81 Isang Biyaya o Isang Sumpa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sandaling ito, si Ye Xiu ay hinihintay sina Seven Fields at ang mga iba pa para makipag-dungeon ulit. Pagkatapos gumawa ng kasunduan kasama ang Tyrannical Ambition para sa Level 25 dungeon clear, hindi nila inimbita si Ye Xiu para mag-training kasama sila. Kung ikukumpara kay Blue River, wala silang pakialam sa kahit na anong pakikipagkaibigan kay Ye Xiu. Bumayad sila, nagtrabaho siya, ganoon lang ka simple.

Tungkol naman sa katotohanang hindi nailagay si Ye Xiu sa leaderboards pagkatapos ng matumpay na first kill sa Goblin Merchant, si Seven Fields at ang mga kasamahan niya'y naghihinakit. Pero talagang hindi ito pinansin ni Ye Xiu. Tungkol sa mga kasikatang iniingitan ng mga ordinaryong manlalaro, walang maibigay na pansin si Ye Xiu. Gayunpaman, para sa mga ordinaryong manlalaro, ito'y napakamakabuluhang tagumpay. Ang resulta, dahil hindi siya nailagay sa first kill leaderboards, kahit na walang pakialam si Ye Xiu, hindi niya kailangang ipakita ito. Sa huli, gaya ng inaasahan, ipinagpalit niya ang kaniyang bargaining chip sa Tyrannical Ambition para sa marami pang gantimpala.

Ramdam nina Seven Fields na ito'y talagang hindi sulit, pero para kay Ye Xiu, ito'y walang halaga para sa kaniya. Malinaw na nanghihinayang ang Tyrannical Ambition, pero wala nang iba pang paraan! Mas pinapahalagaan nila ang karangalan kaysa sa mga ordinaryong manlalaro. Ang mailagay ang pangalan ng kanilang guild sa leaderboards ay napakaimportante para sa kanila, kaya sila'y handang bumayad ng kahit ano man para rito.

Mula sa first kill ng Goblin Merchant, sa huli, nakatanggap si Ye Xiu ng 20 White Wolf Bristles at 30 Spider Teeth mula sa Tyrannical Ambition.

Galing ang Spider Teeth mula sa dalawang hidden BOSSes, ang Spider Elite at ang Spider Warrior sa beginner village's Spider Cave dungeon.

Ang dalawang hidden BOSSess na ito'y kakaiba sa paningin. Ang Spider Warrior ay may hawak-hawak na pananggalang kamukha ng kahawig ng gagamba. Ang Spider Elite ay direktang ginagamit ang mga paa nito para sa boxing. Kapag ang dalawang hidden BOSSes na ito ay napatay, may pag-asang maghulog sila ng Spider Teeth. Dahil ang dungeon ay maaring matapos ng kahit ilang beses sa beginner village, Maraming mga ganoong uri ng materyales ang Tyrannical Ambition. 30 Spider Teeth ay hindi mahirap para sa kanila.

Para naman sa White Wolf Bristles, sila' nahuhulog sa hidden BOSS ng Frost Forest na isang White Wolf. Sa mga nakaraang araw mula sa pagbubukas ng server, walang ganoon karami ang Tyrannical Ambition. Sa nakaraan, gumamit si Endless Night ng 10 na iyon para sa wala. Sa mga sandaling ito, hindi nila mabayaran ng kumpleto ang 20. Sa kabutihang-palad, ang lahat ay naibalik ang kanilang dungeon entries, kaya pagkatapos patayin ang Goblin Merchant, mabilis na gumawa ng party ang Tyrannical Ambition para takbuhin ang Frost Forest dungeon para mabayaran ang kanilang utang. Sa loob, bakas sa kanilang mga mukha ang luha. F*ck, sino ba talaga ang gumagawa ng kanilang trabaho? Bakit parang kami ang naghihirap para makabayad lang ng utang?

Mas nagaalala ang guild leader na si Cold Night. Ang Lord Grim na iyo'y maraming mga mahahalagang materyales. Habang tumataas ang kanilang levels, mas dadami ang dungeons at dadami rin ang mga Wilrd BOSSes. Posible bang kakailanganin nila ang tulong niya sa mga panahong gusto nilang makakuha ng bagong record? Malalim ang tiyan ng taong iyon, at siya rin ay wais. Hindi niya gusto ang pera, tanging mga materyales lang mula sa hidden BOSS. Dahil dito, talagang hindi nila makakayang patuloy na bilhin siya!

Kahit na kaya nila, magiging mabigat ang sitwasyon, Hindi ba't lahat ng leaderboards sa ikasampung server ay kontrolado ng isang taong ito? Lalo na ang first kills ng Wild BOSS at mga dungeon clear records. Ang dalawang leaderboards na ito ay ang talagang nagpapakita sa lakas ng isang guild.

Tila ang sitwasyon sa ikasampung server ay hindi na maaring makontrol dahil sa biglaang paglitaw ng ekspertong ito. Saan galing ang taong ito? Hindi maintindihan ni Cold Night. Pumunta rin siya sa headquarters ng kaniyan guild para humingi ng payo.

Ang lahat ay ganito at tumatakbo ng mga dungeons dala-dala ang pagaalalang ito. Sa gabing iyon, ang pangunahing manlalaro sa ikasampung server ay nakarating sa Level 25. Sila'y nagpalit ng equipment at kumuha ng mga bagong skills. Ang kanilang mga lakas ay kaagad lumundang ng isang antas. Kahit na si Cold Night ay nagaalala, nakagawa na siya ng kasunduan kasama si Ye Xiu para sa Frost Forest clear record.

"Hello hello, nasa Level 25 na kaming lahat, tara na't sumira tayo ng record!!" Si Endless Night ang tagapagpamagitan kay Ye Xiu para sa Tyrannical Ambition.

"Oh? Teka lang, nasa dungeon pa ako." Sagot ni Ye Xiu.

"Hindi mo pa nagagamit ang lahat mong dungeon entries, hindi ba?" Nagsimulang pagpawisan si Endless Night.

"May natitira pang isa." Tugon ni Ye Xiu.

"Bilis bilis." Tumatalon-talon si Endless Night.

"Anong minamadali mo? Hindi natin kailangan ng cleric para sa clear record." Sabi ni Ye Xiu.

"P*ta. Hayaan mo akong magtanong kung ano nanaman ang kailangan mo." Sagot ni Endless Night.

"Sampung White Wolf Bristles, dalawang Mithril Pendants, isang Ice Crystal Staff." Tugon ni Ye Xiu.

"Ikaw...Ikaw na addict sa White Wolf Bristle!" Napaiyak si Endless Night. Ang kabuuan ng kanilang guild ay tumakbo sa Frost Forest at pagkatapos maghirap, ay nabayaran ang utang nilang 20 White Wolf Bristles. At ngayong gusto pa niya ng isa pang sampu. Nang nasabihan ni Endless Night ang guild leader na si Cold Night tungkol sa White Wolf Bristles, muntik nang pabaliktarin ni Cold Night ang lamesa: "Naghahanap ba siya ng gulo? Sinasadya niyang maghanap ng gulo, hindi ba? Bakit kailangan niya ng napakaraming White Wolf Bristles? Kung gusto niya ng pera, hindi ba't pare-parehas lang ang lahat ng mga materyales? White Wolf Fangs! White Wolf Fur! White Witch's Tears! Ice Remnants!! Tanungin mo kung may maipapalit siya para doon!"

Kaagad nagtanong si Endless Night at sa huli, mahinahon at napakamabait na nagsabi si Ye Xiu: "Sige, kukunin ko muna 'tong mga to bilang lagak. At pagkatapos nakakita na kayo ng sapat na White Wolf Bristles, pwede tayong magpalit, ano sa tingin mo?"

"Ano bang kailangan mo sa mga White Wolf Bristles na ito?" Napatingin si Endless Night at nakitang talagang gusto niya ang White Wolf Bristles kahit na anong mangyari. Para bang hindi niya kailangan ang mga materyales na ito para sa pera kung hindi para isang totoong hangarin.

"Para gumawa ng equipment." Sagot ni Ye Xiu.

"Bullsh*t..." Iginulong ni Endless Night ang kaniyang mga mata sa pagkainis. Ang pinakaimportanteng gamit ng mga materyales na ito'y para gumawa ng mga equipment. Kung nagtanong siya kung ano ang gagawin niya mula rito, malinaw na nagtatanong siya kung anong equipment ang kaniyang gagawin. Sila'y level 20 pa lamang. Hindi sulit na gumawa sila ng mga low-leveled equipment. Kaya kung gagawa siya ng equipment, malinaw na ito'y mga high-leveled.

Sa huli, hindi sinagot ni Ye Xiu ang tanong ni Endless Night.

Ang resulta, hindi na nagtanong si Endless Night, temporaryo niyang ibinaba ang isyu ng White Wolf Bristles. Ang Mithril Pendants ay mga laruan lamang; sila'y walang halaga. Pero ang ikatlong hinihingi ni Ye Xiu ay nagpasakit ng kanilang mga itlog.

Ang Ice Crystal Staff ay isang Level 25 Orange Equipment. Mula ulo hanggang paa, walang ganoong gamit ang Tyrannical Ambition. Ang mga Orange Equipment ay may napakababang drop rate. Sila'y tunay na mahalaga at hindi ibinibenta sa market. Kahit ang mga low-leveled na equipment na ito'y paminsan-minsang ginagamit ng mga high-leveled na manlalaro para magpasikat dahil sa hirap nilang hanapin. Kung hindi, bakit paulit-ulit na iniyuyugyog ni Endless Night ang kaniyang Orange Crystal Cross. Ang mga Orange Equipment ay para dun sa mga may katayuan.

"Wala talaga kaming Ice Crystal Staff." Sabi ni Endless Night.

"Kung ganoon mag-usap nalang tayo pag may nahanap ka na." Hindi nagmamadali si Ye Xiu. Talagang hindi siya nagmamadali. Si Lord Grim ay Level 21 pa lamang at marami pang mga opportunidad para magtatag ng bagong Frost Forest clear record. Pero nagaalala ang Tyrannical Ambition! Ang mga pangunahin nilang manlalaro ay nasa Level 25. Kapag nagpatuloy sila sa pagpopower-level, aabot sila sa Level 26. Pag nagtatag sila ng record sa level na iyan, ito'y hindi mabibilang.

"Manghingi ka ng iba pa. Hindi ba't pwedeng maglagak kami ng kahit na ano?" Sabi ni Endless Night.

"Ang Crystal Cross mo?" Tanong ni Ye Xiu.

"F*CK!!!" Napasigaw si Endless Night.

Hindi pa tapos magsalita si Ye Xiu: "Ang Level 20 Orange weapon mo ay bahagyang kulang pa. Ano sa tingin mo kung dadagdagan natin ng ilang mga hidden materials?"

Matagal na hindi nagsalita si Endless Night. Talagang nagimbita ng pahamak para sa kaniyang sarili. Sa mga sandaling ito, nagpadala siya ng mensahe kay Cold Night na ayaw na niyang makipagpamagitan pa.

Hindi maintindihan ni Cold Night ang sitwasyon. Idinagdag nalang niya si Lord Grim bilang kaibigan at nagtanong. Nang marinig niya ang tatlong katagang Ice Crystal Staff, muntik na siyang masuka ng dugo.

"Talagang wala kaming ganito." Naiyak si Cold Night. Ang tulong pa ng ekspertong ito ay isang biyaya o isang sumpa?

avataravatar
Next chapter