webnovel

Chapter 1

Isabelle's POV...

Matamlay ako habang nakatambay kami nila itel sa simbahan, hindi ko kinikibo si Osang, sunod sunod din ang pag hinga ko ng malalim, nang umalis saglit si Osang ay kinalabit ako ni Itel,

" Psst galit kaba kay osang Isay?? " Tanong ni Itel habang kinukulbit ang balikat ko, umiling ako

" Pagod lang ako Itel " Sabi ko,

" Sabagay di siya dapat magtampo dapat nga tayo ang magtampo sa kanya dahil mas maganda siya satin! " Sagot niya natawa naman ako,

" Ou kasi parehas tayong maitim! " Nagtawanan kaming dalawa

" Kaya mas lab kita kesa kay Osang eii tayo kasi ang magkakulay " Pahabol pa nito, napailing ako

" Nakita mo naba si Utoy? Ung inampon ni Osang para maging kapatid niya? Alam mo, napaka gwapo nun pag laki! " Sabi niya, ou si Utoy ung batang naligaw at inampon ng kaibigan kong si Osang, maliit lang itong bata pero pag mag-isip ay daig pa kami, matalino din ito at marunong magingles,

" Ayan ka nanaman kahit bata pinagnanasaan mo " Sabi ko,

" Pano kaya magkakatuluyan si X at si Osang eii lagi ng nakabantay si Utoy kay Osang naku naku lablyf na nawala pa " Sabi niya, sukat dun mas lalo akong nawalan ng gana kaya di nalang ako nagsalita at nanahimik nalang, sakto namang ang pagbalik ni Osang kasama si Utoy,

" Anjan n si X! " Sigaw ng mga tambay, napatingin ako sa grupo ng mga lalaking papunta sa nakasanayang pwesto nila, napaiwas ako ng tingin ng makitang nakatingin din skin si X.

" Ayan nanaman si X! Pasulyap sulyap nanaman sayo Osang di nalang kasi manligaw agad agad " Sabi ni Itel habang nakatingin kay X na dito nga nakatingin sa pwesto namin, napabuntong hininga ako uuwe nalang muna siguro ako

" Osang, Itel Utoy? Uwe nako aa baka kasi dumating si Tiyong Miguel " Sabi ko tumango lng sila kaya umalis na ako para umuwe, habang naglalakad ako sa eskinita, biglay hinarang ako ni Marvin

" Teka Isay, gusto kang kausapin ni X! Parating na yun antayin mo lng saglit " Sabi niya, umiling ako, pagkuway iniwasan ko siya baka tumigil na din siya sa pagsunod sakin, dahil parang ang sistey Gagawin niya akong tulay nilang dalawa ng kaibigan kong si Osang bahala sila basta wag nila akong guguluhin!

" Hinahanap na kasi ako sa bahay " Pagdadahilan ko, para anu pa kasi! Sa ginagawa niya pinapaasa niya ako, biglang naghuramentado ang tibok ng puso ko ng may huminto sa likuran ko, umatras si Marvin at pagtikhim nalang ng lalakeng nasa likod ko ang sumunod na narinig ko

" Uuwe kana? Hindi pa ubos yan ah " Sabi niya, humarap ako sa kanya

" A---aahh o---oo h--hinahanap n kasi ako samin " Sabi ko nakarinig ako ng pagtawa

" Sus ikaw hahanapin? Wala ngang pakialam sayo ang Tiya mo at mga Pinsan " Sigaw ni Marvin, tumingin lang si X dun at tumahimik naman ito

" Isay marunong kabang magluto ng pakbet? " Biglay tanong ni X, napakunot ang noo ko anu namang konek nun?

" Huh? Bakit? Tyka kailangan ko na kasing umuwi, sige na sa susunod nalang " Sabi ko at tumalikod pero hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan

" Kasi kung marunong ka aasawahin na kita " Sbi niya nanlaki ang mga mata ko, eii diba si Osang ang gusto niya? Naguguluhan ako, nakarinig ulit ako ng mahinang pagtawa napatingin ako kila Marvin

" Sus hindi kasi ganyan X, napaghahalataan tuloy na hindi ka marunong manligaw " Sabi niya, nanlaki ang mga mata ko anung ligaw! Sakin? Sa itsura kong to?

" Tsk p*ta hindi ako marunong manligaw! " Mahinang bulong ni X, wala kong magawa kundi manlaki ang mga mata sa gulat, hinawakan niya ang kamay ko at may inabot dun

" Wag ka ng lalabas mamaya wag kanang pumasok sa gotohan, malalaman ko kung lalabas kapa " Sabi niya at naglakad na paalis naiwan ako dun na nakanganga at hindi makapaniwala god t@ng|na kras ako ni kras! Bes piling ever

Alas dyes na ng gabi pero hindi padin ako makatulog, iniisip ko padin ang mga sinabi ni X kanina, at di ko maiwasang mapangiti kinikilig ako! Bumangon ako at nagpunta ng aparador na luma nila maricel kumuha ako ng konting polbo dun at nagsuklay saka lumabas balak kong suwayin ang boss at makita kung anung gagawin niya,

Papalagpas palang ako ng eskinita ng may makarinig ako ng pagtikhim sa gilid ko

" Tsk tsk sabi ng wag ng lalabas eii " Sa boses nun at tindig kahit madilim pa sa parteng yun kilalang kilala ko ang nagmamayari ng boses na yun

" X! " Tanging nasambit ko

" Bakit lumabas kapa? " Tanong niya

" A---anu kasi gusto sana kitang makausap, ehemm hindi sa nagpapakipot ako kasi daig mo pa si da plas sa sobrang bilis teka hinga muna, hindi kasi agad agad asawa okey? Jowa muna, mag jowa muna tayo X at kilalanin muna natin ang isa't isa kapag kilala na natin ang isa't-isa pag gusto mo padin akong maging asawa sige pumapayag ako " Mahabang paliwanag ko na halos kapusin ng hininga, pumaling ang ulo niya na tila nagiisip

" Jowa muna? " Parang batang ulit niya

" Ou X jowa mo muna ako at jowa kita kilalanin muna natin ang isat isat " Sabi ko

" Sige jowa kita at jowa mo ako " Sabi niya saka ngumiti, sh*t jowa ko ang poging ito

" Kikilalanin mo muna ako tap--- " Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya

" Hindi Isay ikaw! Kikilalanin mo muna ako, kasi ako kahit anu pang malaman ko tungkol sayo buo na ang desisyon ko, ikaw ang gusto kong makasama sa buhay ko, kapag nakilala muna ko kung anu man ang maging desisyon mo tatanggapin ko " Sabi niya saka ako mabilis na hinalikan sa labi, pagkatapos namin magusap hinatid niya ako pauwe sa bahay. Ng gabing yun hindi mapigilan ang ngiti sa labi ko at nakatulog ako ng mahimbing dahil ang kras ko ay jowa ko na ngayon.

___________

Pagtatalak ni tiya Maring ang gumising sakin kinaumagahan, nalaman na kasi nila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa sumasahod si tiyo Miguel, matagal na pala itong natanggal sa trabaho bilang Construction Worker, may sakit pala itong TB kaya napilitan ang boss nitong tanggalin siya, kaya todo ang pagtatalak ngayon ni Tiya Maring,

" Ayan nag-aaral pa ang mga anak mo! Pano na ngayon dagdag pa si Isay na palamunin! Naku Miguel! Paano ng mga bata at mga bayarin natin! " Tuloy tuloy sa pagtatalak si Tiya Maring

" Hindi pa ako mamatay Ring! May sakit lang ako! " Sagot ni Tiyo Miguel

" Ganun na din un Miguel! Dahil wala ka ng silbi! " Pabalang na sagot ni Tiya Maring, Lumabas nalang ako ng bahay at nagigib, dun narin ako naligo para kahit papano naman di nako mangati mamaya, magaalas nueve na ng umaga ng magpunta ako ng hanguan ng Sampaguita, may bitbit na sila Itel na hangong Sampaguita ng makarating ako, ng matapos ako sa pag kuha ay sabay sabay kaming nagpunta ng simbahan, suot ko ang pekpek shorts na minana ko kay minerva at spagetti strap na damit na kulay maroon

_______

Alas tres ng hapon ubos na ang paninda namin pero nagtagal pa kami ni Itel sa simbahan, wala na si Osang dahil sinundo ito ng may topak na kapatid, kita kona ang pagdating nila X, malayo palang ramdam ko na ng pagtitig niya

" Dito ba nakatingin si X? Wala naman si Osang aa? Teka galit ba yun? " Sabi ni Itel, gaga ako ang tinitignan niyan sagot ko sa isip ko at napangiti, tinignan ko at parang galit nga ito, naku sa suot ko naun dapat iba ang nagagalit sa kanya haha

" Sa iyo nakatingin nagalit ata dahil ang itim ng legs mo " Sabi ni itel napairap ako

" Kesa naman sayo puro piso! " Sagot ko,

" Ayy aalis na pala ko Itel, maglalaba pala ako kila Bilog ngayon " Paalam ko, tutal ubos naman na ang paninda ko pupuntahan kona si Aling Marites Nanay ni Bilog may sakit kasi ito kaya hindi makakapaglaba, sila Bilog kasi ay may kaya, dalawang palapag ang bahay nila at semento iyon may karnehan at grocery store din sila sa palengke, sa lugar kasi namin pag may bahay kang bato mayaman kana what more kung 2 story pa? Naabutan ko si Aling Marites sa may sala ng kumatok ako pumasok nako kasi bukas naman ang pinto, binati ko siya ng magandang gabi pero nagulat ako dahil may biglang dumamba sakin, si Maricel

" Bakit ka andito Icel? " Tanong ko

" Nalaman ko kasing maglalaba ka dito kaya sinamahan kita " Sabi niya naku alam ko namang si Bilog lang ang ipinunta niya dito, saktong dating naman ni Bilog, hinanap ko ang presensya ng kaibigan nu Bilog na si X ngunit wala ito, sobra akong nanghinayang, ito pa naman ang unang araw namin bilang mag jowa

" Milove barya kaba? " Banat ni Bilog

" Bakit " Tanong ni Icel

" Kasi umaga palang kailangan na kita boom " Segunda uli ni Bilog

" Lason kaba? " Tanong ni Icel kay bilog

" Bakit " Sagot naman ni bilog

" Kasi nilason mo ang puso ko kaya patay na patay sayo " Sigaw ni Icel

" Cel isda kaba? " Tanong ni Bilog

" Bakit? " Tanong naman ni Maricel

" Ansarap mo kasing papakin " Banat ni Bilog, natutuwa akong panoorin silang magkulitan ang kukulit kasi

" Ohh bro anjan kana pala " Sabi ni bilog ng dumating si X, nakatingin lang ito sakin

" Ammm maglalaba ako " Mahinang sabi ko, buti nalang at busy si Icel kundi paktay ako kay Minerva nito patay na patay pa naman iyon kay X, hindi naman sa hindi ko gustong malaman ng iba na jowa ko siya, medyo komplikado lang kasi ngayon, lalo at patay na patay si Minerva kay X, naiilang ako sa paglalaba pano'y pinapanood ako ni X, nasa labas ang dalawa at dun sa terrace nagkukulitan

" Mmmhhh ikaw wala ka bang baon jan? " Tanong ko para makaiwas sa pagtitig niya

" Huh baong anu? " Tnong ni X na nakakunot noo

" Baka may baon kang banat, baka lang parinig naman " Sabi ko,

" Pagtapos mo jan ihahatid kita pauwe mamaya " Sabi niya'y pagkuway tumalikod para umalis, nadismaya ako, malamig pa sa yelo! pero bago siya makalabas ng pinto tumingin siya ulit sakin at sinabing

" Meron!

Mahal kita " Saka siya lumabas sa pinto, pigil pigil ko ang pagngiti meron naman pala at matindi pa, may lulupit paba sa banat niyang yun? Ohh X! Ang nobyo kong parang yelo, napaka pogi mo talaga!

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

March, 16, 2020 6:25 PM

-LND

Next chapter