webnovel

Prologue

"Leticiaaaa! Anaaaaak!" Sigaw ng Mama ko habang nilalayo ako ng mga lalake sa kanya.

"Mamaaaa! Bitiwan niyo ako! Hindi ko iiwan ang Mama ko!" Sigaw ko habang pinipilit ko makawala mula sa paggapos sa akin.

Unting unti ako napapalayo sa Mama ko.

Patuloy na umaagos ng mga luha namin ni Mama.

Pinipilit ni Mama na makawala mula sa pagkakahawak ng mga lalake sa kanya.

"Mamaaaa!"

"Leticiaaaaaa!"

Unting unti nasasara ang pinto.

At ang hulih kong nakita sa likod ng pinto ay ang mga ngiti ng dalawang demonyo.

Bigla ako nagising mula sa bangungot ko. Binabangungot nanaman ako ng nakaraan.

Napatingin ako sa lalakeng binubuksan ang kandado ng kulungan ko.

Lumingon ako sa isang lalakeng nakatayo at nakatingin sa tabi ng nagbubukas ng kulungan ko.

Matangkad at nakabihis militar na kasuotan ito. Itim ang buhok niya at emerald color ang mata nito. Matangos ilong at broad ang shoulder nito.

Pagkabukas ng kulangan pumasok ang lalake na nakatingin sa akin at bigla niya ako ginapos ng malakas palabas ng kulungan.

Dinala niya ako sa isang kwarto na parang private office. Nagulat at napatayo ang lalake na nakupo office chair niya habang gulat na nakatingin sa akin.

Mejo magkahawig ang mukha nila pati ng lalakeng gumagapos sa akin.

"Ano to Kuya?" Tanong ng lalake sa lalakeng nakahawak sa akin.

"Regalo ko sayo." Sabi ng lalake na nakahawak sa akin.

Tinulak niyo ako papasok ng opisina at lumapit sa amin ang isang lalake.

"Regalo?" Tanong ng lalake na parang hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari.

"Regalo na pwede mong gamitin armas sa gyera or pwede mo din gamitin sa kamah." Sabi ng lalake sa likod ko na humawak sa akin.

Biglang nagiba ang mukha ng lalake sa harap ko na parang bang galit ito at bigla niya ako hinila at niyakap.

"Rudolf! Nasisiraan ka na ba ha?! Nakikita mo ba na bata pa to at babae ito?! Dapat nirerespe-" Ang pagtatanggol sa akin ng lalakeng nakayakap sa akin.

"Respeto? Gil! Gising! Hindi ordinaryong bata ang bata na yan! Dalawmpung katao ang tangkain niyang patayin na tauhan natin! Mapanganib ang bata na yan! At pwede natin siya gamitin sa gyera! Pwede mo siyang gamitin protector mo!" Sigaw ng lalakeng nagngangalang Rudolf.

"Rudolf! Hindi ko kaylangan ng protector! May pinagaralan ako at kayo kong sumabak sa gyera na walang nagpoprotekta sa akin! At isa pa ang gyerang papasukin ko ay hindi lang para sa sarili ko! Para din sa mga taong naninirahan dito! Kaya kong itaya ang sarili ko para lang sa katihimikan ng bansa!" Sabi ng lalakeng nakayakap sa akin.

"Ikaw na ang bahala Gilbert. Basta regalo ko yan sayo. Sige, marami pa akong gagawin." Sabi ni Rudolf at lumabas ito mula sa kwarto at malakas na sinara nito ang pinto.

Napasigh ang lalakeng nakayakap sa akin at tinulak ako nito ng dahan dahan palayo sa kanya.

Dahan dahan niya ito nilalapit ang kamay niya sa ulo ko na para bang natatakot ito.

Lumingon ako sa gilid ko. "Hindi ako nangangagat." Sambit ko sa lalake pero imbes na hawakan niya ako, binaba niya ang kamay niya. Lumingon ako sa kanya ulit.

"Pasensya ka na sa kapatid ko. You deserve respect, hindi ko hahayaan na hindi ka respetohin ng iba." Sabi niya sa akin.

"Kunin mo ako." Sabi ko sa kanya at mukhang hindi niya naiintindihan ang sanasabi ko.

"Kunin mo akong armas sa gyera. Papasok ako sa militar." Sabi ko sa kanya at nagulat siya sa sinabi ko.

Next chapter