webnovel

BIDA ANG KA TANDEM KO, SI HOLY SPIRIT

....and he will let you know what is going to happen. John 16:13 (Contemporary English version)

Taong 1986.kasagsagan ng people power ,panahon ni Marcos ay kainitan ng aking pananampalataya. Labing pitong taong gulang lang ako ng mga panahong ito at ilang buwan palang akong nakakakilala sa Diyos .

Sa aking kinaaanibang lokal church na JIL ako nagsimula sa tulong at pagtuturo ng aking mentor na si Ptr William, Ptr Wilson na umuwi na kay Lord at kay Ptr Greg na nakasama ko rin kahit hindi matagal na panahon pero sila ay nagkatulong tulong upang ako ay lumago sa pananampalataya.

Dahil ako ay masigasig sa pagdalo at mainit sa pananampalataya ay isa ako sa kabataan na binigyan nila ng assignment na humayo at magturo sa isang bible study sa lugar ng Cataning, Balanga City.

Binigyan nila ako ng pangalan ng isang pamilya bilang coordinator sa lugar subalit nang aking puntahan at bisitahin ang kanilang lugar ay nanlumo ako dahil mismong sa tahanan nila ay may sugalan at naghahalo sila ng baraha.Nang matanaw ko ito sa may di kalayuan ay hindi na ako tumuloy sa halip ako ay nasa ilalim ng isang poste at nananalangin.

Sinabi ko sa Holy Spirit na bigyan niya ako ng bagong coordinator at ako ay pinalakad ng Holy Spirit pa diretso sa bandang dulo hanggang malayo layo na rin ang aking narating sa oras na alas 2 :00 ng hapon ay nakarating ako sa may tulay. Napansin kong papasok na sa parang liblib na lugar iyon at sinabi ko sa Holy Spirit na saan ba ako pupunta sa lugar na iyon? Sinabi niya sa akin na pagbaba ng tulay sa gawing kanan, iyong unang bahay na naroon ay huminto ako at makiinom ng tubig. Ganon nga aking ginawa. nakiinom ako pero habang nakikiinom ako ay nakita ko ang kanilang Nanay na hinahagod sa likuran ng kanyang asawa. dahil sa hirap niyang huminga. Ako ay nagpasalamat sa kanila at sinabi ko na gusto kong ipanalangin ang kanilang ina. Pumayag sila at nagsimula akong magbahagi ng kaligtasan at matapos tumanggap ay ipinanalangin ko ang kagalingan ng kanilang ina. Sa oras na iyon ay agad naramdaman ang Holy Spirit, sa kanyang pagkilos at agad agad gumaling ang babae at sinabi niya na maayos na ang kanyang paghinga. Namangha si Tatay at sa tuwa niya ay lumabas siya at ipinamalita ang nangyari sa mga kaanak at kapitbahay habang ako naman ay masayang nakikipag usap sa nanay at manugang niya.Maya maya pa ay biglang napuno ang kanilang tahanan ng mga tao.

Pinili ng Holy Spirit ang lugar na iyon dahil ang style ng bahay nila ay parang church. Maluwang ang lugar at may mga bangkong mahahaba sa gilid kung kaya't nang pumasok ang mga tao ay nanga upo sila at tila ba may hinihintay.

Sa pagkakataong iyon ay aking napagtanto na marami sa kanila ang maysakit. Dahil ako ay may ka tandem siyempre nangaral na ako at ibinalita ang kaligtasan sa kanila, kasunod ang pagpapatong ng kamay sa may mga sakit. Duon ko nakita ang bukol na pumutok at umimpis matapos ipanalangin, may mata na na sobrang maulap daw ang paningin ng isang matanda subalit matapos siyang ipanalangin ay sinabi niyang may mga kaliskis na nalaglag sa kanyang mga mata at pagdaka'y luminaw ang kanyang paningin. Maraming pinagaling na mga nilalagnat ng oras na iyon, hindi nga matapos tapos ang pasasalamat sa Diyos dahil sa kanyang mga himala.

Ito ang pasimula ng isang bible study sa lugar at matapos ang ilang pag aaral ay halos punong puno ang buong bahay sa dami ng taong sabik makinig sa salita ng Diyos.

Namangha ang aking Ptr William at Ptr Wilson dahil nang sila ay magturo sa lugar ay nakita nila ang mga uhaw na kaluluwa naghahangad na maligtas sa apoy ng impyerno.

Anupa't sa lugar na iyon ng Ugong, Cataning ay may mga naging matatag sa pananampalataya.

Karagdagang pananalita:

Hindi ka nag iisa, laging nariyan ang Banal na Espiritu sa iyo kasa kasama mo.Bigyan mo ng halaga ang kanyang presensya at siguradong magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga hakbang.

The Spirit shows what is true and will come, and guide you into the full truth. The Spirit doesn't speak on his own. He will tell you only what he has heard from Me and He will let you know what is going to happen.

John 16:13 (CEV)