69 Humabol Ka Pa't Hindi Na Ako Magiging Mabait Pa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"WAH!!!" Hindi pa rin alam ni Ye Xiu kung nakuha na ba niya ang kaniyang Blood Rifle, nang biglang makarinig siya ng mga sigaw sa paligid niya. Kahit na si Chen Guo, na nakatuon ang pansin sa paglalaro ng Whack-a-Mole, ay nagulat sa mga sigaw na ito.

Maraming mga bisita ng Happy Internet Cafe ang tumayo at dumeretso sa isang direksyon. May mga ilan ring tinapos ang kanilang paglalaro at napatakbo.

"Anong nangyayari? Anong nangyayari?" Si Chen Guo ay napatalon mula sa reception desk at pumunta direksyon na iyon habang nagtatanong.

"Nakakakuha nanaman si Lord Grim nang isang first kill." Isang bisita ang masiyahang nagsabi.

"Bakit ikaw ang nasisiyahan para sa kaniya?" Walang masabi si Chen Guo at nagtanong: "Ano ang na-first kill niya?"

"Blood Gunner!!" Ang kabilang dulo ay sumagot.

Wild BOSS! Nagulantang si Chen Guo. Ang bagay na iyon ay mas mahirap pang i-first kill kaysa sa mga dungeons. Siya'y minsang nakakita ng proseso sa pangangaso ng isang wild BOSS. Bawat malalaking guild ay nakipaglaban hanggang ang hangin ay napuno ng usok. Habang inaatake nila ang BOSS, sila rin ay nakipaglamangan sa isa't-isa. Ang mga taong nanonood ay hindi makapagsabi kung nanonood ba sila ng BOSS hunting o isang guild war. Sa isang malaking pangyayaring ito, ang mga ordinaryong guilds ay walang kwalipikasyon para sumali. Ang pagsali ay isang death sentence. Lalo na sa mga manlalarong walang guilds.

Kahit na ang Blood Gunner ay isang low-leveled BOSS, ito'y isang representasyon sa grado ng isang guild at walang koneksyon kung ito ba'y isang low-leveled o high-leveled.

Sinunod ni Chen Guo ang mga taong papunta sa kompyuter ni Ye Xiu. Pero nang sila'y dumating, narinig nilang sumigaw si Ye Xiu: "Takbo takbo takbo! Bilisan niyo at takbo!!"

Sa kaniyang pagsisisigaw, para bang may mali! Makikitang may ilang mga problema sa pagkuha nila ng first kill.

Sa huli, may mga ilang manlalaro sa ikasampung server ang mayroong mga impormasyon ukol sa kasalukuyang sitwasyon na kanilang tinipon at pinagchismisan sa lahat: "Narinig kong ninakaw niya ito mula sa Three Great Guilds."

"T*ngna, ganiyan kahusay?" Ang lahat ay humanga at biglang naramdaman na ang kaniyang sigaw na "Takbo takbo takbo" ay wala lang. Ito'y hindi nakaapekto sa kanilang paghanga sa kaniyang katapangan at karunungan.

Ang lahat ay tumingin sa screen ni Ye Xiu at nakitang ang kaniyang karakter ay tumatakbo para iligtas ang kaniyang sarili. Paminsan-minsan, umiikot si Lord Grim para tumingin sa likod. Ang resulta, nakita ng lahat ang isang malaking hukbo ng mga naghahabol na mga sundalo; silang lahat ay mga manlalaro ng Three Great Guilds.

"Hindi talaga madali ang pagnakaw ng BOSS!!" Mapait na sabi ng lahat.

"May mga tao ba dito na galing sa Three Great Guilds ng ikasampung server?" May biglang nagsabi.

"Sa tingin ko'y sila'y talagang magagalit!" May mga ilang pinagtripan sila.

"Lady Boss, umalis ka't tingnan kung may nawalan ba ng malay sa harap ng kaniyang kompyuter. Tumawag ka sa 911!" Nang nakita nila si Chen Guo, may mga nagbiro.

Walang isinagot si Chen Guo. Marami rin ang natahimik. Ang mga taong iyon ay nakatutok lang sa screen na walang iniimik. Gusto nilang malaman kung makakatakas ba si Ye Xiu sa panganib o hindi. Hindi ganoon kadaling tumakas mula sa Three Great Guilds. Siya'y isang Level 20 lamang pero may atraso na siya sa Three Great Guilds. May mga taong tinitingnan siya na para bang siya'y isang tanga.

Anong mangyayari sa tanga? Iyan ang gusto nilang malaman.

Chen Guo? Masasabing siya lang ang nandito para sa kasiyahan. Nang makita niyang hinahampas ni Ye Xiu ang kaniyang keyboard para tumakbo. Siya'y bahagyang nagalala.

"Umuna na kayo. Pipigilan ko sila!" Biglang nakita ng lahat si Ye Xiu na mabilisang isinulat ito sa party channel.

"Wah, isang totoong lalaki!" Ang lahat ay humanga, mula sa screen ni Ye Xiu, nakikita nila ang lahat niyang mga kasamahan. Silang walo ay mas mabilis pa sa kaniya kung tumakbo. Wala silang ideya kung paano nangyari ang lahat na ito.

Umikot si Lord Grim at ang mga apat na manlalarong sumusunod sa kaniya'y nakarating sa harapan niya. Ang kaniyang battle lance ay humampas. Ang apat na manlalaro'y hindi naisip na babaling si Lord Grim at aatake. Wala sa kanila ang kayang ilagan ito.

Mabilis na sinundan ito ni Lord Grim ng isang mahinang talon. Bumunot siya nang espada sa hangin at humampas paibaba. Ang shock wave ng Falling Light Blade ay tumama sa apat na manlalaro.

"Ang bilis niyang gumalaw!!" May mga ilang nanonood na napasigaw. Ang Falling Light Blade ay maaaring magamit lang sa hangin. Hindi mataas ang itinalon ni Lord Grim, kaya nung ginamit ang skill na ito, para bang ito ay hindi "nahulog."

Sa apat na manlalaro, tatlo ang nahulog sa lupa. Ang isang manlalaro'y nagtagumpay sa paggamit ng Quick Recover at gumulong sa harap. Habang siya'y papatayo, gumamit siya ng Sky Strike.

Thousand Creations!

Ang taong ito'y nararapt na tawaging isang ekspertong dalubhasa. Kahit na ang Quick Recover ay matatawag na isang basic skill, ito'y hindi madaling maintindihan. Sa mga sandaling iyon, hindi masasabing hindi naisip nang tatlong manlalaro na gumamit ng Quick Recover, napakabilis lang talaga ng Falling Light Blade ni Lord Grim, o hindi kaya'y hindi nila na tayming, kaya sila'y talagang natalo.

Si Thousand Creations na lamang ang natitira. Hindi lang siya nagtagumpay na nakarekober, umatake rin siya.

Pero bago natapos ang kaniyang Sky Strike, sinipa siya ni Lord Grim sa lupa.

Interrupt Attack! Ang Interrupt ay isang uri ng priority attack. Chain hits, aerial attacks, back attacks, ang lahat ng ito'y mga priority attacks rin.

Interrupt, sa pangalan pa lang, ay itinitigil ang atake ng kalaban.

Nang sinubukang gumamit ni Thousand Creations ng Sky Strike, gumamit si Lord Grim ng Punisher para patigilin ito, na naging isang Interrupt Attack.

"Ha ha ha ha..." Nung pumutok ang baril, ang mga nanonood sa likod ni Ye Xiu ay napatawa kay Thousand Creations.

Pero yung mga may nalalaman ay hindi tumawa.

Para makagamit ng Quick Recover galing sa ganoong Falling Light Blade. Ang Thousand Creations na ito'y napakahusay. Ang Sky Strike pagkatapos ng forward roll ay ang pinakamabilis na atakeng magagawa sa ganoong sitwasyon. Pero siya'y natigil pa rin. Ang husay at galing ng Lord Grim na ito'y mas mataas.

Kapag sila'y nasa kaniyang posisyon, ano ang mangyayari? Maraming mga manlalarong nakaisip nito at hindi nakatawa.

Ang apat na manlalaro, na natalo sa isang iglap, ay mga Battle Mages. Ito'y makikita mula sa kanilang Neutral Chaser's increased movement speed na hinayaan silang maging mas mabilis pa sa kahit na sino. Kung hindi, bilang mga bagong karakter sa bagong server, wala pa silang mga equipment na may ganoong added properties, kaya ang kanilang movement speed ay magiging parehas.

Kahit na ang apat na manlalaro'y nasa lupa, hindi nagkaroon ng chansa si Lord Grim para mapatay sila. Makikita nang lahat na sa mga sandaling ito, si Lord Grim ay wala nang mana.

"Kapag nagpatuloy pa kayo sa paghahabol, hindi na ako magiging mabait pa!" Biglang yumuko si Lord Grim. Para bang sinasabi niya ito sa mga tenga ni Thousand Creations. Narinig nang lahat na sinabi ito ni Ye Xiu.

Napatawa ang mga manonood. Ito'y isang pananakot lamang! Wala na siyang mana at sinusubukan lang niyang takutin sila.

Tumayo si Lord Grim at nagpatuloy sa pagtakbo. Ang mga manonood ay nagaalala. Gusto nilang malaman kung ang mga apat na manlalaro ay hinahabol nanaman siya, Pero hindi ibinabaling ni Lord Grim ang kaniyang ulo! Alam ng lahat na nakasuot si Ye Xiu ng headphones at naririnig ang mga footsteps sa likod niya. Nung nakita nilang siya'y kalmado, nahihinuha nilang ang mga naghahabol ay natakot sa kaniyang sinabi.

Papaanong hindi sila matatakot? Si Lord Grim ay napakalakas. Ang mga naghahabol na iyo'y mas naiintindihan ito kaysa sa mga nanonood sa Internet Cafe. Madaling naitumba niya ang tatlong mga manlalaro. Ang mahusay na si Thousand Creations, na sinubukang umatake, ay naitumba rin sa lupa. Ang pagpapatuloy sa paghahabol sa kaniya'y parang tumatakbo na rin sa kanilang kamatayan. Naghintay nalamang sila sa kanilang mga kasamahan.

"Naabutan niyo ba?" Nagpadala ng mensahe si Blue River sa kanila.

Malungkot na sumagot si Thousand Creations: "Naabutan namin, pero hindi namin siya natalo."

"Kung ganoon...Umatras kayo!" Tugon ni Blue River.

Tiningnan ni Thousand Creations si Lord Grim habang siya'y papalayo. Hindi siya gumalaw. Ang tatlong iba pa na nasa parehang class ay parehas rin ang reaksyon.

avataravatar
Next chapter