webnovel

Chapter 12

Isabelle's POV...

Umigting ang panga ni X ng makita ako sa bungad ng pinto, gustuhin ko mang umatras ngunit hindi ko kaya, aaminin kong gusto ko din ito lalo na at nakita kona ang anak ko, napakaganda ni Lexi, kulot ang buhok nito na kulay brown at maliit ang mukha, halos maluha ako ng makita ang anak ko napakaganda nito, mula dito sa bungad ng pinto ay kitang kita kona ang pagpapalaki ni X sa anak namin ng maayos, gusto ko siyang yakapin at halikan, gusto kong sabihin sa kanya na sobrang mahal na mahal ko siya at miss na miss ko na, alam kaya niya na nanay niya ako? Imposible alam ko naman na sagad hanggang langit ang galit sakin ni X pero hindi ko lubos maisip na ganito ang kalalabasan halos isuka niya ako sa hilatsa palang ng mukha niya,

" What The F*ck she's doing here? Get her out of her Rigor! " Malamig na sabi ni X kay Ace, nagtaas ng kamay ang lalakeng nagdala sakin dito

" You told me you need someone to look after this lil brat! " Natatawang sabi nito

" Not her d*mm! " Muling sabi ni X, hindi ako nito tinitignan,

" Why? Do you know her? " Nakakunot noong tanong ni Ace kay X,

" No! "  Sagot agad ni X, parang hinampas naman ng bakal ang dibdib ko,wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko,

" Bye the way, Isay mauuna na ako sayo, okey lang naman sayo diba? " Tanong nito na nakatitig sa mukha ko, wala sa loob na napatingin ako kay X na nakakunot noo habang nakatingin kay Ace

" A---ah o--ou naman hehe " Nakangiwi kong sabi, hinawakan nito ang ulo at bahagyang ginulo ang buhok ko

" So dude, I'll leave her here! Be good to her, I'll comeback soon, bye lil brat " Sabi nito pagkuway bumaling sa batang nakapamewang na sa isang tabi

" Bye Isay mauuna na ako, ingat ka sa kaibigan ko nanunuklaw iyan at lumayo ka din sa kanya dahil baka agawin ka niya sakin " Biglang sabi nito saka kumindat, namula ang magkabila kong pisngi, lumabas na din ito sa pinto at naiwan akong nakatulala doon,

" I said yaya come with me! " Sigaw ni Lexi, nataranta akong sumunod sa kanya, binitawan ko nalang sa isang tabi ang bag ko at sumunod sa bata, pumasok kami sa isang kwarto na puro pink ang kulay ng mga gamit at pintura, tinuro niya ang isang maleta

" Here this is my laugage, put my clothes in the  closet, and organize my stuff " Naiintindihan ko naman ang mga inuutos niya kaya lang ay pinagmamasdan ko siya habang nakangiti, pumitik ito sa hangin

" Hey freaking yaya, you're scaring me! do your job! " Masungit na sabi nito, apaayos ako ng tayo

" Sorry beh namamangha lang kasi ako dahil napaka ganda mo " Sabi ko habang sinisimulang ayusin ang mga damit niya

" What? Beh? Iwww don't call me that! " Magmamaktol ito,

" Anu bang itatawag ko sayo beh? " Tanong ko, umikot ang bilog sa mata ng bata, natutuwa ako sa pagsusungit niya sakin

" Whatever! " bigla ay sabi nito

" Anu ba ang pangalan mo? " kunwari ay tanong  ko

" Lexi Kianna Battalier " Sagot nito bago nahiga sa kama niyang kulay pink

" Ang ganda naman ng pangalan mo? Bakit dalawa lang kayo ng papa mo beh? Nasaan ang mommy mo? " Tanong ko gusto kong malaman kung meron ba siyang tinuring na ina

" Stop talking, I'm sleepy " Sabi nito at tinaas pa ang palad para patigilin ako, ng matapos akong ayusin ang gamit niya ay tinabihan ko siya sa kama, hinaplos mo ang mukha niya,tumulo ang luha ko,

" Miss na miss na kita anak ko, miss na miss kona kayo ng tatay mo " Hindi ko mapigilang maging emosyonal, niyakao ko ang bata bago ko siya kinumutan, ng makalabas ako sa kwarto ay nakasandal sa dingdingsi X nakapamulsa ang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon,tumuwid ito ng tayo ng makita akong lumabas sa kwarto ni Lexi,

" What are you up to? Money? Tell me and I will give it to you, stay away from us! " Malamig na sabi niya,

" T---tulog na ang bata, g-gigisingin ko nalang siya mamaya " Sagot ko at lalagpasan sana siya ng hilahin niya ang braso ko ng sobrang higpit

" Arayy n--nasaksaktan ako " Mahinang sigaw ko, sobrang higpit ng hawak niya sakin pati nakakatakot ang aura niya, para siyang kakain ng buhay, galit na galit din ang tono ng pananalita niya,

" Don't turn your back on me woman! Tell me what do you need? " Muling tanong niya

" Wala, w--wala naman akong gusto bukod sa gusto ko lang alagaan si Lexi habang nandito kayo sa pilipinas, babalik pa kayo sa london diba? Kaya kahit man lang sapag stay niyo dito sa pilipinas hayaan mo akong makasama ko kahit papaano ang anak ko " Sagot ko, nakakainsulto siyang tumawa

" You've got the guts to call yourself a Mother? Lexi's Mother isn't you! She's my fiance's Daughter, not yours, stop dragging your name, you are no one! Rather a Low class b*tch, a worthless whore get the h*ll out of here before I drag you out! " Nagbabaga ang mga nata ni X, hindi ko akalaing ganito na siya ngayon,ang dating mapagmahal at maalagang asawa ko ay naging bato sa tigas, napayuko ako

" Ngayon lang naman, hindi ko siya kukunin sayo, hayaan mo lang akong alagaan ang ana-- b--bata Nagmamakaawa ako sayo X, hanggang sa bumalik kayo sa London, pangako pagkatapos nito hindi na ako muling magpapakita, hindi mo ako kailangang swelduhan, sapat na sakin makita at maalagaan lang ang bata " Wala sa loob na napahawak na ako sabraso niya pero ng marealize ko ang kapangahasan ko agad kong binawi ang kamay ko na mistulang napaso,

" Just don't tell her anything, she would never happy to know you are her mother, and stay away from me! " Malamig na sabi nito saka ako tinalikuran, hindi man lang sinabi kung nasaan ang magiging kwarto ko, inikot ko nalang ang may kalakihang condo unit, nakakita ako ng bakanteng kwarto sa dulo maliit lang iyon at may isang Cr na maliit, napagdesisyunan kong doon nalang ako pansamantala, inayos ko ang mga gamit ko, makakita ako ng ilang karton sa bodega kinuha ko iyon at ginawang higaan, ng maayos ay napabuntong hinanga ako habang umuupo sa karton na siyang hihigaan ko mamaya, ang laki na ng pinagbago ni X, isa na itong successful hotel magnate sa London, nabasa ko sa isnag artikulo na nagbabalak nga siyang mag expand dito sa pinas hindi ko lang inakala na mas mapapabilis pa pala ang pagbabalik nila, isang buwan matapos kong umalis sa Laguna bumalik ako sa dating bahay ngunit wala na doon ang mag-ama ko, si Mang Kanor lang ang humarap sakin dahil galit sakin si Aling Memang, ayon kay Mang Kanor ay sinundo daw ng nakakotse ang mag-ama ko, matapos noon ay nabalitaan ko nalang na lumipad si X kasama ni baby Lexi papuntang London at sa isang interview ko lang din nalaman na mayaman pala ang totoong ama nito na matagal na siyang hinahanap, minana ni X ang mga negosyo ng tatay nito na hindi naglaon ay mas naging sikat at namayagpag sa larabgan ng negosyong kinabibilangan nila, kaliwa't kanan din ang napabalitang karelasyon niya mga hindi basta bastang mga babae, minsan niya ay nakita sila ni Cindy Maxwell sa isang restaurant na nagde-date, sumunod nama ay si Katrina Verjel isang aktress, hindi ko matanggap nung una ngunit kahit papaano ay naunawaan ko din, ako din naman ang may kasalanan, ako ang nangiwan ngunit ako naman ang naiwan sa ere, akala ko magiging maayos ang buhay ko sa kaalamang maayos ang buhay ng mag-ama ko pero hindi pala, hindi pala dahil sobrang masakit palang malaman na may Ina na sa buhay ng anak ko.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

July,11,2020 -  2:12 PM

-LND

Next chapter