webnovel

Chapter 2

Isabelle's POV....

Apat na gabi na kaming mag jowa ni X, nagluluto ako ngayon ng pagkain namin ng bumungad si Minerva sa kusina,

" Isay ihiwalay mo ang pagkain ni Tatay at baka mahawa kami! " Sabi niya, nalungkot ako ng sobra, nung may trabaho si tiyong hindi ganito ang turing nila, tumango nalang ako, siya namang dating ni Tiya Maring

" Ayy naku Isay naku pasalamat kat sayo nagka gusto si Alibaba! Naku pag pumayag ka daw ay bibigyan niya kami ng pampuhunan at bayad na din ang utang ko sa kanya! Naku ang swerte mo Isay halika ngat maupo ka dito " Sabi ni Tiya Maring habang hila hila ako, nagsitakbuhan sila Minerva kung nasan kami ni Tiya Maring, si Alibaba ay ang matandang bumbay na pinaguutangan ni Tiya Maring, mayaman ito at madaming asawa palibhasa'y maraming pera kayat lahat ng matipuhan ay inaasawa, madalas ko din itong mahuling nakatingin sa pwet ko na akala mo'y kakainin.

" Naku patusin mo na un! Parehas naman kayong hindi naliligo! " Segunda ni Maricel, kung sana tinitirhan ako ng pampaligong ako din ang nagigib, napairap ako

" Naku kayo ngang mag-iina tigilan nyo ang pamangkin ko! " Sabat ni Tiyo Miguel, nagdadabog na tumayo si Tiya Maring

" Kung ikaw ba naman kasi may silbi ede maganda? Naku kung bakit kasi sa dami ng manliligaw ko eii ikaw pa ang sinagot ko! Wala ka na ngang kwenta wala ka pang silbi! " Pahabol nito at naglakad palabas, habang pinapaypayan ang mukha gamit ang dala niyang pamaypay, napabuntong hininga si Tiyong Miguel at tumingin sakin malungkot siyang ngumiti

" Okey lang yan Tiyong! Idol na idol padin kita " Sabi ko at ngumiti, niyakap ko si Tiyong

" Buti malang Isay andito ka! Buti pa ikaw pero ung mga sarili kong anak " Napabuntong hininga ulit siya, tinapik ko siya sa balikat

" Tiyong alam mo kasi masama lang mga loob ng mga yun kasi tayo lang ang mag kamukha " Natawa si Tiyo Miguel at ginulo ang buhok ko

________

Alas dyes ng gabi, bumaba ako para tignan kung anu ang tinatahulan ng mga aso, pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang isang pigura ng tao bagamat madilim ay kilalang kilala ko ito,

" X! Anung ginagawa mo dito? " Tanong ko gusot ang t-shirt nito at bahagyang nakabukas ang zipper niya, ng mas lumapit akoy iba ang amoy niya!

" Gusto lang kitang makita Isay! Parang mamamatay ako ngayon kapag hindi kita nakita " Sagot niya, malungkot ang boses niya at halatang may problema.

" Bakit may problema kaba?? " Tanong ko pero hindi siya sumagot

" Sorry Isay sorry mahal na mahal kita " Sabi niya, nangunot ang noo ko! Tatanungin ko na sana siya ng makita ko ang kulay pulang marka sa may bandang leeg niya, tinulak ko siya at sinampal

" H@yop ka sino nanaman yang puk|Ng*n@ng yan! Sino nanaman yang pokpok na yan! Si Marife nanaman ba? Sumagot ka! " Sigaw ko para akong malalagutan ng hininga! Sobra akong nasasaktan! Para akong sinasakal

" Anu! X! Sumagot ka! Sasabihin mo nanamang may dahilan ka kaya nangyare yun? Hah! T@ngina naman! " Dugtong ko, kung nuon okey lang pero iba na ngayon may karapatan naman na ako sigurong magalit ngayon diba?

" Iiwan mo naba ako? Makikipag hiwalay kana ba? " Tanong niya, sobrang lungkot ng boses niya

" Bakit naging tayo ba? Minahal moba ako? Hindi naman diba? " Sabi ko, gumuhit ang sakit sa mga mata niya

" Mahal kita! Mahal na mahal kita! " Mahinang sabi niya, winaksi ko ang kamay niyang humahawak sa braso ko

" Hindi! Hindi mo ako mahal! Naglandian lang tayo yun lang! Kasi kung mahal mo ako hindi mo gagawin yan! " Sigaw ko, hinila niya ako para yakapin

" Wag mo akong iwan Isay! Hindi kona uulitin! " Pagmamakaawa niya

" Talagang hindi mona uulitin yan! Hindi mo na magagawa yan! Dahil sasama nako sayo! Magsasama na tayo! " Natigilan siya, ng makabawi ay hinila niya ako at niyakap, hinalikan niya ako ng mabilis

" Hindi kona uulitin pangako! Aalagaan kita hindi ka maghihirap sakin mahal na mahal kita Isay! " Sabi niya, tumango ako, pinunasan niya gamit ang hinlalaki niya ang luha sa pisngi ko, matapos ng pagaaway namiy kalaunay nagbati din kami at pinagusapan ang pagalis namin bukas ng gabi, Tanghali nay nakaupo ako sa silya, si tiyong namay nakaupo sa kabilang upuan, tahimik lang ako ng nagsalita si Tiyong

" Isay anak! Wag ka sanang magsasawang intindihin kami, lalo na ang mga pinsan at Tiya Maring mo, wag mo kaming iiwan dahil diko na alam ang magagawa ko kapag nawala kapa! Ikaw nalang ang siyang totoong nagmamalasakit sakin " Biglay sabi ni Tiyo Miguel, natulala ako, paano na si X? Paano ng plano namin? Kung aalis ba ako'y kakayanin ba ng kunsensya ko? Nanatili akong tahimik hanggang makaalis si Tiyo at pumanhik sa taas. Alas kwatro ng hapon, hindi pa man ubos ang paninda ko'y umuwe nako, ilang ulit ko na ding iniwasan si X sa buong maghapong ito, ngayon nga'y balak ko nanamang iwasan siya, nakita kona kasi ang bulto nya sa malayo kaya nagpasya akong magpaalam na, wala si Osang buhat kasi ng maospital si Utoy dahil nag patuli ito sa hindi maayos na klinika, naimpeksiyon ang ari nito kaya kinailangang maospital, sukat dun ay nalaman namin na mayaman pala iyong batang iyon, isa iyong Montemayor, kaya nagbabantay ngayon si Osang sa ospital, gustuhin ko man mag punta at suportahan ang kaibigan ko ngunit nahihiya ako, lalo pa't hindi ako naging patas nung mga nakaraan dahil sa selos ko nuon sa kanya. Naglalakad ako papunta sa eskinita ng makasalubong ko si Marvin at Berting, hinarangan nila akong dalawa

" Teka Isay kanina kapa hinahanap ni X! Saglit lang parating na iyon " Sabi ni Berting, napa-atras ako at patagong napapikit, sa totoo lang miss na miss ko na siya T_T

" Teka kailangan ako ni Tiyo Miguel " Paalam ko at tuluyang naglakad ng matulin, napabuntong hininga ako, sorry X pero hindi ko kakayaning iwan si Tiyong, Alas onse ng gabi ng makarinig ako ng sunod sunod na katok sa pinto, tumayo ako mula sa mahabang upuang kahoy at ngpunta ng pintuan

" Sino yan? " Tanong ko pero tanging pagkatok lang ang sagot nito, binuksan ko ang pinto para lang magulat sa malungkot na mukhang bumungad sakin,

" Hindi ko alam kung may nagawa ba ako na siyang nagpabago ng isip mo o talagang iniiwasan mo ako " Malungkot na sabi niya, napaiyak ako

" Sorry X! Hindi na ako makakasama sayo " Umiiyak na sabi ko, malungkot niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kamay niya

" Aalis na ako dito, kapag umalis ako hindi na ako babalik at ayokong iyan ka dito " Malungkot na sabi niya, umiling ako

" Hindi na ako sasama sorry X! " Sabi ko at pinilit na isara ang pinto, impit na hagulgol nalang ang tanging nagawa ko,

" Niyayaya ka ng lalaking un diba isay? " Tanong ni Tiyo Miguel ni hindi ko napansin ang pagdating niya, narinig niya ang lahat lalo akong napaiyak,

" Po? Hindi po tiyong " Sagot ko, kita ko ang awa sa mata ni Tiyong

" Sa baga lang ako may tama Isay pero ang pandinig ko ay malinaw na malinaw pa, Mahal moba ang lalaking iyon? " Pahabol pang sabi ni Tiyong

" Opo " Maikli sabi ko na pinipigilan umiyak

" Bakit hindi ka sumama sa kanya? Dahil sakin? " Huling sabi ni tiyong bago muling umakyat sa taas,

________

" Walanghiya ka talagang negra ka malandi ka " Nanggagalaiti si Minerva sakin at sinasabunutan ako, may nakapag kwento kasi sa kanyang kapit bahay na nagkausap kami ni X sa pintuan kagabi, todo ang hambalos at sabunot ang inabot ko

" Malandi ka nilalandi mo si X! Ang kapal ng mukha mong peste kang palamunin ka! " Sabi niya pa bago ako nginudngod sa semento

" Nagmamahalan kami Minerva! Mahal namin ang isa't-isa " Sagot ko! Lalo niyang hinigpitan ang kapit niya sa buhok ko

" Kapal ng mukha mong malandi ka! Ang kapal kapal ng mukha mo wala kang utang na loob! " Sabi niya, sobrang sakit na ng ulo ko at pisngi ko kaya't wala kong nagawa kundi ang iwaksi siya, natumba si Minerva at yun ang naabutan ni Tiya Maring at Tiyo Miguel na galing sa center ng Barangay, lumapit si Tiya Maring at sinabunutan ako pinagtulungn nila akong Mag-iina habang ang dalawang kapatid pa ni Minerva ang siyang sumusuntok sa sikmura ko,

" Itigil niyo na yan! " Sigaw ni tiyo miguel na pababa ng hagdan dala ang karton na pinaglalagyn ng damit ko at ilang personal na gamit at inihagis niya sakin iyon

" Umalis kana dito Isay! Hindi kana namin kailangan wag na wag ka ng babalik " Sabi nito, tinulak ako ng mag-iina palabas ng bahay at pinagsaraduhan ako ng pinto pilit ko itong kinakatok

" Tiyong wag naman po parang awa nyo na tiyong! Wala napo kong pupuntahan tiyong " Nanlulumo ang pakiramdam ko, paano ako? Wala na si X! Umalis na siya nauna na siya iniwan na niya ako! Sukat sa pagkaka yuko ko sa semento, tumayo ako at pinitbit ang mga gamit ko, mabigat man ang loob ay nilisan ko ang tahanang kinagisnan ko, Kapit kapit ko ang karton na tangi kong gamit ng tinungo ko ang daan papalabas sa eskinita, paglabas ko sa eskinita ay siyang pagiyak ko ng malakas, napahagulgol ako, dito pala sa lugar nato ay may nag-aabang sakin, nakasuot siya ng puting damit at naka jacket ng itim naka pantalon ito at may sukbit sa likuran na may kalakihang bag, ngumiti ito sakin ng malapad at nagsimulang humakbang palapit, ng makalapit siyang pinagsususuntok ko ang dibdib niya

" Akala ko iniwan mo na ako! Akala ko umalis kana at hindi kana babalik! Akala ko mag-isa nalang ako akala k---- " Niyakap niya ako at hinagod ang likod ko

" Hindi kitang maaaring iwan! Mamatay muna ako bago ko gawin yun! Tahan na andito nako hindi kita pababayaan! Pangako ibibigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay wag ka ng malungkot mahal na mahal kita! Asawa na kita mula ngayong! Isabelle Batallier! "

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

March,17,2020 1:00 PM

-LND

Next chapter