webnovel

Isang Patibong ang Mga Bakas ng Paa.

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh, ang mga bakas ng paa pala..." Biglang naintindihan ito ng commentator, "Tingnan niyo, ang mapang pinili ng 301 ay puno ng niyebe, kaya nag-iiwan ng mga bakas ng paa ang mga karakter pagkatapos gumalaw." Pagkatapos ng kaniyang paliwanag, ipinakita ng broadcast ang mga iniwang bakas ni Dancing Rain.

"Pero kapag titingnan niya ang mga naiwang bakas ng paa, mailalantad niya ang sarili niya sa atake ni Dancing Rain!" Sabi ng commentator.

"Kaya nga tingnan mo dito..." Nagsimulang gumalaw si Stellar Sword, habang nagpapaliwanag si Li Yibo: "Sigurado akong pupuntahan ni Gao Jie ang mga bakas na naiwan kung saan hindi siya makikita ni Su Mucheng. Talagang maiging sinaliksik ng 301 ang mapang ito!"

"Oh? May ganoong lugar nga ba?" Hindi kumbinsido ang commentator.

"Tanging si Gao Jie lang ang makakasagot sa tanong na iyan." Pagpapanggap na sagot ni Li Yibo.

"Ha ha ha..." Napatawa ang commentator. Sa totoo lang, para maging isang professional na commentator sa Glory, ginagawa rin ni Pan Lin ang mga ginagawa ni Li Yibo. Siya'y naglalaro rin ng Glory, kaya paniguradong alam niya ang mga kasagutan sa kaniyang sariling tanong. Pero hindi niya ito dapat sabihin, para mapanatili ang interest ng manonood, ang commentator at ang honoraryong bisita ay dapat na suyuin ang isa't-isa.

Iba't-iba ang trabaho ng commentator at ng honoraryong bisita. Ang commentator ang nagtatanong at ang honoraryong bisita ang sumasagot. Matagal na itong ginagawa ni Pan Lin at maraming beses na niyang nakakasama si Li Yibo, kaya matatawag na mainam ang kanilang koordinasyon sa isa't-isa.

Kinontrola ni Gao Jie si Stellar Sword para tingnan ang paligid. Pagkatapos makahanap ng lugar, ang kamera ay naging first-person view ni Stellar Sword. Gaya ng inaasahan, nakita ni Stellar Sword and isa sa mga bakas ng paa ni Dancing Rain. Dahil ang mga manonood ay may kakayahang tingnan ang labanan gamit ang bird's eye view, malinaw na alam nila na sapat na ang mga bakas na ito para mahinunha ang lokasyon ni Dancing Rain.

"Tama nga, nakita siya." Sabi ni commentator, "Talagang hindi naging maingat si Su Mucheng!Naiiwasan naman ang ganitong mga pagkakamali."

"Yeah, parang naging malaki ang epekto ng pagreretiro ni Ye Qiu sa kaniya. Sa simula palang ng kaniyang career, palaging kasama niya si Ye Qiu." Sabi ni Li Yibo na para bang tunay na naiintindihan ang sitwasyon.

"Oh no! Ano ang dapat niyang gawin?" Kinakabahang hinila ni Chen Guo ang kamay ni Ye Xiu.

Bahagyang napatawa si Ye Xiu at sinabing: "Ang mga bakas ang totoong patibong."

"Ano?" Nabigla si Chen Guo at bumaling siya kay Ye Xiu. Ang nakaraan niyang tanong ay sinabi lang niya sa kaniyang sarili dulot ng kaniyang kaba.

"Tingnan mo." Itinuro ni Ye Xiu ang projection. Ang tunog ng baril ay umalingawngaw. Kaagad na tiningnan ito ni Chen Guo. Ginagamit ni Dancing Rain ang Aerial Fire para makagalaw. Sa hangin, pinuntirya niya si Stellar Sword na nasa likod ng dingding, at nagpadala ng Anti-Tank Missile.

Malinaw na hindi inaasahan ni Gao Jie ang atakeng ito. Nagpadala ng tatlong artillery shells ang Anti-Tank Missile na lumipad papunta sa kaniya. Lubhang huli na siya para iwasan ang mga ito. Ang mga artillery shells ay sumabog at ang shock wave mula rito ay pinalipad si Stellar Sword sa pader.

Bumaba si Su Mucheng sa bubong. Ang madilim na madilim niyang baril ay nakaturo kay Stellar Sword, at isang nagaalburotong apoy ang sumingaw. Isang artillery shell ang saglit na lumipad bago sumabog sa ilang maliliit na artilerry shells na pinuntirya si Stellar Sword. Kahit na saan siya pumunta, nahulog na siya sa patibong.

Launcher Skill: (FIM-92) Stinger. The fired artillery shell would explode into eight Stingers and drop down, carrying out an AoE attack.

Ang skill na ito'y kadalasang ginagamit sa mga patag na lugar. Sa pamamagitang ng pagturo sa baril sa langit. Pagkatapos sumabog ang pangunahing artillery shell, malawak na lugar ang masasakop ng mga maliliit na Stingers. Pero dahil nasa mataas na lugar na si Dancing Rain, nakatipid siya ng oras dahil hindi na niya kinailangang isipin pa kung saan gagamitin ang Stinger.

Kahit na hindi maaring mailagan ni Stellar Sword ang mga bala, maaari niyang babaan ang pinsalang kaniyang makukuha. Kapag tumayo lang siya't walang gagawin. Paniguradong matatamaan siya ng walong Stingers. Ang resulta, pinasugod ni Gao Jie si Stellar Sword.

Walang ibang paraan para mailagan niya ang pinsala, kaya nahinuha niyang mas mabuti pang saluin niya ang pinsala't lapitan si Dancing Rain. Ngayon, papalapit na siya kay Dancing Rain kaya walang puwang na para magtago.

Nagbukas siya ng daanan gamit ang Triple Slash. Pagkatapos nasabugan ng dalawang Stingers, pumailalim si Stellar Sword sa bahay at agad-agad gumamit ng Rising Dragons. Itinaas niya ang espada sa itaas ng kaniyang ulo. Isang ilaw ang kumurap at siya'y lumipad.

Gamit ang skill na ito, naniniwala si Gao Jie na walang magagawa ang Gunner para pigilan ang kaniyang paglipad sa bubong.

Gaya ng inaasahan, nakarating siya sa bubong at nakitang nasa malayo na si Dancing Rain. Pinapairal niya ang pagitan sa distansya nilang dalawa.

Nang makita ni Dancing Rain na paparating na sa bubong si Stellar Sword. Kaagad siyang gumamit ng Heart-Seeking Missile na lumipad sa isang arko papunta sa kaniyang kalaban.

Heart-Seeking Missile! Gamit ang init ng katawan mula sa kalaban, bumababa ito mula sa kalangitan para tamaan ang kalaban. Ito'y mayroong malawak na explosion radius at mataas ang damage. Ito ay isang napakalakas na skill.

Ang problema lang ay, ito'y masyadong mabagal!

Bago paman makababa si Stellar Sword, gumamit siya ng Sword Draw sa hangin. Isang mala-niyebeng ilaw ang gumuhit sa kalangitan. Kasama ang isang "Dong" na tunog, tinamaan nito ang missile.

"Napakaganda!!" Napasigaw si Pan Lin at si Li Yibo sa pagkahanga matapos makita ang napakatalinong galaw na ito. Pero sa mga sandaling ito, nagpadala si Su Mucheng ng isang smiley face sa chat box. Kasunod nito, isang makapal na poste ng liwanag ang bumagsak mula sa kalangitan at pinalibutan si Stellar Sword mula ulo hanggang paa. Ang bahay sa ibaba niya'y sumabog at nagkapira-piraso.

Ang poste ng liwanag ay umikot at naging anim na maliliit na poste ng liwanag. Habang umiikot, pinapalibutan nila ang gitna at unti-unting kumalat. Ang niyebe sa lupa'y sumabog at tinakpan ang buong kalangitan.

Launcher Ultimate Skill: Satellite Beam.

"Isang kamangha-manghang Satellite Beam!!!" Mabilis na sabi ng commentator na si Pan Lin. Pagkatapos sabihin ito, ang kaniyang sinabing "napakaganda" kanina ay para bang inaasahan ang pangyayaring ito at pinupuri si Su Mucheng.

Hindi rin mabagal ang reaksyon ni Li Yibo, at kaagad siyang dumagdag: "Malinaw na may mali sa kalkulasyon ni Gao Jie."

"Tingnan natin kung gaano kalaking pinsala ang nagawa ng Satellite Beam..." Iginalaw ni Pan Lin ang kamera para tingnan ang natitirang buhay ni Stellar Sword.

"Parang bumaba ito ng isang-katlo." Sabi ni Li Yibo.

"Tingnan natin... Tama ka nga! Ang buhay ni Stellar Sword ay bumaba ng isang-katlo. Talagang napuruhan siya ng Satellite Beam. Kung idaragdag pa natin ang pinsala mula sa Anti-Tank Missile at Stinger, nasa hindi magandang sitwasyon si Gao Jie1" Sigaw ni Pan Lin.

"Tama, tingnan natin kung may mga ibang paraan pa siya para malapitan si Dancing Rain. Kung ang distansya nilang dalawa ay pananatilihing ganyan, imposibleng matatalo niya ang isang Launcher." Sabi ni Li Yibo.

"Tama nga ang sinabi mo." Mabilis na sinundan ito ni Pan Lin.

Mula nung muntik na malikuran si Dancing Rain hanggang sa nabigla si Stellar Sword at naubos ang kaniyang buhay. Ang mga taga-suporta sa Happy Internet Cafe ay nakatulalang humahanga at nakalimutan pang sumigaw para sumuporta. Kasali na rito si Chen Guo.

Hanggang sa narinig niyang sinabi ni Ye Xiu: "Tapos na si Gao Jie. Nasa isang magandang sitwasyon si Su Mucheng."

Next chapter