83 Halos Naabot ang Limit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

13:24:21.

Para sa karamihang manlalaro, ang record na ito'y isang record lamang sa leaderboards. Pero para kay Endless Night, Plantago Seed, Blue River, na palagiang iniisip ang mga records sa leaderboard, tanging ang mga taong ito lang ang nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng mga record na ito.

13:24:21. Ito'y tanging record lang sa ikasampung server. Malinaw na ang record na ito'y nalamangan ang all-time record sa lahat ng sampung server ng Glory.

Walang mga system rewards ang record na ito. Noong una, ginawa lang nga mga manlalaro ang record para may maipagyabang. Kalaunan, opisyal na hinanay ng Glory ang mga records sa kani-kanilang mga servers. Ang pangkalahatang record ng Frost Forest ay tanging 14:31:58 lamang. Kahit na si Blue River at ang mga kasamahan niya'y hindi malinaw na naaalala ang numero, alam nilang ito'y hindi mas mababa pa sa 14.

Pero ngayon, sa ikasampung server, nalamangan ng Excellent Dynasty ang record ng isang minuto.

Hindi manlang nakapagdiwang ng isang minuto ang mga manlalaro ng Herb Garden. Ang mga manlalaro ng Tyrannical Ambition ay hindi rin makapagdiwang.

Lumampas na sa limampung minuto ang party ni Ye Xiu. Malinaw na hindi nila ito malalamangan.

"F*CK!!" Nang lumitaw ang record na ito, nagulantang ang apat na DPSers. Kahit ano pa ang gawin nila, ang kanilang mga pagsisikap ay wala nang saysay. Sila'y maingat, napakaingat sa buong proseso. Ni hindi nga nila pinahiran ang kanilang mga pinagpapawisang kamay, takot na matagalan sila nang kahit isang segundo.

Habang naiisip nilang matatalo na nila ang record ng Herb Garden, ang 13:24:21 na record na ito'y dumating na para bang kidlat sa kalangitan.

"Kaibigan, nakita mo ba ang system announcement?" Hindi mapigilang magtanong ng isang manlalaro.

"Nakita ko." Sagot ni Ye Xiu.

"Huli na tayo." Napabuntong hininga ang isa sa kanila.

"At least, tapusin na natin ang dungeon." Napatawa si Ye Xiu.

"Tumatawa ka pa, dahil naging ganito na ang lahat, wala ka ring makukuha." Sabi ng isang player, pero pinagpatuloy niya ang kaniyang atake.

"Yeah, minamalas ako." Sagot ni Ye Xiu.

"Excellent Dynasty...P*nyeta, 13 minutes, hindi ba't ito ang pinakamataas na record sa lahat ng servers?" Sa mga manlalaro, may nagaatubiling nagsabi.

"Yan nga! Walang kahit na anong record ang nasa 14 minuto." Dagdag ng isang manlalaro.

"Kung ganoon...Sobrang layo pala natin?"Sabi ng isa pang manlalaro.

"Tama, matatapos natin 'tong dungeon sa loob ng 16 minuto." Tugon ni Ye Xiu.

"Sigh..." Habang sila'y napabuntong hininga, ang Frost Thain ay natalo na, ang kanilang record sa huli ay 17:07:66. Talagang natalo nito ang nakaraang record ng Herb Garden. At matatawag na pangalawa sa buong record ng ikasampung server. Pero ang pumangalawa lang, kahit na ito'y hindi madali para sa mga maliliit na guild, ay walang kabuluhan para sa Tyrannical Ambition.

Nakikipaglaban pa si Endless Night sa loob ng dungeon at si Cold Night ay hindi pa nakabalik mula sa kaniyang paguulat sa lumang server nung lumabas si Lord Grim at ang kaniyang mga kahanay mula sa dungeon. Sa kabilang dulo, ang mga manlalaro ng Herb Garden ay nakaramdam ng paglipad sa hangin at paglagapak sa lupa.

Nagsisimula palang silang magdiwang sa kanilang bagong record, nang biglang may bagong record na tinalo sila ng apat na minuto. Para bang sinampal sila sa mukha. Pero hindi pa ito tapos, sa loob lamang ng ilang mga minuto, natalo ng party ni Lord Grim ang kanilang record.

Ang pagsisikap ng Herb Garden ay naging walang kabuluhan.

Sa mga panahong ito, si Plantago Seed ay nakatanggap ng mensahe galing kay Blue River: "Isang trahedya, talagang isang trahedya!"

"P*ta, 13 minutes!! P*nyeta papaano nila nagawa iyan. Sinong nasa Excellent Dynasty?" Hindi napansin ang pangiinis ni Blue River. Sa halip, nagtanong siya kung papanong nagawa ang record na iyon.

"Excellent Dynasty..." Hindi sumagot si Blue River sa mensahe ni Plantago Seed. Napaisip siya sa pangalang ito.

Hindi masasabing hindi niya kilala ang guild na ito. Ito'y isang guild na mas mababa pa sa Three Great Guilds, pero ang Excellent Dynasty ay isang kilalang guild. Noon, ito'y naging pinakadakilang guild. Sa mga panahong iyon, winalis ng Excellent Era Club ang Professional Alliance, at dinomina ang pro scene sa loob ng tatlong taon.

Tama, Excellent Dynasty, ang professional club na nasa likod nito'y ang nakaraang team ni Ye Xiu, ang Excellent Era Club.

Ang Professional Alliance ang pinakamataas na tugatog sa komunidad ng Glory. Bawat galaw ng isang club ay may nababakas sa Glory. Lalo na ang guild na sinosuportahan ng club. Kapag lalakas ang club, lalakas rin ang guild. Kapag nanghina ang club, manghihina rin ang guild.

Hindi masyadong maganda ang nakamit ng Excellent Era sa mga nagdaang panahon. Sa laro, ang kanilang guild ay nalamangan ng Blue Brook Guild, Tyrannical Ambition at Herb Garden. Gayunpaman, malalim ang kanilang pundasyon. Kahit na sila'y nalamangan, sila'y hindi sobrang nanghina.

Sa paglalabanan sa ikasampung server, naglalaban-laban ang Three Great Guilds at hindi ininda ang iba pang mga guilds sa paligid nito. Ngunit, sinong nakaisip na biglang aatake ang Excellent Dynasty. Noon, tinatago nila ang kanilang totoong lakas. Ang kanilang mga pangalan ay hindi nakikita sa kahit alinmang leaderboards.

Pero sa mga panahong ito, pinahanga nila ang buong mundo sa pamamagitan ng isang napakapambihirang pangyayari. Sa isang iglap, nakuha nila ang Frost Forest clear record.

13:24:21!!

Hindi lang nila nasira ang record sa ikasampung server, nalamangan rin nila ang pangkalahatang record ng Frost Forest sa loob ng isang buong minuto. Naghahanda na bang umakyat sa tugatog ang Excellent Dynasty?

Agad naisip ni Blue River ang mga nakaraang pagbabago ng Excellent Era Club. Ang beteranong kapitan na si Ye Xiu ay nagretiro at ang bagong henerasyong eksperto na si Sun Xiang ay kinuha ang Battle God One Autumn Leaf. Malinaw na plano nilang tumayo ulit.

Kung ganoon ang biglaang paglipad ng Excellent Dynasty sa laro ay konektado ba sa gawain ng Club? Ang record na ito'y maaring hindi nagawa ng mga ordinaryong manlalaro gaya nila.

"Sila'y mga dalubhasa." Sa labas ng Frost Forest, si Ye Xiu ay nakikipagusap kay Endless Night, na kakatapos lang sa kaniyang takbo, at kay Cold Night, nakakarating lang galing sa lumang server.

Si Cold Night ay parang si Blue River at tumakbo sa lumang server para ilathala ang kaniyang ulat. Sa huli, sa pagbalik niya sa ikasampung server nakarinig siyang may malaking nangyari. 13:24:21 Si Cold Night ay nagulantang rin sa numerong ito. Mabilis siyang tumakbo sa labas ng dungeon at hindi sinasadyang narinig ang opinyon ni Ye Xiu.

"Kahit hindi mo pa sabihin! Alam rin naming sila'y mga dalubhasa." Sagot ni Endless Night.

"Hindi sila mga ordinaryong eksperto. Sigurado akong ang party na ito'y may tatlong manlalaro na nasa pro level." Tugon ni Ye Xiu.

Si Cold Night at Endless Night ay nabigla. Para sa kanila, ang mga pro-players ay mga taong sa pangarap lang nila maaabot. Sa kanilang pagkabigla, nakalimutan nilang dalawa kung papaanong nasisigurado ito ni Ye Xiu.

"Ang record na ito'y halos naabot ang limit para sa Frost Forest clear record." Sabi ni Ye Xiu.

"Halos?" Narinig ni Endless Night ang katagang ito.

"Sinasabi mong, hindi pa ito ang limit?" Sabi ni Cold Night.

"Papaanong ganoon kadali maabot ang limit?" Napatawa si Ye Xiu.

"Sinasabi mong?"

"Hintay lang na makaabot ako sa Level 25 at titingnan natin! Magmadali rin kayo!" Tugon ni Ye Xiu.

"Magmadali para sa?" Ang dalawa ay nagulat.

"Magmadaling kunin ang mga items na kailangan ko! May oras na kayo para hanapin ang mga yun!" Sagot ni Ye Xiu.

"F*CK!!" Sabay na napasigaw ang dalawa. Isang pambihirang pangyayari ang nangyari pero ang lalaking ito'y iniisip pa rin ang kaniyang materyales at equipment...

avataravatar
Next chapter