88 Glory League

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagitan ni Ye Xiu at ni Tang Rou, isa sa kanila ang umalis para matulog pagkatapos mananghalian, habang ang isa'y natulog pagkatapos ang kaniyang three o'clock shift. Noong dumating ang hapunan, silang dalawa ay hindi nakita. Nagngangalit na kinain ni Chen Guo ang kaniyang hapunan kasama ang iba pang mga empleado.

Ayaw niya sanang mag-iwan ng pagkain para sa kanilang dalawa, pero pagkatapos magatubili, umiral ang kaniyang malambot na puso at nag-iwan siya ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Sa 8 o'clock ng gabi, si Ye Xiu, na nakatulog ng 8 oras, ay gumising na para bang makina. Pagkatapos manigarilyo, nagmumog siya at nanghilamos bago umalis sa kwarto at bumaba.

Madilim na naman ang Internet Cafe. Parehas sa mga panahong inanunsyo ang pagreretiro ni Ye Qiu. Nabigla si Ye Xiu at naalala niya ang nakasanayang pagbro-broadcast ng Happy Internet Cafe sa mga laro ng Glory Professional Alliance Championship. Ngayon ay ang araw ng ikadalawampung laban.

Pumunta siya sa first floor lounge at gaya ng inaasahan, ang projection curtain ay nakabukas na. Sa mga sandaling ito, nakalantad na ang e-sports channel. Ang labanan ay hindi pa nagsisimula, pero maram na ang kumuha ng magandang posisyon sa panonood. Ang iba'y naglalaro sa kanilang mga kompyuter habang naghihintay na magsimula ang laban.

Lumapit si Ye Xiu sa reception desk at tinanong ang receptionist: "Kaninong laban?"

Malinaw na ang receptionist ay walang masyadong alam tungkol sa Glory. Puro K-dramas lang ang kaniyang pinapanood. Gayunpaman, bilang miyembro ng isang Internet Cafe, alam niya ang dapat malaman: "Kay Excellent Era!"

Tumango si Ye Xiu. Talagang naiintindihan niya ito.

Kung susumahin ay may 20 na Clubs ang Glory Professional Alliance. Isa-isang naglalabanan ang bawat grupo. Ang sampung paglalabanan ay sabay-sabay na ginagawa. Dahil ang TV ay nag-iisa lang, kadalasang ipinapakita lang nila ang pinakaimportanteng labanan.

Pero sa internet, lahat ng sampung paglalabanan ay makikita at libreng pumili ang mga manonood kung ano ang gusto nilang tingnan.

Ang Happy Internet Cafe at Club Excellent Era ay nasa parehas na siyudad, kaya kadalasan sa mga taong nandirito ay sinusuportahan sila. Pangunahing ipinapakita ng Happy Internet Cafe ang labanan ng Excellent Era.

Ngayong nag-retiro na si Ye Qiu, kahit na malungkot ang mga taga-suporta, hindi nagbago ang kanilang paningin sa Club. Ang bagong naipakilalang eksperto, na si Sun Xiang, ay naging dahilan kung bakit mas nasasabik sila. Inaasahan nilang makakatayo muli ang Excellent Era.

Lahat ng mga labanan ay nagsisimula sa 8:30PM. May mga 10 minuto pa bago sila magsimula. Pagkatapos alagaan ni Chen Guo ang mga bisita, lumapit siya sa reception desk at nakita si Ye Xiu.

"Boss." Kaagad nangumusta si Ye Xiu.

"Nag-iwan ako ng pagkain para sayo." Sagot ni Chen Guo.

"Salamat." Umalis si Ye Xiu para kumuha ng pagkain.

"Pinapalabas mo ang mga laban ng Excellent Era?" Nakipagusap si Ye Xiu kay Chen Guo habang kumakain.

"Yeah." Itinango ni Chen Guo ang kaniyang ulo.

"Sino ang kalaban nila?" Nagtanong si Ye Xiu.

"301." Tugon ni Chen Guo.

"Oh." Tumango si Ye Xiu. Malinaw na may mas nalalaman pa siya kaysa kay Chen Guo tungkol sa mga pro teams. Ang 301 ang pinaikling tawag sa Team 301 Degrees, isang grupo mula sa Club 301 Degrees. Sila'y matagal at matanda na sa Glory. Kahit na ang team nila'y walang malakas na account kagaya ng Battle God One Autumn Leaf, ang anim na main account ay may pantay-pantay na lakas.

Sa anim na accounts na kontrolado ni Team Captain Yang Cong, ang Assassin Scene Killer na mayroong Silver Dual Swords: Chaotic Winding Shadow Swords, ay isa sa mga nakakainis kalabanin.

Sa unang kalahati ng League, ang Excellent Era ay bugbog-sarado. Pero nang dumating ang bagong eksperto, malinaw na ipinapakita nila ang intensyong makabangon. Ito ang kauna-unahang laban ni Sun Xiang simula noong pumasok siya sa team, pero lahat ng mga TV Channels ay piniling ipakita ang kaniyang laban.

Sa 8:30 eksaktong nagsimula ang labanan. Natapos na ni Ye Xiu ang kaniyang hapunan. Nagsimulang uminit ang hangin sa loob ng Internet Cafe. Ang lahat ay pinaguusapan ang kanilang opinyon sa paparating na labanan. Napatingin si Ye Xiu kay Chen Guo, na isa sa mga pinakanasasabik. Siya'y karapat-dapat na tawaging isa sa mga tapat na taga-suporta ng Glory.

Ang ikadalawampung labanan ng Season 8 Glory Professional Alliance Championship, 301 Degrees vs Excellent Era!

Ang title ay bumungad sa broadcast. Ang commentator ay ginising ang mga nanonood sa pamamagitan ng kaniyang pagsisisigaw na para bamg hinahabol siya ng multo, habang ipinapakilala ang honoraryong bisita nila ngayong araw: Li Yibo.

So si Li Yibo pala...Hindi na kailangan pa nang pakilala ni Ye Xiu. Kaunting mga tao lang ang hindi niya kilala sa pro-scene. Si Li Yibo ay isang pro-player na nagretiro, apat na taon na ang nakakaraan.

Ang kaniyang lakas sa professional circle ay matatawag na top-tier at siya'y napakagaling sa networking. Noong siya'y isa pang pro-player, nakatatag siya ng mabuting relasyon sa media. Pagkatapos mag-retiro, kaagad siyang naging honoraryong bisita bilang isang commentator.

Apat na taon na niya itong ginagawa.

Sa mga sandaling ito, ang desenteng nakadamit na si Li Yibo, ay kaswal na nakikipagusap sa harap ng camera at nagbigay ng kaniyang mga opinyon tungkol sa dalawang teams. Ang mga nakaraang pagbabago sa Excellent Era ay hindi maiiwasan, lalo na ang pagreretiro ni Ye Qiu.

Taimtim niyang inalala ang mga nagdaang araw na kasama niya si Ye Qiu. Nang marinig ito ni Ye Xiu, siya'y nagulantang: "T*anginang 'to, sampung kataga lang ang sinabi natin sa isa't isa noon. Sige, magsinungaling ka pa! Magsinungaling ka pa!"

Kalmado at walang problema, mabilis na nakagawa ng storya si Li Yibo. Sa isang tingin lang, malinaw na ito'y galing sa isang iskrip na kaniyang hinanda. Mamaya-maya, nagsimula na ang opisyal na labanan.

301 Degrees vs Excellent Era. Individual match: Round 1. Player Introduction.

301 Degrees, Player: Gao Jie. Character: Stellar Sword.

Napuno nang mga hiyawan ang Internet Cafe. Para sa mga tapat na taga-suporta, ang kahit na anong kalaban ng kanilang sinusuportahan ay kalaban nila. Kapag ang kalaban ay lubusang natalo, iyon ay talagang masarap sa pakiramdam.

Next up Excellent Era, Player: Su Mucheng. Character: Dancing Rain.

"OH OH OH OH, SU MUCHENG!!!!!"

Hindi pa naiintindihan ni Ye Xiu ang nangyayari nang biglang dumating ang isang alon ng mga sigaw at hiyawan. Muntik na siyang mahulog sa kaniyang upuan. Lalo na ang mga pagsisisigaw ni Chen Guo na nasa gilid niya. Talagang hindi niya ito makakalimutan.

"Anong napakalakas na reaksyon, ha..." Napatawa si Ye Xiu. Tunay na wala siyang agam-agam tungkol sa kasikatan ni Su Mucheng, pero ang eksenang ito'y talagang nakakatakot.

"Syempre!! Siya ang number one female expert!" Mayabang na sabi ni Chen Guo. Siya ang kaniyang number one idol.

"Number one female expert? Sinong nagsabi niyan?" Sagot ni Ye Xiu.

"Iyan ang sinasabi ng lahat." Tugon ni Chen Guo.

"Hype lang naman yun!" Sagot ni Ye Xiu.

"Kung hindi siya, sino pa ba?" Nagtanong si Chen Guo.

"Kung tungkol sa husay at galing ang sinasabi mo, ang pinakamalakas na female expert ay si Chu Yunxiu." Tugon ni Ye Xiu.

"Chu Yunxiu ng Team Misty Rain?" Nagtanong nanaman si Chen Guo.

"Yup."

Sandaling napaisip si Chen Guo, pero nang nagsimula na ang labanan, nawala na ito sa kaniyang isip at isa nanamang "OH OH OH, SU MUCHENG" ang lumabas sa kaniyang bibig, nagsisisigaw siya na para bang naririnig siya ni Su Mucheng.

Ito ang tunay na fangirl! Napasigaw si Ye Xiu sa pagkabigla. Hindi kaya susunugin ni Chen Guo ang buong Internet Cafe para magdiwang pagtinawag niya si Su Mucheng dito para maglaro?

avataravatar
Next chapter