86 Pagtuturo sa mga Noob

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isinama ni Ye Xiu ang grupo ni Seven Fields sa Boneyard. Si Seven Fields, Sunset Clouds, Drifting Water ay kagaya ni Lord Grim na nasa Level 21. Sa pakikipaglaban sa mga Level 23-26 na mga halimaw ng Boneyard, sila'y hindi masyadong nagtitiwala sa kanilang sarili.

Si Steamed Bun Invasion ay Level 23. Dahil ang level niya'y parehas sa mga halimaw, nasasabik na siyang makalaban sila.

Malinaw na tuturuan ni Ye Xiu si Steamed Bun Invasion. Kahit na hindi masasabing hindi na mas gagaling pa si Seven Fields at ang mga kasamahan niya, sa desperadong sitwasyon na ito, si Steamed Bun Invasion lang ang tanging maaasahan. Pagkatapos inutusan ang iba na mag ensayo, nagsimulang turuan ni Ye Xiu si Steamed Bun Invasion.

Una, ipinaliwanag niya sa kaniya kung ano ang Brawler class.

Iba-iba ang lakas ng Brawler class. Pero sa habang nasa Level 25 pa, wala itong kahit na anong AoE skils.

Ang Level 1 na Brawler ay maaring matutuhan ang skills ng mga ibang class. Isang knock-up skill na tinatawag na "Uppercut".

Sa Level 5, maari nitong matutuhan ang skill na "Slap". Ang Slap ay ang tanging aggro-related skill nito bago mag palit ng class.

Ang Level 10 skill Knee Attack ay tinatamaan ang tuhod ng kalaban. Gayunpaman, ito'y matatawag lang na isang half-grab na skill dahil ito'y walang knock-down effect.

Pagkatapos, ang Level 15 skill Strangle ay hindi pwedeng gamitin sa likod ng kalaban. Ito'y nagagamit lang sa leeg ng kalaban, ang Strangle, kagaya ng Knee Attack, ay walang knock-down effect. Sa Level 20, pagkatapos magpalit ng class, maaring matutuhan ng Brawler ang skill "Brick Buster". Gayunpaman, masyadong mahirap tamaan ang likod ng ulo ng kalaban para mapalitaw ang effect. Kinakailangang mabilis ang galaw ng mouse at eksakto ito.

Pagkatapos niyan, may isang Level 20 skill: Sand Toss. Tinuruan na ni Ye Xiu si Steamed Bun Invasion tungkol sa skill na ito.

Ang mga Brawlers ay maaring matutuhan ang skill "Apply Poison" pagdating ng Level 25. Ito'y naglalagay ng lason sa armas ng gumagamit at ang mga atake niya'y nakakalason sa mga kalaban. Gayunpaman, ang lason na ito'y hindi nagtatagal.

Sa ngayon, ang Level 23 na si Steamed Bun Invasion ay hindi maaring matutuhan ito, kaya ito'y hindi pinagusapan ni Ye Xiu. May natutunan nang iba't-ibang mga galawan si Steamed Bun Invasion, mga paraan kung paano magamit ang mga skills kasabay ang isang normal attack, natutunan niya ito gamit ang kaniyang sariling pag-iisip. Kaya pinaliwanag muna ni Ye Xiu ang mga nakatagong effects ng mga skill na kaniyang palagiang ginagamit.

Halimbawa, kung papaanong ang "Slap" ay maaring dalawang beses na tumama.

Kapag ang "Knee Attack" ay ginamit bilang back attack, maari nitong ma-knock back ang kalaban.

Kapag ang "Strangle" ay ginamit, bumababa ng kalahati ang depensa ng kalaban.

Ang mga ito'y hindi nakasulat sa skill tooltip at matatawag na mga hidden effects. Habang si Steamed Bun Invasion ay nakatuon sa laro, wala siyang binuksan na kahit na anong patnubay, kaya ito'y hindi niya alam.

"Kung wala kang naiintindihan, bakit mo pinili ang class na ito?" Nagtanong si Ye Xiu. Sa huli, ang taong ito'y sinabi na kahit na anong skill lang ang kaniyang kinuha noong siya'y isang unspecialized pa lang. Kalaunan ay nalamayan niyang ang Slap, Knee Attack, at Strangle ng Brawler ay mga atakeng palagiang ginagamit sa mga away-kalye. Kaya masaya siyang pinili ang class na ito.

Bahagyang pinagpawisan si Ye Xiu nang marinig niya ang sagot na ito, pero wala na siyang magagawa dahil siya'y nakapagpalit na ng class. Mabilis na humusay si Steamed Bun Invasion dahil sa mga pagtuturo ni Ye Xiu.

Tanging isang problema na lamang ang inaalala ni Ye Xiu: Sa sobrang pagkasabik ng taong ito sa paglalaro, hindi ba't magiging Level 26 siya bago ako maging Level 25?

Ang problemang ito'y masyadong seryoso. Ramdam ni Ye Xiu na dapat niyang pagusapan ito kasama si Steamed Bun Invasion.

"Steamed Bun? Mga ilang araw na ang lumipas noong natulog ka?" Nagtanong si Ye Xiu.

"Huh? Hindi ako pagod." Masayang sinasampal ni Steamed Bun Invasion ang mga halimaw sa paligid.

"Mas mabuti pang magpahinga ka muna! May mga ilang patnubay akong nahanap para sayo. Brawlers ang pinaguusapan nilang lahat. Maari mo silang tingnan." Tugon ni Ye Xiu.

"Sige sige, titingnan ko sila habang kumakain ako." Sagot ni Steamed Bun Invasion.

"Kahit na ipagpatuloy mo ang pagpapa-level nang ganyan, hindi ka parin makakaabot sa mga manlalaro ng mga malalaking guilds. Sila'y may mga iba't-ibang tao na naglalaro sa iisang account, kaya sila'y araw-araw na nagpapa-level na walang pahinga." Paliwanag ni Ye Xiu.

Ipinakita ni Steamed Bun Invasion ang kaniyang panghahamak: "Ang bobo naman niyan."

"Mas maraming tao, mas malakas! Kaya wag mong subukang pantayan sila nang nag-iisa ka lang. Relax lang at hinay-hinay sa pagpapa-level. Ang pinakaimportanteng isyu ngayon ay kung ipagpapatuloy mo ang pagpapa-level mo, sa isang iglap lang ay makakarating ka na sa Level 26. Papaano tayo makakatatag ng bagong record niyan?" Paliwanag ni Ye Xiu.

"Bakit naman hindi?" Talagang napakamang-mang ni Steamed Bun Invasion. Hindi niya alam kung papaano gumagana ang mga dungeon records.

Walang magawa si Ye Xiu kung hindi ipaliwanag ito sa kaniya. Pagkatapos, hindi mapigilang maguluhan ni Steamed Bun Invasion. Gusto niyang mabilis na lumakas, pero gusto rin niyang magtatag ng bagong record at mapunta sa TV...

Si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y tinawag ni Ye Xiu para makombinse si Steamed Bun Invasion na huwag muna masyadong magpa-level.

Ginawa ng tatlo ang lahat ng kanilang makakaya para maipaliwanag kay Steamed Bun Invasion na sa Glory, ang mga levels ay parang lumilipad na ulap. Ang pagpunta sa TV, at maiwan ang iyong marka sa leaderboards ay ang pinakadakilang gantimpalang iyong makakamit.

Dahil sa kanilang pagpupumilit. Sa wakas, si Steamed Bun Invasion ay naghihinayang na pumayag: "Sige na nga. Susubukan kong bagalan. Diyos, mga ilang araw pa ang kailangan mo para mag-level?"

"Mabilis lang ako." Sagot ni Ye Xiu, "Oo nga pala, wag kang sumali sa guild sa mga ilang araw na ito."

"Sige."

Sa wakas ay natapos na niya ang kaniyang problema kay Steamed Bun Invasion. Napabuntong hininga si Ye Xiu. Hindi madaling kausapin ang ganitong tipo ng baguhan. Kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi siya makikinig sa iyo, pero ang pagiging baguhan ay isa ring kalakasan.

Si Steamed Bun Invasion na naghihinayang na tanggapin na kinakailangan niyang bagalan ang kaniyang pagpapa-level, ay hindi maaring pumatay ng maraming mga halimaw. Pero kapag hindi siya pumapatay, siya'y mababagot. Hindi niya malaman kung ano ang kaniyang gagawin kaya siya'y nag-log out nalamang at tiningnan ang mga patnubay na binigay ni Ye Xiu sa kaniya.

Tumingin si Ye Xiu sa kaniya at sawakas ay tumigil na rin sa pagpapa-level ang taong iyon. Gayunpaman, siya mismo ay kinakailangang bilisan ang kaniyang pagpapa-level. Ang resulta, nakipagparty siya kay Seven Fields at nagsimulang pumatay ng mga halimaw na para bang sila'y nasa isang dungeon.

Sa bilis ng kanilang pagpapatay ay para bang nasusuka na sila pag sila'y nasa loob ng Boneyard. Pero si Ye Xiu ay sabik na sabik pa. Ang natitirang tatlo'y hindi mapigilang mapabuntong hininga sa lungkot: "Tunay na karapat-dapat siyang tawaging kuyang mahusay."

Sila'y nagensayo sa Boneyard hanggang sa dumating ang umaga. Ang mga apat na manlalaro'y nakarating sa Level 22. Kahit na gustong sumuka nina Seven Fields, ang pamumuno ni kuyang mahusay ay naging dahilan kung bakit mas mabilis ang kanilang leveling kaya sila'y bahagyang nanghihinayang na umalis. Gayunpaman, para kay Ye Xiu, oras na para pumalit siya sa shift, kaya hindi maaring magpatuloy siya sa paglalaro sa reception desk.

Pagkatapos isinuko ang kaniyang shift, mabilis siyang nagtungo sa smoking area para magpatuloy sa paglalaro.

Gumising si Chen Guo mula sa kaniyang tulong. Tumingin siya sa labas mula sa kaniyang mga bintana at nakita ang magandang panahon.

Stretching, tumayo siya mula sa kaniyang higaan. Minasahe niya ang kaniyang pagod at papunta sa bathroom. Nang makarating siya sa pintuan ng bathroom, bigla niyang naalala na may isang lalaki pang nakatira sa isa sa mga kwartong ito. Hindi maaring ilantad niya ang kaniyang katawan kagaya nang kaniyang ginagawa noon nung sila palang ni Tang Rou ang nandirito.

Dahil dito, mabilis na inayos ni Chen Guo ang kaniyang pajamas. Ang mga kinakailangang talian ay natalian. Ang mga kinakailangang ayusin ay naayos. Pagkatapos ng lahat ng ito'y lumabas na siya sa bedroom.

Pagkatapos umalis sa kwarto, napatingin siya sa gilid. Nakabukas pa ang kwarto ni Tang Rou.

Napakaburara! May lalaking nakatira dito! Kung hindi mo isinasara ang pintuan mo habang natutulog, sinong nakakaalam kung anong magagawa ng mga kamanyakan ng mga lalaki. Habang naiisip ito, gumawa ng eksperimento si Chen Guo. Sinubukan niya kung makikita niya ang higaan ni Tang Rou mula sa butas ng pintuan.

Sa huli, nakita niya ang higaan pero wala siyang nakitang nakahiga. Natulala si Chen Guo. Tinulak niya ang pintuan. Ang higaan ni Tang Rou ay hindi nagalaw.

Buong magdamag siyang hindi natulog!

Nagulantang si Chen Guo. Agad-agad siyang pumunta sa storage room ni Ye Xiu. Ang pintuan ay nakabukas. Na may kasamang pagaatubili, napagdesisyunan niyang buksan ito para tingnan.

Wala ring tao dito!

Mga siraulo 'tong dalawang 'to!! Natutulalang tiningnan ni Chen Guo ang dalawang kwarto sa paligid niya.

avataravatar
Next chapter