85 Steamed Bun Invasion

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Cold Night ay lubos na naguguluhan. Talagang isinumpa itong ikasampung server. Sa isang iglap, sobrang daming mga dalubhasa ang nagsilabasan. Ito'y hindi istilo ng Glory!

Sa mga ordinaryong laro, ang isang server ay isang mundo. Sa mga lumang servers, ang mga hindi nasisiyahang manlalaro'y kadalasang nagsisimula ulit kapag may nagbukas na bagong server. Gaya nito, maaaring sila'y maging hari o siga sa bagong server at magsimula ng gulo.

Pero sa Glory? Lahat ng mga eksperto ay nagtitipon sa Heavenly Domain. Kahit na kung gaano ka pa ka-angas sa una, pangalawa, pangatlo, at pang-apat na server. Kung wala ka namang kwalipikasyon na makapasok sa Heavenly Domain, ikaw ay isang malaking biro lamang.

Ang resulta, sa Glory, ang mga beteranong gustong abandonahin ang kanilang mga lumang accounts at magsimula ng panibagong buhay ay hindi na kinakailangang lumipat ng bagong server.

Sa lumang server, ang mga beterano ay maaring gamiting ang pera ng kanilang lumang account para makabili ng items at para mas mabilis na maiangat ang kanilang lakas; Hindi ba't mas maganda iyan?

Ang resulta, sa mga beteranong pumunta sa bagong server, marami sa kanila ay gaya kay Cold Night, na pumarito para mapatakbo ang kanilang guild. Pero ngayon, nakilala nila si Lord Grim, isang hindi inaasahang eksperto. At ang manlalarong ito'y nagsasabing makakahanap siya ng mga manlalarong mas mataas pa ang mechanical skill kaysa sa kaniya at kay Endless Night.

Kahit na siya at si Endless Night ay malayong-malayo sa mga pro players, sa gitna ng ibang mga manlalaro, sila'y matatawag na mayroong husay at galing. Sila ang pinaka-elite ng Tyrannical Ambition. Sila'y maikukumpara kay sa Five Great Experts ng Blue Brook Guild.

Gayunpaman, parang sinasabi ni Lord Grim na madali siyang makakahanap ng ibang manlalarong mas magaling pa sa kanila. Ito'y naging dahilan kung bakit naguguluhan si Cold Night.

"Magpa-level muna kayo! Wala namang susubukang lamangan ang record na ito. Maghintay lang kayo na mag-level up ako at matutulungan ko kayong lamangan iyon." Sabi ni Ye Xiu.

"Sige...Kontakin nalang natin ang isa't-isa mamaya." Sabi ni Cold Night. Kahit na sino pa ang mahahanap ni Lord Grim, malalaman rin niya ito sa huli.

Dinala ni Cold Night at ni Endless Night ang kanilang mga agam-agam at umalis. Naubos na nila ang kanilang entries para sa Frost Forest. Pero maaring pumasok pa sila sa Boneyard. Ang Lord Grim ni Ye Xiu ay nasa Level 21 pa lamang at hindi maaring makapasok sa Boneyard. Sa ngayon; ang tanging magagawa lang niya ay tumapos ng quests at pumatay ng mga halimaw para mag-level.

Habang siya'y papunta sa lugar kung saan siya magpapa-level. Binuksan ni Ye Xiu ang kaniyang friends list at sinigawan si "Steamed Bun Invasion."

Kahit na ang Steamed Bun Invasion na ito'y isang noob sa Glory, pagkatapos nilang patayin ang Blood Gunner at pakisamahan siya ng ilang beses, nalaman ni Ye Xiu na bahagyang mabilis ang kaniyang mga kamay.

Ang kaniyang sitwasyon ay may pagkaparehas kay Tang Rou. Kahit na hindi siya pamilyar sa Glory, nabubuhat siya ng kaniyang hand speed. Kung ikukumpara, kahit na ang hand speed ni Steamed Bun Invasion ay hindi kasingbilis ng kay Tang Rou, mas mainam ang kaniyang koordinasyon. Nang makita niya kung gaano ka-sigasig si Steamed Bun Invasion sa Glory, siguradong ang hand speed niya'y nalinang sa pamamagitan ng paglalaro.

Sa mga panahong ito, nasa loob ng Frost Forest dungeon pa si Steamed Bun Invasion kasama si Seven Fields at ang mga iba pa. Kakatapos lang ni Ye Xiu sa kaniyang huling takbo kasama ang mga manlalaro sa Tyrannical Ambition. Kaswal na nagdagdag si Seven Fields ng ibang tao sa kanilang huling takbo.

Sa loob ng isang ordinaryong party, na may ordinaryong mga karakter, mga ordinaryong equipment, at ordinaryong koordinasyon, tunay na napakaordinaryo nang kanilang clearing speed. Halos kinailangan nila ng tatlumpung minuto para matapos ito.

Si Steamed Bun Invasion ay may mataas na hand speed, ito'y hindi mali, pero ang katotohanang siya'y isang noob sa Glory ay hindi maaring baliwalain. Ang resulta, ang maipapakita niyang galing ay nakadepende sa pamumuno ng kanilang lider. Kasama ang isang magaling na pinuno, na maaring utusan siya sa kung ano ang dapat niyang gawin, maipapakita niya ang tunay niyang galing.

Sa ngayon, ang kanilang lider ay si Seven Fields. Siya'y isang beteranong manlalaro lamang at hindi matatawag na isang eksperto.

"Ah, Diyos, nasa dungeon pa kami. May kailangan ka ba?" Mabilis na sumagot si Steamed Bun Invasion. Habang nasa dungeon, at habang nakikipaglaban sa mga halimaw, nagawa niyang sumagot ng mabilis, iyon ay isang palatandaan ng mabilis niyang hand speed.

"Tapos na ako, mamaya-maya lang, pupuntahan kita." Tugon ni Ye Xiu.

"Parang ang pangalan mo...ay wala sa TV?" Sabi ni Steamed Bun Invasion.

"Yeah, nabigo ako." Sagot ni Ye Xiu.

"Ah, sayang!"

"Tapusin mo muna yang dungeon mo. Mag-usap tayo mamaya."

"Sige."

Matagal na nakipagusap si Ye Xiu kay Cold Night pagkatapos lumabas sa dungeon, kaya si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y siguradong papatapos na sa kanilang dungeon. Hindi nagtagal, limang manlalaro ang lumabas sa dungeon, nalulungkot at nalulumbay.

Dahil wala si kuyang mahusay na naguutos sa kanila, si Seven Fields at ang mga iba pa'y hindi kontento sa kanilang nagawa, pero sila rin ay walang nagawa para pagandahin ang kanilang sitwasyon. Kahit na nakita nila kung papaanong pamunuan sila ni kuyang mahusay, hindi nila magawang kopyahin siya. Ang sitwasyon na ito'y parehas sa kung papaanong hindi ma-kopya ng Three Great Guilds ang One Wave Rush ni Ye Xiu.

Malinaw na naiintindihan ni Blue River at ang mga kasamahan niya ang One Wave Rush. Gayunpaman, hindi nila ito ma-kopya dahil hindi nila maabot ang kinakailangang skill level para maging isang core player.

"Kuyang mahusay....." Si Seven Fields at ang tatlo'y agad-agad na bumati kay Ye Xiu. Narinig rin nila ang kabiguan niyang magtatag ng bagong record. Habang sila'y nasa loob ng dungeon, tiningnan nila ang record leaderbaords. Nakita nilang ang pangalan ni Lord Grim sa pangalawang party. Naisip nila na hindi masyadong maganda ang kondisyon ni kuyang mahusay kaya sila'y bumati lang at wala nang sinabi pa.

"Ngayon, ang sitwasyon para sa Forst Forest record ay nagbago. Para malamangan ito, kailangan ko ng party na may husay at galing." Sabi ni Ye Xiu.

"Talagang hindi kami!" Nagsimulang pagpawisan si Seven Fields. Maliwanag na alam niya ang hangganan ng kaniyang galing. Ni hindi nga sila makapantay sa mga eksperto ng malalaking guilds.

"Anong masasabi niyo sa husay at galing ni Steamed Bun?" Sabi ni Ye Xiu.

"Steamed Bun?" Si Seven Fields, Sunset Clouds, Drifting Water ay nagpadala ng nanlulumong emoticon. Sa huli, sila'y nagsabi: "Hindi marunong maglaro si Steamed Bun?"

Kinopya sila ni Steamed Bun at pinadalhan silang lahat ng nanlulumong emoticon.

"Yeah, tunay na hindi siya marunong maglaro. Pero ang hand speed ni Steamed Bun ay napakabilis." Sagot ni Ye Xiu.

"Talaga?" Nagtaka si Seven Fields at ang mga kasamahan niya. Ito'y hindi nila namalayan.

"Yeah, totoo iyan. Mabilis nga ang mga kamay ko. Diyos, papaano mo nalaman?" Napahanga si Steamed Bun Invasion.

"Nakikita ko." Napatawa si Ye Xiu. Sa totoo lang, dahil hindi masyadong pamilyar si Steamed Bun Invasion sa laro, hindi madali para sa kaniya na ipamalas ang kaniyang hand speed. Pero sino ba si Ye Xiu? Siya'y isang textbook-level na manlalarong wala nang mag pamilyar pa sa Glory. Nakakahinuha siya sa hand speed at reaction speed ng isang manlalaro gamit ang ilang mga palatandaan. Ang mga bagay na nakikita niya'y hindi nakikita ng mga ordinaryong tao.

"Bahagyang maganda nga ang hand speed ko, pero..."

"Nararamdaman mong hindi mo kayang ipamalas 'to!"

"Tama, tama!" Mabilis na sagot ni Steamed Bun Invasion.

"Sumama ka sakin mamayang gabi. Tuturuan kita." Tugon ni Ye Xiu.

"Sige sige!" Masayang sagot ni Steamed Bun Invasion.

"Kuyang mahusay, turuan mo rin kami!" Napasabi si Seven Fields at ang mga kasamahan niya.

"Kailangan pa ba kayong turuan? Kailangan niyo lang linangin ang inyong hand speed." Sagot ni Ye Xiu.

Napaiyak si Seven Fields at ang kaniyang mga kasamahan: "Nagprapraktis kami ng buong magdamag!"

"Hindi ko maiiwasang sabihin ito. Minsan, may tinatawag na natural na talento na kayang gawin ang kahit ano man." Tugon ni Ye Xiu.

Umiyak si Seven Fields at ang mga kasamahan niya: "Kuyang mahusay, alam naming ikaw ay isang mahinhing tao, pero bakit para bang sobrang deretsahan ka ngayon!"

"Sabay-sabay nalang tayo! Ang mga walang talento ay walang magagawa kundi ang magsikap. May mga tao lang talagang hindi nagsisikap." Sabi ni Ye Xiu.

avataravatar
Next chapter