1 Chapter 1: Cheers for Heartache

Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Vera. Ilang beses niyang pinipigilan ang sariling lingonin ang deriksyon nila Charles at Kate. Napatingin na lang siya sa natutunaw na yelo sa baso niya.

Super Friends talaga si Vera at si Charles. Palaging magkasama, sabay gumawa ng projects, gumagala pag weekends at ilan pang normal na bagay na ginagawa ng "Friends" at katulad ng ilang magkakaibigan, hindi talaga maiwasan na magkagusto ang isang party sa kaibigan niya. Sympre lagi ba naman kayong magkasama, lagi kayong magkausap at minsan halos pareho na ang lifestyle niyo. Sa kasamaang palad, si Vera ang nagkagusto kay Charles.

Hindi niya namalayan na umupo na pala sa tabi niya ang kaibigan niyang si Thomas Rex Gatchalian or Trex kung tawagin nila.

"Hoy! Anong itsura yan? kahit si Davinci ata hindi na kayang ipinta yang mukha mo."Pang aasar ng ni Trex kay Vera, pero hindi naman siya nito pinansin.

"Veralyn! umayos ka dyan! sinasabi ko sayo ah. Pag naabotan ka ni Sky na ganyan ang itsura mo."Dagdag ni Trex at saka tinapik sa balikat ang kaibigan niya.

Minsan napapaisip si Vera kung paano niya naging kaibigan tong taong to. Napatingin naman si Trex sa deriksyon nila Charles at saka nailing tapos sinabing "Sabi ko na nga ba."

"How to fix yourself?"Toneless na sabi ni Vera.

Nairita naman si Trex sa tono ng pananalita ni Vera kaya siniko niya ito ng mahina at saka niya hinila pa punta dun sa isang table.

"Whatevs Ver! Wag ka naman maging selfish. Hello? Birthday Party to ni Jiggy! Kaya please lang naman oh, tigilan mo ang pag Pity Party dyan." Nairita si Vera sa sinabi ni Trex kaya tiningnan niya lang ito ng masama.

Nagbuntong hininga na lang si Vera sabay inom.

"The F naman kasi! bakit ba sila ininvite ni Jiggy? Kaasar ah!" Natawa si Trex

"Bakit ka ba kasi affected, di naman kayo."Banat naman ni Trex kaya agad siya nitong tinaponan ng pamatay na tingin at saka niya ito hinampas sa braso.

"Oy! tama na yan."Nakangiting awat ng kararating lang na si Sunny Alcantara.

"Pagsabi mo nga yang kaibigan mong yan!"Reklamo ni Vera kay Sunny.

Samantala, abala naman si Jiggy sa pag-aasikaso sa iba niyang bisita nang sandaling dumating si Skyline Pascual o Sora kung tawagin nila, na halatang badtrip na naman. Agad niya naman itong sinalubong.

"Happy Birthday, Jiggs!"Sabi ni Sora sabay abot nung regalo.

"Oy! Thanks. Pero anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Jiggy habang naglalakad sila papasok.

"Don't ask me about the details. Please lang, birthday mo today kaya enjoy muna tayo." Sabi ni Sora sabay tapik kay Jiggy.

Habang papalapit sina Sora sa table ng mga kaibigan nila ay kumakanta ng Happy Birtday in slow and sad version sina Trex, Vera at si Sunny na kakarating rin lang.

"Happy...Happy..."

Natawa naman si Sora at Jiggy.

"Para kayong sira!" Natatawang sabi ni Jiggy.

Ilang minuto silang nag asaran hanggang may dumating na ilang bisita. Nakaupo naman sa isang mesa sina Trex, Vera, at Sunny. Napansin naman ni Sora ang tila malungkot na aura ni Vera at saka napatingin dun kila Charles at Kate na sobrang engrossed sa isat-isa.

"Oh! Anong meron dyan?" Sabi ni Sora sabay nguso sa deriksyon nila Charles. Agad naman siyang siniko ni Trex tapos sinamaan niya naman ito ng tingin.

"Sasapakin ko na ba?" Matapang na sabi ni Sora.

"Talagang mag iskandalo ka dito?"Inis na sabi ni Trex kay Sora. Nag bangayan na naman ang dalawa hanggang kung saan saan na mapunta ang ayaw nila.

Pangiti ngiti lang si Sunny habang pinagmamasdan yung tatlo. Si Sora na naiirita sa presence ni Kate at Charles, Si Trex na asar na asar sa pagiging warfreak ni Sora, at si Vera na parang kinakabahan.

Napatingin naman si Jiggy sa deriksyon ng mga kaibigan niya at dun niya rin napansin ang malungkot na itsura ni Vera kaya agad siyang lumapit dito.

"Vera! Sama ka sa akin!" Agad niyang hinila si Vera.

Naiwan naman yung tatlo sa table. Sina Sora at Trex patuloy pa rin sa pag diskusyon ng kung anong bagay. Maya-maya ay napatingin silang tatlo sa dalawang bagong dating. Yung dalawang popular kids sa buong campus nila.

"Andyan na naman yung mga Rich Kids."Pabulong na sabi ni Sora.

"Oy!Si Sprite yun di ba?" Nakangiti sabi ni Trex.

"Bakit andito din yang epal na yan?"Dagdag ni Trex nang mapansin yung lalaking katabi ni Sprite.

Nakatingin yung dalawang popular kids sa deriksyon ng mga magbabarkada.

Agad namang hinarap ni Sora si Sunny at Trex.

"You like her?" Tanong ni Sora habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Not my type! too flashy!" Depensa ni Sunny.

"You Jealous little freak! Tumabi ka nga dyan!"Sabi ni Trex at saka tinulak si Sora.

Palihim ngang pinagmamasdan ni Sprite yung tatlong magkakaibigan na kinaiirita ni Sora. Bigla kasing naalala ni Sora yung isang araw habang tumatakbo siya. Seryoso siyang tumatakbo ng biglang parang may lalaking nakikipag kumpetisyon sa speed niya. Si Heaven pala yun! Nag smirk lang si Heaven ng magkahulihan sila ng tingin ni Sora, agad namang gumanti ng pamatay na tingin tong si Sora.

Habang nagsasaya ang lahat, heto naman si Vera mag isang nakaupo sa sulok at nakatitig lang sa cocktail drink na binigay sa kanya ni Jiggy.

"Hey! Wala ka pang regalo sa akin!" Sigaw ni Jiggy kay Vera.

Nag puppy eyes lang si Vera na agad namang tinapik ni Jiggy yung noo ni Vera.

"Kadiri ng mukha mo! wag ka ngang mag gaganyan!"

"Si Charles to no?" Seryosong sabi ni Jiggy.

Hindi naman sumagot si Vera. Sandali silang natahimik.

"Alam ko na! Sing me a song! yun na lang ang regalo mo sa akin."

"Ha??Sa stage?"

"No, dito lang!"

Nagsimulang kumanta si Vera ng Young Folks.

"Ivivideo ko to!"

Parang baliw yung dalawa habang kumakanta at nagpapacute sa camera. Tuwang-tuwa naman sila Sora habang pinagmamasdan yung dalawa.

"Sabi kasi dito kay Vera si Jiggy lang!" Natatawang sabi ni Trex.

Agad namang hinarap ni Sora si Sunny at Trex.

"Gags! We don't do friends di ba? Rule of the thumb yun!" Sabat naman ni Sora.

Napangiti lang si Sunny.

Natapos na ang birthday party ni Jiggy. Kanya kanya na sila ng uwian.

Hinatid na ni Sunny sila Sora at Trex sa "Studio" ni Trex.

"Fck it! Don't tell me doon ka na talaga mag stay sa studio ko?"Inis na sabi ni Trex sabay lingon sa back seat. Sinamaan lang siya ng tingin ni Sora.

Nakababa na sila Sora na hindi pa rin matapos ang bangayan ng dalawa.

Si Sunny at Vera na lang ang natira.

Nakatulala pa rin si Vera sa labas ng bintana. Ilang minuto pa ay napansin niya na parang iba na ata ang dinadaanan nila.

"Oy! Sunny! Di ito ang daan pauwi." Matamlay na sabi ni Vera.

"I know! Relaks ka lang! Pull the windows down. Feel the air na lang." Nakangiting sabi ni Sunny.

Agad namang sinunod ni Vera ang payo ni Sunny. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Vera.

"Favorite spot?" Tanong ni Sunny.

Napaisip naman si Vera. Walang pumapasok sa utak niya.

"Wala?"

Umiling na lang si Vera. Tumigil naman sa pagmamaneho si Sunny at saka lumabas ng sasakyan at pinagbuksan si Vera.

"Labas."

Nasa may isang tulay sila na kitang kitang ang city lights at ang repleksyon ng mga ilaw sa tubig.

"Nice Place! Hindi ko alam to ah!" Nakangiting sabi ni Vera.

Nakaupo lang silang dalawa. Tahimik at pinapakiramdaman ang hangin. Bigla na namang naisip ni Vera si Charles and how they used to be.

"Mahirap pa lang mag move on kahit walang dapat ipag move on! I mean yung tipong hindi naman kayo, pero parang ang hirap pa rin."

Kunti na lang talaga at maiiyak na si Vera.

"Let's not talk about it. Just breathe in."

Inabot naman ni Sunny yung Teavana kay Vera. Sa sobrang space out niya ay di man lang niya napansin na nakabili kanina si Sunny ng tea.

"Sunny, tea won't work for me. Unlike you! I know you too well. Dalawa lang ang rason kung bakit ka umiinum ng tea. It's either malungkot/depress ka or sobrang saya mo."

"Shh! Uminom ka na lang! try mo lang!" Agad namang sumunod si Vera almost makalahati niya yung tea.

"How was it??"

"Libre mo to?" Gulat na sabi ni Vera.

"Ohh! bago to ah! ang saya pala talaga ng tea at dahil libre mo." Nakangiti sabi ni Vera.

"Last na yan!" Nakakunot noong sabi ni Sunny.

"Di bagay sa'yo ang mag ganyan Sun! Sunny Sun! The ever happy looking face I've ever known."

"Whatever! Vera!"

"Sunny Sun!"

Natawa na lang sila parehas.

"Someday, tatawanan mo na lang yang drama mo!" Seryosong sabi ni Sunny.

"Someday, someday."

Limang minuto pa silang nag stay doon hanggang napag desisyonan nilang umuwi na.

avataravatar
Next chapter