67 Bilisan Pa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kuyang mahusay, ikaw ay masyadong matapat." Masayang sumama si Seven Fields at ang kaniyang mga kasamahan.

"Kayo'y mga matatapang rin." Napatawa si Ye Xiu. Sinabi na niya sa kanila ang kasalukuyang sitwasyon. Ito'y parang paghihila nang ngipin mula sa bibig ng isang tigre. Hindi siya masyadong sigurado kung hahayaan nalang ng three great guilds ang pangyayaring ito. Pero sa huli, hindi ito ininda ng tatlo at nagmamadaling pumunta. Kahit ang batang si Immersed Jade ay dumating. Kahit na posibleng ang noob na babaeng ito'y hindi naiintindihan ang sitwasyon at sumama lang sa aksyon.

"Ano ang mayroon na dapat katakutan." Sumigaw si Sleeping Moon habang masayahing humahampas. Hindi siya naglaro kahapon, kaya ang level ay bahagya naiwan. Pero pagkatapos nag-ensayo ng isang araw, nakarating siya sa Level 21.

"Itong mga taong 'to ang iyong tinawag?" Ang noob Brawler at ang mga kasamahan niya'y naguguluhang nakatayo sa gilid.

"Yup!" Sagot ni Ye Xiu.

"Kailan?" Nagtanong ang noob Brawler.

"Nung pumunta ako at sumama sa party mo." Sabi ni Ye Xiu.

"Pinlano mo na ang lahat sa mga panahong iyon?" Ang tatlo'y natahimik, ano't napakabihirang pag-iisip!

Tumawa si Ye Xiu pero wala nang sinabi pa. Nagsimula siyang magbigay ng utos sa bawat isa sa kanila tungkol sa kanilang posisyon at timing sa skill. Idinagdag pa niya at sinabihan kung kailan nila dapat gamitin ang kanilang mga potions.

Ang mga potions ay may cooldown. Anong mas magandang paraan para uminom ng potions para mapanatili ang iyong lakas sa labanan? Iyon ay isa ring uri ng kaalaman.

Ngayon, makikitang siyam katao ang sama-samang nakikipaglaban sa halimaw. Sa totoo lang, ang ibang walong manlalaro ay mga puppets. Sila'y talagang gumagalaw batay sa mga utos ni Ye Xiu. Bahagyang magulo sila sa simula. Sa kadahilanang, si Ye Xiu ay may isang bibig lamang at hindi kayang pagsabay-sabayin ang mga utos para sa walong tao. Pero pagkatapos lumaban, si Seven Fields at ang mga iba pa, na hindi matatawag na isang eksperto, ay mga beterano pa ring may alam kung ano ang dapat gawin. Ang noob Brawler ay disenteng ginawa ang kaniyang tungkulin.

Maingat na tiningnan ni Ye Xiu ang damage output ng bawat player. Kinalkyula niyang hindi nila mapapatay ang Blood Gunner bago matapos ang Three Great Guilds sa pag-ubos sa Undead Legion. Siya'y agad na nakarating sa isang konklusyon: Hindi gagana ang pakikipaglaban dito.

Ang resulta, inayos niya ang kaniyang mga plano at lumayo. Ang Blood Gunner ay para bang tupa. Ito'y hinahampas sa kabilang dulo at pinapaalis sa kabila. Habang ito'y gumagalaw, mas dumadami ang dugong tumutulo mula sa katawan nito. Siya'y tunay na kahabag-habag.

Sa mga sandaling ito, malinaw na hindi gagawa nang isa pang 200 Combo si Ye Xiu at maghahanap ng karagdagang kaguluhan. Pero walang magagawa para maiwasan ang Enrage nito kapag umabot sa 10% ang kaniyang life. Syempre, para kay Ye Xiu, iyon ay hindi problema.

Ang life ng Blood Gunner ay mabilis na bumagsak. Nahihinuha ni Ye Xiu ang tinatayang oras ng dalawang grupo. Malapit na matapos ang Three Great Guilds sa kanilang gawain, pero ang life ng Blood Gunner ay nasa 20% pa rin. Kahit na lumayo sila habang nilalabanan ito, hindi pa rin sapat ang natitirang oras.

Ibinaling ni Ye Xiu ang kaniyang camera angle at tumingin sa direksyon na kanilang pinanggalingan. Hindi ganoon kalaki ang Boneyard. Habang tumitingin sa malayo, makikitang maraming manlalaro na ang nagsimulang tumakbo papunta sa kanila. Siguradong tapos na ang Three Great Guilds sa kanilang trabaho.

Sa kanilang dulo, nasa pinakamataas na ang damage output dahil sa mga utos ni Ye Xiu maliban nalang kung bigyan sila ng matataas na kalibre na mga equipment. Malinaw na hindi iyon posible. O baka pwede...

"Kuyang mahusay, papunta na sila dito." Biglang sabi ni Seven Fields. Malinaw na napansin din niya na wala na silang masyadong oras.

"Sige, bilisan pa natin." Sagot ni Ye Xiu. Dahil nakatungtong na sila dito, walang nang iba pang paraan kung hindi lumaban.

"Paano?" Ang walong manlalaro'y nagtanong.

"Bilisan niyo ang inyong mga kamay. Mag-concentrate kayong lahat. " Tugon ni Ye Xiu.

Sa mga sandaling ito, ang tanging paraan lamang ay bilisan ang kanilang mga kamay.

Kung si Ye Xiu lang ay walang mga problema. Para masabayan ang lahat, sinadya niyang hinaan ang kaniyang mga kamay. Pero ngayon, sa natitirang oras nila para pataying ang Blood Gunner, ang tempo ng buong party ay bumilis. May mga ilang noobs sa party, na nag pahirap sa mga bagay. Pero sa kasalukuyan, wala nang ibang paraan.

Ang bilis ng kamay ay hindi itataas ang attack speed ng karakter. Ang attack speed ng karakter ay nakadepende sa class at equipment. Ito'y isang numerong hindi nagbabago. Pero sa bilis ng kamay, mabibilisan nila ang kanilang mechanical speed. Kapag mas mabilis ang mechanical skill, mas mabilis magamit ang mga skills. Ang sidestep, rolls, attacks, skills, etc ng karakter. Bawat galaw ay mas mabilis na maidudugtong.

Sa sandaling ito, ginusto ni Ye Xiu na bumilis ang mechanical hand speed ng buong party; ito'y isang effective hand speed.

Sabihin na nating may dalawang punto sa screen, A at B. Ang kinakailangan ay magalaw ang cursor mula A hanggang B. Ang mga Pro-players, gamit ang pinakamabilis na hand speed, sa buong proseso, ay maaring magalaw ang cursor mula A hanggang B at eksaktong tumigil sa B.

Pero ang mga ordinaryong manlalaro, para eksaktong tumigil sa point B, kinakailangan nilang hinaan ang kanilang hand speed, at ibinababa ang movement speed ng kanilang cursor. Kapag pinwersa nilang bilisan, maaring hindi nila matamaan ang point B o hindi kaya'y sumobra. Sa maikling salita, hindi nila nakukuha ang pinakamainam na resulta.

Pero sa mga panahong ito, masyadong abala si Ye Xiu para mag-alala para dito.

Sa kabutihang-palad, hindi nila kailangan masyadong bilisan. Imposibleng biglang makarating ang lahat sa professional level hand speed.

Tinasa ni Ye Xiu ang sitwasyon. Ang pagpapataas sa kanilang kasalukuyang tempo ng 20% ay masasabing tama na. Ayon sa kaniyang obserbasyon, sa kanilang kasalukuyang tempo, may mga ilang tao pang may ekstrang enerhiya. Halimbawa, hindi dapat problema para kay Seven Fields at Sleeping Moon na taasan ang kanilang tempo ng 20%. Si Sunset Clouds at Drifting Water ay nasa normal na level. Pagkatapos taasan ang kanilang tempo, nakadepende sa kanilang konsenstrasyon kung mapapanatili ba nila ang kanilang bilis o hindi. Para naman sa apat na noobs, talagang wala nang pag-asa si Ye Xiu para kay Immersed Jade. Ang babaeng ito'y naghihirap, palagiang nakakagawa ng pagkakamali. Bahagyang nagulat si Ye Xiu sa noob Brawler. Kahit na siya ang pinakabobo sa kanilang lahat, ang bilis nang kaniyang kamay ay hindi masama. Kapag inutusan niya ito, mabilis niya itong nagagawa nang walang pagkakamali. Ang natitirang dalawa ay mas mabuti kaysa kay Immersed Jade, pero hindi ganoon kabuti kay noob Brawler

Fight!!!!

"Bibilisan ko pa!" Sumigaw si Ye Xiu. Bumilis ang kaniyang kamay. Sa pagbilis niya'y sumabay rin ang iba at bumilis din. Tulad ng inaasahan niya, si Seven Fields at Sleeping Moon ay madaling nakasabay sa kaniya. Ito'y hindi rin naging problema para kay Sunset Clouds. Pero si Drifting Water ay bahagyang natagalan. Si Immsersed Jade ay napa "Oh no". Pero nasorpresa ni noob Brawler si Ye Xiu. Ang kaniyang mga atake ay kasing eksakto kay Seven Fields at Sleeping Moons. Sa huli, ang natitirang dalawa ay naguluhan. Ang kanilang mga atake ay hindi tumatama.

"Wag mag-panic! Concentrate!" Tumingin si Ye Xiu sa palagid. Bukod kay Immersed Jade, na wala na talagang pag-asa, si Drifting Water at ang mga natitirang dalawa ay may pag-asa pang makahabol.

"Hindi maganda!" Nagkagulo ang mga kamay ni Immersed Jade, hindi tumatama ang kaniyang mga atake.

"Immersed Jade play on your own pace. Gamitin mo lang ang mga skills mo kapag sila'y off cooldown at magiging okay ang lahat." Hindi naging sapat si Immersed Jade. Pinili rin niya ang Assassin class, na kinakailangan ng mataas na operating speed. Ang mga mababagal na Assassins. Pinakaminamahal sa PK. Sa Glory, ang mga katagang iyon ay nagsasabi na ang mga Assassins na walang hand speed ay mga totoong trahedya. Sila'y madaling gulpihin sa PK.

Ganong klaseng trahedya si Immersed Jade. Agad-agad siyang isinuko ni Ye Xiu.

Lubos na nasisiyahan si Ye Xiu sa natitirang pito. Nakahabol na si Drifting Water habang ang natitirang dalawa ay hindi na gulong-gulo nung una silang nagsimula. Kahit na may mga ilang pagkakamali silang nagagawa, nagagawa pa silang saklolohan ni Ye Xiu. Itinaas lang nila ang kanilang hand speed ng 20%, pero si Ye Xiu ay sumambulat ng 200% na bilis. Kung si Chen Guo ay nasa likod ni Ye Xiu, talagang siya'y magugulat at kakainin ang kaniyang sasabihin.

"Bilis! Bilis! Bilis!" Sumisigaw si Seven Fields habang paulit-ulit na binibigkas ang mga katagang ito. Ang kaniyang pagsisisigaw habang binibilisan ang kaniyang mga kamay ay nagbigay ng pagganyak sa iba. Subalit, sa mga sandaling ito, napakababa ng kaniyang idinagdag na bilis, kaya nasasabayan ito ng mga iba. Si Ye Xiu lamang ang nakakakita sa mga nangyayari. Talagang ito'y isang napakagandang sorpresa at mas lalong nasisigurado na niya ang kahahantungan.

"Malapit na siya sa Red Blood!!" Biglang sigaw ni Seven Fields.

avataravatar
Next chapter