi ko. "Kelan pa? Ikaw lang ba mag-isa dito?" tumango siya kaya binatukan ko. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Di ba sabi ko hindi ka pwedeng mag-isa. Bakit mo pinayagang umalis si Ate samantalang wala pa ako?" naiinis na sabi ko. Ayaw na ayaw ko kasi siyang nag-iisa kaya hangga't maari ay sinasamahan siya ni Ate Mariz, iyong taga-bantay lang din sa may kabilang street.

"Eh Ate, may sakit yung kapatid niya saka kawawa naman. Don't worry, kaya ko naman mag-isa at saka wala namang mangyayari sa akin, sa atin nu."

Inirapan ko na lang siya. "Ewan ko sayo, matulog ka na."

"Yep, and aayusin ko na yung room ni Kuya Cloud, dito ka matutulog di ba?" tumingin naman sa akin si Cloud.

"Well, kung ayaw mo pang umuwi sa inyo pwede naman e."

"Yipeee! Ayan, may bodyguard na tayo. Marunong ka ba ng self-defense?" tanong ni Emerald.

"Yeah, judo and karate." Sagot ni Cloud.

Tumingin ako sa kanya. "Talaga? Nice naman."

"O di ba, may kasama na tayo. And, Ate paki-init na lang yung niluto ko ha. Tapos akyat na ako para ayusin yung guest room."

"Bahala ka sa buhay mo." sagot ko at dumiretso na siya sa taas. "Wait, isasara ko lang yung gate." Paalam ko kay Cloud. Pagbalik ko ay nakaupo siya dun sa sofa habang ini-iscan yung mga cooking book ni Emerald.

"Sorry about my sister."

"Nah, it's okay. Nakakatuwa nga siya e." ngumiti siya. "How old is she?"

"15. And, she really likes cooking. Natuto siya nung 12 siya dahil sa Tita ko. Tapos ayun, nakahiligin na niya at naging pangarap na niya ang maging chef. Tara, sa kusina para matikman mo yung luto niya."

Sumunod siya sa akin. Saglit kung ininit yung adobo na niluto ni Emerald sa oven at saka naghain na ako habang nanunuod lang siya.

"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo?" tanong niya.

"Nah, Yeco is an understanding boyfriend. And you know, I'm just helping a friend. Wala naman tayong ginagawang masama. Siguro magagalit siya kapag ni-rape or pinatay mo kaming dalawa ni Emerald which hindi mo naman gagawin, di ba?"

"Let's see tomorrow." Sabay kaming tumawa sa sinabi niya.

"Tara, kain na tayo. Masarap yan." Yaya ko sa kanya. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang magtanong siya.

"You really want to become a nurse?" tanong niya. "I mean, it suits you well kasi."

"Hmm, yes, yeah." I shrugged. "May iba akong gusto noon pero naisip ko na hindi talaga yun para sa akin at ito siguro, and nag-eenjoy at wala naman akong pinagsisihan. Ikaw, Architecture ba talaga trip mo?" tumango siya agad.

"Mind if I ask about your parents?"

"They both died in a plane crash three years ago." Malungkot na sabi ko.

"Oh, sorry." Nagulat na sabi niya.

"Nah, it's okay."

He nod. "Paano kayo nabubuhay ng kapatid mo?"

"May naiwang pera para sa amin ang parents ko, sapat hanggang sa makatapos kami ni Emerald. Tapos, may business ring naiwan sa pangalan namin. Yung extra expenses ko ay kinukuha ko sa part-time job ko. Sa may Starbucks, huwag kang pupunta ha. Di libre kape mo," pagbibiro ko.

"Bakit ka nawalan ng piso? Magastos ka?"

Natawa ako. "Hindi, pinalit ko kasi lahat ng pera ko sa token tapos naglaro ako sa Time Zone, pampawala ng stress."

"Ah, why? Nag-away ba kayo ni Yeco kaya ka stress."

"Yeco? Kilala mo si Yeco?"

"Why? You're boyfriend is famous. Captain ball ng basketball team. Lahat naman alam na ikaw ang girlfriend niya."

"Ah, yeah. Wait, bakit ako? Ikaw ba, anong problema mo if you don't mind?"

Natahimik naman siya bigla kaya hindi ko na dinagdagan ang sasabihin ko. You know, may mga bagay kasi na hindi dapat ipinipilit sa isang tao lalo na kapag ayaw nilang sabihin. Kusa naman iyon e, kapag handa na sila na pakinggan ay magsasabi naman sila.

Malaya ko siyang natitigan. Saka ko na-realize na parang nakita ko na dati ang mga mata niya pero hindi ko alam kung saan. Hindi ko maalala. "Hey, parang nakita na kita noon."

"Hmm? Baka sa campus, same lang tayo ng school."

"Yeah, siguro. Hindi ko na matandaan. Anyway, I need to go upstairs na dahil mag-aaral pa ako for quiz. Iwanan mo na lang yung mga plates, bukas na lang yan."

"Ate! Ready na room ni Kuya Cloud, sobrang bango na nun. Inubos ko yung pabango mo e." I eyed her paglapit niya sa akin. "He-he, tara Kuya Cloud, sunod ka na sa akin ha. Good night Ate!" nag-kiss na siya sa cheeks ko at umakyat ulo.

"Yeah, sunod ka na. Ako na dito."

Tumango na siya. Nilalagay ko na yung mga plates sa kitchen sink nang tawagin niya ako. "Beatrice, Good night!"

"Good night, Mr. Cloud."