79 Changing Spring

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang paghuli sa Goblin Merchant ay nagsimula sa pananabik, pero nagwakas ng payapa. Kapag sumuko na ang Blue Brook Guild at Herb garden, ang ibang guild na may skill ay nakuha ang pahiwatig at nagpasyang wag ng magaksaya ng ano man oras. Napunta naman sila sa pagsuporta sa pagsuporta sa output damage ng Tyranical Ambition. Sa wakas, ng maanunsyong ang Tyrannical Ambition ang first killers ng Goblin Merchant, ang Blue Brook at Herb Garden ay napaka tahimik.

Para banggit builang guild, ibigsabihin nito na ang myembro ng First kill hindi kasama ang members sa labas n guild. Ngunit si Lord Grim ay kaaalis lang ng Blue Brook Guild at ang limang araw ay hindi pa lumilipas. Natural na hindi siya kasama sa Tyrannical Ambition. Malinaw na noong bumagsak ang boss, umalis siya sa party at natural na hindi lalabas sa leader boards, napanatiling malinis ang Tyrannical Ambition.

Kinasusuklaman ni Blue River ang pu tong ito dahil naiintindihan niyang Mabuti na ang kontribusyon ni Lord Grim sa Tyrannical Ambition sa pagpatay sa Goblin Merchant ay napaka laki. Naniniwala si Blue River na ang paggamit ng OT control sa move path ng boss ay hindi posible maisip ng sariling players ng Tyrannical Ambition. Ito ay dahil hindi posible sa kanilang Blue Brook Guild ang makaisip ng ganitong plano. At walang duda, ang parehas na level na Tyrannical Ambition ay talagang hindi rin makakaya. Kumpletong umasa sila sa pangunguna ni Lord Grim.

Naniniwala talaga si Blue River na ang lakas ni Lord Grim ay talaga namang iba sa level nila. Siya ay isang napaka galing na eksperto na nalalampasan ang normal na player na katulad nila. Sa ganung lakas, paanong hindi siya kilala? Sinong eksperto ang gumawa ng ganitong low-level account? Halata namang hindi nilagay ni Blue River si Lord Grim sa bagong player. Itong klase ng matapang na pamumuno ay ibig sabihin na may malaking kaalaman siya sa laro. Hindi posible sa kanyang maging bagong manlalaro.

"Kapatid" binuksan ni Blue River ang kanyang friends list at kalmadong nagpadala ng mensahe kay Lord Grim:

"Sa tingin mo gaano katagal bago ka makarating ng Level 23?"

"Lahat ay nagaalala masyado sa ganiyong bagay!" sagot ni Ye Xiu

Hindi na nagulat si Blue River. Ang rason kung bakit may pake sila ng sobra sa problemang ito ay simple. Sa Level 23, pwede siyang pumasok ng Boneyard dungeon. Lahat ay nagiintay sa kanya para magLevel up at imbitahan siya para magtala ng bagong record! Ngayon, ang Tyrannical Ambition ang nakakuha ng Goblin Merchant at nakatikim ng tamis ng tagumpay. Kinilala na rin nila ang halaga ng magaling na ekspertong ito.

"Hindi ko rin alam. Patuloy na maglaro at makikita natin!" sagot ni Ye Xiu

"Kailangan maganong ka saamin para sa Boneyard Dungeon!" sabi ni Blue river

"Paguusapan natin iyan sa susunod!" hindi sinagot ni YE Xiu ito

Desperado si Blue River. Napagtanto na niya na ang great guilds na ito ay magaaway ng matindi para kay Lord Grim na makaBreak at mapanatili ang record sa tenth server. Dahil nakita na nya ang pakakalmado ni Lord Grim at ang kaalaman nito sa sarili niya, takot siya maging mahal na mercenary si Lord Grim. Wala siya masyadong bilib sa kanyang kompyansang makontrol ang sitwasyon!

Patuloy na nagiisip si Blue River at panandaliang naglog out sa game. Nagpasok siya ng ibang card para mag log in bilang ang high-level na Blue Bridge Spring Snow.

Sa oras na ito, sa Heaven ly Domain, lahat ng players ay abala sa kung ano man at masiglang inuulit ang kanilang dungeon entries. Pero kapag ang Blue Bridge Spring Snow ay nagonline, nakakakuha pa rin siya ng maraming atensyon sa guild. Ito ang isa sa five great experts ng guild. At isa pa, hindi ba dapat nasa tenth server siya? Bakit siya biglang tumakbo rito? Ang unang nagpadala ng mensahe kay Blue river ay ang leader ng Blue Brook Guild: Changing Spring

Ang mensahe ay napakasimple,????, apat na malaking question marks.

"Abala?" tanong ni Blue River

"dungeon" ibigsabihin na sa dungeon siya ngayon

"Magusap tayo pagkatapos mong lumabas" sabi ni Blue River

"Agad?"

"Hindi naman sa agad, pero kailangan kitang makausap."

"Sandali lang."

Ang mga mensahe ni Changing Spring ay laging maikli, pero tiyak hindi ito dahil sa kakaunti lang ang kailangan niyang sabihin, talagang tamad lang siyang I-type ito. Ang hand speed ng lalaking ito ay napakabangis. Nawiwili din siya dito. Sinasadya niyang gumamit ng kauntingn walang kwentang galaw para mapataas ang kanyang hand-speed at hindi rin niya gustong magaksaya ng galaw sa pagchat.

Ang pinaka sikat niyang saglit ay noong may isang nagalit kay Changing Spring sa world channel. Sa huli, malinaw na nakaonline si Changing Spring pero hindi siya sumagot. Para sa isang great guild Leader na katulad niya, ang ganitong aksyon ay hindi tama. Kahit na tamad siyang makipagalitan sa tao, guild leader pa rin siya. Ang magalit ang isang tao sa kanya sa world channel ay parang kawalan ng dignidad ng buong guild! Ang mga guild members ay hinanap siya para sumagot, pero sabi ni Changing Spring sumagot na siya. Ang lahat ay nalungkot! Kalaunan, ng buksan nila ang world channel at tinignang Mabuti, hindi nila akalaing makita ito.

Sa kumpol ng mensahe sa world channel, sumagot lang si Changing Spring ng sumatotal na tatlong letra: GFY

(TL: GFY = Go F*ck Yourself)

Ang buong guild ay lumuhod at yumukod ng pataas at pababa sa pagsamba! Simula noon ang 'GFY' ay naging hindi mapapantayang sagot ng Blue Brook Guild sa ibang taong galit sa kanila. At patuloy nila itong ginagamit magpasahanggang ngayon.

Sanay na si Blue River sa Old Spring's Style. Hindi na siya nagsalita ng kahit ano at nagintay. Matapos ang sampung minutong nakakalipas, nagpadala ng mensahe si changing Spring: "Saan"

"Mount Brook City"

Ang Moon Brook City ay isa sa pinaka malaking lungsod sa Heavenly Domain. Dahil sa pangalang 'Brook' sito, ang Blue Brook Guild ang nakaistasyon dito.

Makalipas ang ilang sandal, nagmadali si Changing Spring balik. Ang dalawang players ay nagkita. Hindi nagiwan ng kahit na ano si Changing Spring: "Maynangyari ba?"

"May magaling na eksperto ang nagpakita sa tenth server" sabi ni Blue River

"Gaano kagaling?" nagulat naman si Changing Spring. Hindi makapagintay si Blue River so Blue River na tumakbo balik at magreport sa kanya dahil lang sa ekspertong ito?

"Hindi ko masabi kung gaano siya kagaling." Sabi ni Blue River

"Anong Class?"

"Hindi pa rin siya nagpapalit ng Class." Sabi ni Blue River

"Hindi nagpalit ng Class?"

"Yeah naaral niya ang skill ng maraming iba't ibang class. Na para bang naglalaro siya ng unspecialized" sabi ni Blue River.

Tumawa si Changing Spring: "Kung unspecialized siya, malamang sa una niyang mga levels malakas. Ang kalakasan niya ay ang bilang ng skills niya ay napakabantog. Pero kalaunan, walang damage mula sa mid hanggang high level skills, hindi siya makakasabay. Kailangan din niya ng madaming weapons.ang bigay ng weight ay may dagok sa kanyang speed. Ang isa pa, pag naging Level 50 na siya wala ng pagasang maglaro pa. Sino pang naglalaro ng unspecialized?"

"Naisip ko rin ito noong una siyang makita. Pero ang lakas ng lalaking ito ay hindi doon. Inaamin ko na ang skill niya ay lamang sa mga naunang levels. Pero sa playing speed ng lalaking ito hanggang sa theory crafting hanggang sa leading coordination,lahat ay malakas." Sabi ni Blue River

"Ang paglalaro sa unspecialized sa ganitong panahon at edad. Natural ang lalaking ito ay may agking kaalaman sa laro pero.." sinabi ni Changing Spring ito at naramdamang ang ganitong dahilan ay masyadong malayo. Ang taong may angking kaalaman sa laro ay hindi mapapakilos ng ganito si Blue River.

"Sa ngayon, sa tenth server, siya ang nakakuha ng tatlong first kills ng beginner village. Dahil sa partisipasyon nito sa Frost Forest dungeon, ang party naming ang nakakuha ng bagong record. Dahil sa kanyang partisipasyon sa Goblin Merchant hunt, ang first kill ay nakuha ng Tyrannical Ambition. Ang Bloood Gunner first kill… nagdala siya ng ibang players at ninakaw ito sa ilaling ng mga mata ng three great guilds." Naramdaman ni Blue River na ang mga nagawa na ito ay sapat na para kumbinsihin siya.

"Naglaro siya kasama tayo? At tinulungan din ang Tyrannical Ambition? At ninakaw ang Blood Gunner palayo mula sa ilalim ng tingin ng Three Great Guilds? Saang banda siya galing?" hindi maintindihan ni Changing Spring.

"Hindi siya sa kahit na anong partida. Sinubukan ko siyang hilain, pero hindi siya interesado. Sa nakikita ko, ang lalaking ito ay gustong mabayaran ng ganito. Itataas niya ang presyo ng napakataas at kikita ng malaki." Sabi ni Blue River

"Itong lalaking ito…ay nakakapagtaka. Anong pangalan niya?"

"Lord Grim"

"Lord Grim? May eksperto bang may ganitong pangalan sa server?" Tila di maintindihan ni Changing Spring ang pangyayari.

avataravatar
Next chapter