82 Isang Mabilis na Dungeon Record

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang magawa si Cold Night para sa Ice Crystal Staff. Pero hindi dahil sa ayaw niya itong ibigay. Kahit na hindi pangkaraniwan ang item. Ito'y isang Level 25 na equipment lamang. Ito'y isang transition equipment lamang at maaring magamit ng temporaryo sa level na iyon.

Talagang walang pakialam ang mga beteranong manlalaro, para sa item na iyon. Hindi mapigilan ni Cold Night na mahamak si Endless Night. Ito'y isang Level 20 na Orange Equipment lamang. Ang lalaking iyon ay tinatratong para bang kayamanan ang kaniyang gamit at ayaw ibigay. Nagtanong siya sa dahilan at ang sagot niya'y maganda daw ito sa paningin at gusto niyang kolektahin.

"Gagamitin lang naman yan bilang lagak. Parang hindi mo naman yan makukuha ulit!" Sabi ni Cold Night kay Endless Night.

"Wag mo akong lokohin. Sa tingin mo ba'y ganiyan kasimple lang ang mangyayari? Malinaw na gusto talaga ni Lord Grim ang Ice Crystal Staff. Alam mo ba kung ilang beses nating papatayin ang White Witch para mahulog ang item na yun?" Sagot ni Endless Night. Itong Ice Crystal Staff talaga ang naging dahilan kung bakit walang magawa si Cold Night. Para makahanap ng Orange Equipment, kinakailangan ng swerte!

"Kung wala tayong nun, bibili tayo. Palaging may paraan." Sagot ni Cold Night.

"Gusto mong subukang bumili?" Sabi ni Endless Night.

"Kunin mo ang Crystal Cross mo tapos subukan mong ibenta." Hindi masaya si Cold Night. Bagong bukas pa lang ang server, at bilang isang beteranong manlalaro, nagbebenta lang siya nang gamit hindi bumibili. Ngayon, ang mga low-leveled equipment ay naibebenta para sa pera, lalo na sa mga noobs.

Pero pag tumaas na ang level ng lahat at nakapasok na sa Heavenly Domain, ang mga low-leveled equipmet ay parang mga ulap sa langit. Sa mga panahong iton, ang Level 25 Purple weapon ay magiging parehas sa presyo ng isang White Wolf Bristle.

Nung sinabi ni Cold Night na bilhin ito, ang ibig niyang sabihin ay bibilhin ito kung mababa na ang presyo. Ang pagbibili ng Orange weapon ngayon, ay isang walang kwentang gawain, papaanong hindi ito maintindihan ni Endless Night?

"Ibenta to, Ibebenta ko to..." Naiyak si Endless Night. Alam niyang ang pambihirang armas na ito'y hindi magtatagal. Walang magawa si Endless Night kung hindi magngalit sa galit kay Lord Grim. Hindi rin nasiyahan si Cold Night. Nakaramdam siya ng sensasyong kagaya ng handang isakripisyo ang lahat. Ang sensasyong iyon ay nagbigay sa kaniya ng mapait na pakiramdam.

Pero, para sa kinabukasan ng kanilang guild sa bagong server, ang karangalan ang una nilang prioridad! Ito'y isang sulit na investment. Sa huli, ang dalawang manlalaro ay dumepende sa paniniwalang ito para mapanatili ang kanilang pag-iisip. At wala silang ibang paraan kung hindi sumunod: Ang Lord Grim na ito'y mas beterano pa sa kanila, kahit na ang mga items na hinahanap niya'y mahirap hanapin, makakaya parin nila itong makuha.

Pero ang problema ay ganito, si Cold Night ay talagang nagaalala sa kanilang pakikipaglamangan para makuha si Lord Grim. Hindi nila palagiang gawin ito. Pagkatapos magawa ang kasunduan kasama si Lord Grim, nag-log out si Cold Night at humingi ng tulong sa guild leader gamit ang kaniyang main account. Hindi naman masasabing ayaw niyang sumama sa Frost Forest clear record. Ang dahilan ay siya'y isang p*tanginang Knight, ang main tank class ng Glory. Ang resulta, hindi rin siya pinansin gaya ni Endless Night.

Ang isang Knight at isang Cleric, ang dalawang Priest classes na ito'y ang orihinal na core characters ng Tyrannical Ambition sa ikasampung server. Pero sa kasalukuyan, sila'y naging mga kaawa-awang t*nga. Nang makita nilang tumatakbo si Lord Grim mula sa labas ng Frost Forest, kaagad niyang ipinadala ang apat na Level 25 DPS mula sa Tyrannical Ambition. Habang ang stratehiya ay ipinapaliwanag, mahigpit na nakahawak sa galit si Endless Night sa kaniyang mouse. Ang kaniyang mga kamay ay pinagpapawisan.

"Iyon ang general idea ng plano. Naiintindihan niyo ba ang lahat?" Pagkatapos nagpaliwanag si Ye Xiu, may tiwala siya na gamit ang ganitong klase ng full DPS party, sa kondisyon na wala silang nagawang pagkakamali, walang magiging problema sa pagtatatag ng bagong record. Hindi lamang niya alam kung ilang oras ang malalamang nila.

Nung marinig ito ng mga apat na manlalaro, silang lahat ay natulala. Pare-parehas lang sila kay Blue River at ang mga kasamahan niya noong una nilang narinig ang paggamit ng One Wave Rush, ramdam nila na ito'y parang imposible.

"Kung wala ng problema, tara na!" Nagdeklara si Ye Xiu. Kaswal na ipinapasok niya si Lord Grim sa dungeon.

Ang apat na DPSers ay may pagaatubili sa kanilang mga puso, pero nang makapasok na sila sa dungeon, hindi na nila ito ininda. Agad-agad silang sumugod. Gusto nila magtatag ng bagong record, ang bawat segundo ay importante.

Sa mga sandaling ito, nagsimula nang manghatak si Lord Grim ng mga halimaw. Kung ikukumpara sa nagdaang panahon, ang orihinal na Gun, Sword, at Lance ng Myriad Manifestation Umbrella ay nasa Level 15 na. Mas matatag ang pangghihila ni Ye Xiu sa mga halimaw dulot ng karagdagan niyang lakas. Habang inuutusan niya sila kung kailan aatakihin ang mga nahatak niyang mga halimaw, nagpakawala siya ng mga atake sa iba pang mga halimaw.

Maingat na umatake ang apat, takot na ma-OT. Gayunpaman, namalayan nila na sa ilalim ng pamumuno ng taong ito, ang problemang tinatawag na OT ay hindi kailanman mangyayari. Mas naiintindihan ba ng taong ito ang damage output kaysa sa kanila?

Nagulantang sa takot ang apat na DPSers nang makita nila ang hinatak na mga halimaw. Pero sa ilalim ng mga bahagdang utos ni Ye Xiu, mabilis na pumwesto ang apat at kagaya ng Blue Brook Guild, mula sa pagaatubili sila'y nagulat at kalauna'y naging tagahanga.

Pagkatapos napatay ang unang mga halimaw, ang lahat ay bumaling sa orasan. Mabilis nilang naghinuha na kapag wala silang pagkakamaling nagawa, tiyak na malalamangan nila ang record.

"Kill!" Tumaas ang enerhiya ng mga apat na manlalaro. Mas nasasabik pa sila kaysa kay Ye Xiu. Syempre, dahil ang record na ito'y para sa Tyrannical Ambition. Talagang walang pakialam si Ye Xiu para dito at nagpatuloy sa kaniyang trabaho.

Si Endless Night at ang mga iba pa niyang kasamahan ay nagdu-dungeons rin kasama ang iba pang mga manlalaro sa Tyrannical Ambition. Gayunpaman, nakatuon ang kanilang mga isip sa party na magtatatag ng bagong record.

Paminsan-minsan, tumitingin si Endless Night sa orasan. Sa isang iglap, sampung minuto ang lumipas. Ang kanilang team ay isa ring Level 25 party, pero nang makita ang kanilang nagawa, hindi maaring masira nila ang record. Dahil hindi niya alam kung nasaan na ang kabilang party, hindi mapigilan ni Endless Night na mag-alala, pero siya'y hindi nagtanong, takot na makaistorbo.

Ang mga iba pang miyembro ay naguusap habang pumapatay ng mga halimaw. Ang pangunahin nilang pinag-uusapan ay ang misteryosong eksperto na si Lord Grim.

Sa isang iglap, limang minuto ang lumipas. Ang party na magtatag ng record ay labinlimang minuto nang nasa loob ng dungeon. Mas lalong nagalala si Endless Night. Hindi niya mapigilang buksan ang dungeon leaderboards. Ang kasalukuyang record ay 20:24:11. Ngayon, mas lalong lumakas ang kanilang mga manlalaro. Pagkatapos ang limampung minuto na ito, kahit na ano mang oras ay maitatatag ang bagong record.

"Clear!!" May biglang sumigaw mula sa kaniyang party.

Si Endless Night, na nakatingin pa sa nakaraang record ay nanginig. Kaagad siyang tumingin sa system announcement at nagulantang sa kaniyang nakit.

System Announcement: Congratulations to Herb Garden's players Plantago Seed, Giant Taro, Oriental Sweetgum, Rangoon Creeper, Malva Nut for breaking Frost Forest's clear record, time: 17:48:45.

"Mga taga Herb Garden?" Ang apat ay nagulat.

"Wag kayong magalala, hindi pa tapos ang lahat." Kalmado at bihirang sagot ni Endless Night. Sa mga sandaling ito, bawat malalaking guild ay nakarating sa Level 25. Malinaw na sinimulan nilang tapusin ang Frost Forest dungeon. Sa level ng Herb Garden, ang 17:48:45 ay kataka-taka. Ang record na ito'y maari pang matalo ng kanilang party. Limampung minuto nang nasa loob ang party ni Lord Grim. Malapit na silang matapos, hindi ba?

Hindi mali ang nahihinuha ni Endless Night. Nung nasira ng Herb Garden ang record, ni hindi kumurap si Ye Xiu. Dahil alam na nila kung kailan nila maitatatag ang record. 17:48? Pasensya na! Isang minuto lang pagdiriwang ng mga manlalaro ng Herb Garden.

Ang apat na manlalaro mula sa Tyrannical Ambition ay nasasabik itong maisip. Sa kabilang dulo, si Ye Xiu ay ipinagpatuloy ang kaniyang damage output.

Bigla-bigla, may isang System Announcement nanaman ang lumitaw.

System Announcement: Congratulations to Excellent Dynasty's players: Gray Black, Sea Breeze, Inherit, Nowhere to Run, Purse for breaking the Frost Forest clear record, time: 13:24:21.

Ang buong mundo'y nagulantang!

avataravatar
Next chapter