webnovel

Chapter 2: The Brooches

Rosalie's POV

"Lieutenant, ano ang ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Lt. Gilbert. Naglalakad kasi kami dito tyangge. Di ko alam kung bakit niya ako dinala dito.

"This month. Ngayon buwan ng December sinicelebrate ang thanks giving. It's our tradition na kaylangan mo magbigay ng regalo sa isang tao para sa pasasalamat." Paliwanag niya sa akin.

Nakikita namin na nageexchange gifts na lahat ang mga taong dinadaanan namin.

"Rosalie." Sabi niya at napahinto siya sa paglalakad tapos lumingon siya sa akin.

"Anong gusto mong regalo?" Tanong niya sa akin na nagpagulat sa akin.

"Is that an order Lt.? Kasi hindi ko naman deserve na makatanggap ng regalo. Isa lamang akong armas para bigyan mo ng regalo." Sabi ko sa kanya. Nandito nanaman ang mukha niya na parang malungkot na parang naawa siya sa akin. Nakakainis.

"Tignan mo ang paligid. Napakasaya at tahimik. Tignan mo ang mga ngiti ng mga bata. Lahat nito ay nangdahil sayo Rosalie at salamat sayo. Kaya pumili ka na ng gusto mong regalo." Sabi niya sa akin at tumingin ako sa paligid ko.

Lahat ng ito? Nangdahil sa akin? Ngunit ..

"Magkaiba talaga tayo." Sabi ko sa kanya at napasandal ako sa pader habang nakayuko.

Pinasok ko sa bulsa ko ang mga kamay ko.

"Ikaw lumalaban para sa bansa, samantalang ako lumlaban para sa sarili ko." Sabi ko at napalingon sa gilid ko kung saan may mga batang nagoopen ng mga gifts nila.

"Alam mo ba kung bakit ako mapanganib?" Tanong ko sa kanya at napalingon ako sa kanyang kumikinang na mata.

"Dahil natatakot akong mamatay. Mahinang akong tao at makasarili. Hindi katulad mo matapang, kaya mong itaya ang buhay mo para sa ibang tao." Sabi ko sa kanya. Andyan nanaman ang itsura niyang parang naawa sa akin.

"Good evening Lt. Colonel Eastaughffe. Congratulation nga pala sa pagpromote mo." Sabi ng matandang babae na nagbebenta ng mga woman's accessories.

Nagusap usap sila ni Lt. Colonel at nakuha ng attention ko ang isang brooch na may emerald stone. Parang familiar ang kulay nito. Napakaganda.

Napalingon ako sa mata ni Lt. Colonel. Heto nga. Ito ang kulay ng mata ni Lt. Colonel, napakaganda.

Kinuha ko ang brooch na may hazel stone na kasing kulang ng mata ko. "Iha bilhin ko ito." Sabi ko sa bata na kasama ng matandang babae na nagtitinda.

"Ito ang bayad ko." Sabi ko habang inaabot ko ang pangbayad ko.

"Rosalie, may napili ka na bang gusto mo?" Tanong sa akin ni Lt. at agad kong tinago sa bulsa ko ang binili ko.

"Itong emerald stone brooch." Sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang brooch.

"Maganda diba?" Sabi ng ale.

"Opo." Sabi ko at niyakap ko ito.

"Bilhin ko na po Aleng Maria." Sabi ni Lt. sa ale at nagbayad ito.

Pagkatapos bilhin sakin ni Lt. ang regalo niya sa akin, naglakad lakad kami ulit pauwi.

"Rosalie, sigurado ka bang yan lang ang gusto mo? At sa kulay na kinuha mo?" Tanong sa akin ni Lt. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon ako sa kanya.

"Opo Sir. Heto lang kasi ang pinaka magandang bagay na nakita ko. Magkasing kulay ng iyong mga mata at" sabi ko at napatingin ako sa gilid ko.

"nagagandahan ako sa iyong mata." Sabi ko sa kanya.

"Akin na ang brooch." Sabi ni Lt. at binigay ko ito sa kanya. Lumuhod siya sa harapan ko at nilagay niya ito sa collar ng uniform ko.

What is this feeling?

Ano tong nararamdaman ko?

Ang weird.

Ngayon ko lang to naramdaman.

Ano ang tawag dito?

Bakit parang gusto siyang protektahan?

Bakit parang natatakot ako na mawala siya?

"Salamat Rosalie." Sabi niya sa akin at tumayo siya mula sa pagkakaluhod at pinapatpat ang ulo ko.

"Tara umuwi na tayo." Sabi ni Lt. Colonel at nagsimula siyang maglakad.

Lt. Colonel, bakit ba ang bait mo sa akin? Isa lang akong armas. Anytime pwede mo akong itapon kung useless na ako o kung magsawa ka nang gamitin ako.

Nilabas ko ang binili kong brooch na kasing kulay ng mata ko at tinignan ko ito.

"Lieutenant!" Sabi ko at napahinto siya sa paglalakad napalingon siya sa akin.

Umurong ako papalapit sa kanya at katulad ng ginawa niya, nilagay ko sa collar ng uniform niya ang brooch na binili ko.

"Napapansin ko kasi mahilig ka din sa mga gamit pangbabae." Sabi ko sa kanya at nagsimula akong naglakad.

Salamat Lieutenant Colonel Gilbert.

Next chapter