webnovel

Chapter 4: Edinbrugh Seige

Rosalie's POV

February 31.

"Commence artillery fire. FIRE!!!"

Naramdaman ko ang malakas na paggalaw ng lupa. Pagkatapos ng limang minuto, nagsiurungan kami paharap para umatake.

Mabilis akong tumakbo paharap at mabilis kong pinagsasaksak ang mga kalaban. Mabilis ku rin itong pinabababaril.

"SUNDAN NIYO SIYA!" Sigaw ni Lieutenant.

Mabilis na umuulan sa amin ang mga bala pero patuloy ang pamamaril ko sa mga kalaban.

Napatago kami ulit.

"All squad, sitreps!" Sigaw ni Lt.

"Squad One! Nalawan kami ng tatlo!" Sigaw ng tagasquad one.

"Squad two! Kompleto pa kami at walang sugatan!" Sigaw ng tagasquad two.

"Squads three and four! Kalahatih na lang kami! We're in bad shape!" Sigaw naman squad three and four.

"Squad one and two! Secure the area and keep the enemy reinforcements at bay!" Intruct ni Lt.

"Everyone alive in Squads Three and Four will come with me and take over the cathedral!" Instruct ni Lt.

"Let's go!" Sigaw ni Lt. "Yes sir!" Sigaw namin lahat at nagsikilos kaming lahat.

Nagsitakbuhan kami paakyat ng cathedral at pagkabukas namin ng pinto napalarma ako dahil manilinis at walang katao tao.

"Lieutenant!" Sigaw ko at mabilis kong hinatak si Lieutenant pabalik ng pinto habang umuulan ng bala sa amin.

Naubos ang tauhan namin at dalawa na lang kami ni Lt. ang natira.

"Lieutenant! Ako muna ang aatake sumunod ka lang sa likoran ko!" Sabi ko habang nagrereload ako ng bala.

"Rosalie." Sabi ni Lt. habang humihingal.

"Ito ang huling utos ko sayo. Pagkatapos ng gyerang ito, mamuhay ka ng normal na buhay at mapayapa. Mamuhay ka ng walang utos na nagmumula sa akin." Nandito nanaman ang nakakainis niyang hiling.

Umatake ako at mabilis kong pinagbabaril ang mga kalaban mula sa itaas at sumudon sa akin si Lt.

Lieutenant, kahit anong mangyare poprotectahan kita! Hindi ko hahahayaang mawala ka! Hindi ako aalis sa tabi mo!

*BOOOOOOOOOM!*

Napantras at napaupo ako at nagulat ako sa biglang malakas na pagsabog mula sa baba at nakita kong nahulog si Lieutenant kasama ang nahuhulog na parte ng cathedral.

Walang akong marinig. Tumayo ako agad at tumakbo ako para iligtas si Lt. at may biglang bumaril sa kaliwang mata niya.

"LIEUTENANT!" Sigaw pero wala pa rin akong naririnig at lumalabo ang paningin ko pero nakikita ko na parang may sinasabi si Lieutenant.

Mahal kita? Hindi ko maintindihan ang salita na yun pero bakit ang lakas ng impact niya sa puso ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Naramdaman ko ang mainit at malakas na tumama na bala ng baril sa likod ng balikat ko at napahiga ako.

"Lieute ... nant ..." Ang aking huling salita at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Next chapter