webnovel

Chapter 15: Next Mission (Undercover)

Pinatawag kaming tatlo (Ako, Tober and Richard) ni Tito Varlisle dahil may mahalaga daw siyang sasabihin samin.

"Pinatawag ko kayo ngayon dahil kayo ang nakapasok sa top 3 ng Ability class niyo, nireport din sakin ni professor Morgan ang potensyal niyo pagdating sa pakikipag laban. Dahil diyan kayo ang ipupunta namin sa Peculiar Academy bilang representative ng Winterhold." paliwanag niya samin. "And also may ipapagawa rin ako sainyo, kailangan niyong hanapin kung sino ang traydor sa Peculiar. Hindi nila kayo makikila dahil ipinasok ko kayo doon bilang mga elite student at hindi royal. Eto yung mga documents na ipapasa niyo bukas, nandyan na rin yung mga fake personal information niyo." sabi niya habang inaabot sa amin ang mga documents.

Josephine Fort? Tinanggal lang naman yung Beu.

"But sir how long will we stay there?" tanong ni Tober.

"1 month, mahaba haba ang panahon na ibibigay ko sainyo kaya aasahan ko na may maibibigay kayong impormasyon sakin. Are we clear?"

"Yes sir." we answered in unison.

"Ok, now go back to your rooms and you will be having a long journey tomorrow." sabi niya sa amin.

Nagpaalam na kami sakanya at dumiretso na sa kanya kanya naming room.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kawalan.

Another mission. Isang buwan nanaman akong mawawala dito sa Winterhold.

Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng may kumatok.

"Miracle are you there?" tanong ng lalaki sa likod ng pinto, kilala ko na kung sino yun.

"No, I'm not here." walang ganang sabi ko.

"It seems like the door is talking." natatawang sabi niya at binuksan ang pintuan.

"What do you want?" tanong ko sakanya at umupo.

"Nothing, I just want to see you." mahina niyang sabi.

"Now that you saw me, you may leave now." pagtataboy ko sakanya.

"I want to stay with you here for a while." umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako ng kaunti para magkaroon ng distansya sa pagitan namin.

"If anyone saw us together here, they will think that we're doing inappropriate things." sabi ko at umiwas ng tingin.

"I don't think so, looks like my princess has a dirty mind there." binigyan niya ko ng nakakalokong ngiti.

"Hmm!" I rolled my eyes and hugged my pillow.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hilain ang braso ko palapit sakanya. Tinignan niya ko sa mga mata at hinawakan ang pisngi ko.

"W-what are you doing?" what the_bakit ka nauutal Josephine?  Get hold of yourself idiot!

"I just want to see your face closer." seryosong sabi niya sakin.

Parang bigla akong nanlambot dahil sa sinabi niya.

Oh please! I can't move!

Halos hindi ako makahinga nang unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin. Kaya nakaisip ako ng paraan.

Nang konti na lang ang distansya ng mga labi namin ay agad kong kinuha ang unan sa likuran ko at hinampas sa ulo niya.

"What was that for?" he glared at me.

"That's for being a pervert, asshole!" I smirked and stuck out my tongue.

***

"Besty mag-iingat ka ah, huwag mong pababayaan yang sarili mo. Mamimiss kita." naluluhang sabi ni Mandy habang nakayakap sakin.

"Oo na, kaya kong protektahan ang sarili ko." nginitian ko siya at ginulo ang buhok niya.

"Besty naman eh, ang hirap kayang magsuklay." reklamo niya habang inaayos ang kanyang buhok.

"Josephine let's go." pagtawag sakin ni Richard.

"Aalis na kami, mag-iingat ka dito....besty."

Pagkasabing pagkasabi ko ng besty ay nagsituluan ang mga luha sa mga mata ni Mandy.

"Besty naman eh, ngayon mo lang ako sinabihan ng besty ngayong mawawala ka ng isang buwan. Lalo tuloy kitang mamimiss." sabi niya habang umiiyak. Niyakap ko ulit siya bago sumama kay Richard papunta sa karwahe.

"Mandy really loves you." nakangiting sabi sakin ni Richard.

"Yeah, she really do." sagot ko sakanya ng nakangiti habang nakatingin sa labas ng karwahe.

"See, you look beautiful Miss Get Lost when you smile." biglang singit ni Jester sa usapan namin.

Hindi ko pa pala nababanggit na kasama namin si Jester papunta sa Peculiar Academy, natapos na raw niya ang gawain niya sa Winterhold kaya babalik na siya. Ang ibig sabihin lang ay makakasama ko parin siya ng isang buwan. Isang buwan nanaman akong maiirita dahil sa magkapatid na Ortiz na yan.

Buti na lang at magkatabi kami ni Richard ang kaso nasa harap ko naman ang parehong mokong.

"How long will it take for us to get there?" pag-iiba ni Tober sa usapan namin. Tinignan ko siya pero inirapan niya lang ako kaya inirapan ko rin siya, ibig sabihin nag-irapan kaming dalawa.

Tsk! Childish.

"It will take us 2 days since Peculiar is in Margu which is the floating island. We'll ride on the thunderbird for us to get there." sagot ni Jester.

Wala na muling nagsalita sa amin at tahimik lang kami buong byahe hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako dahil sa labas ng karwahe. Nasa gitna na kami ng gubat,at wala na ang mga kasama ko sa loob, sumilip ako sa bintana at nakitang nasa labas sila kaharap ang mga ilang taong may hawak na makakapal na kahoy.

"If you are here to steal, sorry but we don't have anything here either." matapang na sabi ni Richard.

Lumabas ako ng karwahe at hinarap sila, inobserabahan ko ng maigi ang mga ito.

Mundanes? They're here to steal?

Napaatras ako agad nang may sumugod sa akin na isa sa kanila pero agad ring naharangan ng tatlong kasama ko.

"Are you alright?" sabay sabay nilang tanong.

"Y-yes." sagot ko.

"Don't you dare hurt her!" sigaw ni Jester sakanila at susugod na sana pero pinigilan ko.

"Don't!" pagpigil ko sakanya.

"What are you doing Josephine? They're going to kill us." inis na sabi ni Richard sakin.

"Richard's right Miracle." pagsang-ayon ni Tober.

"They can't kill us, can't you see they're just mundanes, they are no match for us." paliwanag ko sakanila. "Look, they are holding those sticks but they are scared." sabi ko habang nakaturo sa mga mundanes sa harap namin.

Pinagmasdan nila ang mga ito sumang ayon sa sinabi ko.

"See? Let's just give them foods. I know they're hungry." sabi ko at pumunta sa loob ng karwahe para makakuha ng konting pagkain para sakanila.

Inabot ko ito sakanila, sa una ay nagdadalawang isip pa sila pero inabot parin nila ito.

"S-salamat at p-pasensya na rin kung muntik ka na naming nasaktan." sabi ng lalaki sakin habang nakayuko.

"Wala lang po yun, huwag niyo na lang pong ulitin." sagot ko habang nakangiti.

Naisipan naming sabay sabay ng kumain upang may makasama kami kahit papano.

Di rin nagtagal ay nagpaalam na kami sakanila at nagpatuloy na ulit sa paglalakbay.

"You really are a good person Josephine." nakangitin sabi sakin ni Jester.

"I'm not that good, it's just that I saw fear in their eyes." sagot ko sakanya.

"Jesters's right, you're still a good person Josephine, whether you admit it or not." pagsang-ayon ni Richard kay Jester.

Hindi na ko sumagot at sinulyapan si Tober sa harap ko, tahimik lang itong nakatingin sakin pero nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay inirapan niya ko.

Hmm, snob.

Dahil sa sobrang tagal ng byahe ay nakatulog ulit ako.

I woke up in a forest full of different kinds of magical plants.

"Where am I? What is this place? It's so beautiful." Namangha ako sa kagandahan ng kagubatan, ang mga halaman na makukulay at mga punong matatayog. Pero wala na yung mga kasama ko, pati ang karwahe wala rin.

Tumayo na ako at naisipang maglakad lakad, baka sakaling makita ko sila.

"Where are they?"

"Tober!"

"Richard!"

"Jester!"

Halos mapaos na ko kakatawag sa pangalan nila.

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal sa paglalakad pero sa kasamaang palad hindi ko parin sila makita.

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa may kumikinang sa likod ng waterfalls.

"What's inside that?"

Dahil sa curiosity ay pinasok ko ito kahit na alam kong mababasa ako.

Kweba ang nasa likod ng waterfall na kung saan may maliit na bato na kulay asul.

Namangha ako sa kagandahan nito, hahawakan ko na sana ito nang makaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan ko. Kasabay nito ay ang pag liwanag ng bato sa harap ko.

"What's happening to me?"

"Josephine wake up!"

"Please wake up Miss Get Lost!"

"Wake up princess!"

Nagising ako dahil sa ingay at pagtapik sa pisngi ko. Nakasandal ako sa dibdib ni Tober at nasa harapan ko naman si Richard at Jester.

"Thank goodness you're awake." they said in chorus.

"What happened?" I asked.

"Josephine, you were in deep sleep within 24 hours, and also you froze this carriage." kalmadong paliwanag ni Richard.

Wait what?

Agad kong pinagmasdan ang paligid at ngayon ko lang napansin na balot sa yelo ang buong loob ng karwahe.

"Did I do this?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Certainly, and Tober got wounded because of your ice." sagot ni Jester.

Agad akong bumangon at tinignan ang sugat ni Tober. May mga konting sugat siya sa braso, may konting piraso rin ng ice sa damit niya.

"I'm so sorry, I didn't mean to do that." pagsosorry ko sakanya.

"No it's ok, I know." sabi niya habang hawak hawak ang pisngi ko.

"I'm really sorry." pag uulit ko. Naiiyak na ko.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

"It's alright." sabi niya sakin ng nakangiti kaya nginitian ko rin siya.

"Just wondering, how did that happen? Base on what I've read on your personal info you have water ability and not ice." nagtatakang sabi ni Jester sakin.

Nagkatinginan kaming tatlo dahil sa sinabi niya.

"A-ahm about that, well_" hinawakan ko ang balikat ni Richard as a sign na ako na ang magsasabi.

"I have two abilities. But I can't control the other one." paliwanag ko.

"But from what I've known, Khiodis is the only one who controls ice, does it mean you're a_." sabi ni Jester na nagtataka pero agad ko ring pinutol ang sinabi niya.

"Y-yes they are, but I'm n-not one of them." pagsisinungaling ko.

Tinignan ako ni Richard at Tober dahil sa sinabi ko.

Sorry pero kailangan kong magsinungaling.

Jester sighed in relief.

"We're here, let's go." sabi niya samin at nauna ng bumaba.

Sumunod na bumaba si Richard at si Tober para maalalayan akong bumaba. Hinawakan nila ang magkabilaang kamay ko pababa ng karwahe.

"Thank you." sabi ko sakanilang dalawa at ginantihan naman nila ako ng ngiti.

Jester whistled to call the Thunderbird, the sky became dark and thunder rumbles then there comes a big bird with two pairs of wings in its back flying towards us.

The Thunderbird landed in front of us, well actually it landed in front of Tober.

"Mikey, I miss you buddy." malambing na sabi niya sa Thunderbird habang hinahaplos ang balahibo nito. Kitang kita mo talaga ang saya at pagkamiss sa mukha niya.

Mikey? He knew this thing?

"Oh I forgot to tell you that Mikey is the pet of Tober." paliwanag samin ni Jester at inakbayan si Tober. Tinignan siya nito ng masama at tinanggal ang pagkakaakbay sakanya.

"Let's go, there's no time to waste." sabi ni Tober at nauna nang sumakay sa likod ng alaga.

"Let me lift you up." sabi ni Richard nang nakangiti, tumango ako bilang sagot. Hinawakan niya ang makabilaang baywang ko at ibinuhat ako papunta sa likod ng Thunderbird. Hinawakan naman ni Tober ang braso ko upang maalalayan ako, sa harap ako nakapwesto at sa likod ko naman si Tober, sunod naman sakanya si Richard at nasa dulo Jester. Then after that lumipad na kami sa ere, halos malipad ang mga dahon dahil sa lakas pagaspas ng pakpak ni Mikey.

Namangha ako dahil sa islang nakalutang sa harapan namin ngayon. Napakalaki at nasa gitna nito ang Peculiar Academy.

"Wow, this school is awesome!" namamanghang sabi ni Richard.

"Yeah you're right this place is awesome." pagsang ayon ko sa sinabi niya.

Bumaba na kami at pumasok sa loob ng Peculiar. Mas lalo kaming namangha sa loob nito, may malalaking statue ng iba't-ibang klase ng creature na nagsisilbing column ng school.

Lahat ng atensyon ng mga estudyante ay napunta sa amin.

"My Tober you're here!" sigaw ng isang babae habang tumatakbo papunta sa direksyon namin.

She has this brown eyes, tan skin and also brown hair. In short she is beautiful.

Pagkalapit niya sa amin ay dinambahan niya ng yakap si Tober at hinalikan ito sa pisngi. "I miss you Tober! You don't know how happy I am to see you today." malambing na sabi niya habang nakayakap dito.

"Yeah me too." nakangiting sagot niya.

They really look close to each other.

"Who's that?" mahinang tanong ni Richard kay Jester.

"Oh that's Madison Veer. Our childhood friend." sagot niya.

Veer? So she is also a royal from the Veer Kingdom.

Tumingin samin yung Madison lalo na sakin, ewan ko pero may something sa tingin niya.

"Who's this girl?" maarteng tanong niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Madison this is Josephine Be-Fort_Josephine Fort." pagpapakilala ni Jester sakin.

"So Josephine, you're an elite right?" maarteng tanong niya sakin at tinaasan ako ng kilay.

I just need to pretend.

"Yes, I am." walang ganang sagot ko sakanya.

"Then stay away from him, you are not a royal just like.....hmmm!!" agad na tinakpan ni Jester ang bunganga niya.

"Shut up, Tober is here to be an elite not a royal." mahinang sabi nito sakanya at inalis ang kamay sa bunganga nito.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"It's a long story Madison, just stop asking questions." seryosong sabi sakanya ni Tober.

"Ok, as you wish my Tober." sagot niya at umaktong zinipper ang bunganga.

***

Kasalukuyan kaming nakalinya ngayon ayon sa school na pinanggalingan namin, hindi na namin kasama si Jester dahil nandun siya sa linya ng school nila. Bali sampung school ang meron ngayon dito sa Peculiar, tatlo ang mula sa Atlanta, apat sa Fiora at tatlo rin sa Alcard. Ang bawat school ay may tig-tatatlong representative, it means there are 30 representatives here in Peculiar.

Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa nagsasalita sa harapan. "Welcome dear students from different schools. Starting today you will have a physical and ability training here in Peculiar Academy, you will stay here for one month so don't be shy and feel at home." sabi nito at bumaba ng hagdan.

Sinabihan kaming lahat na pumunta sa hallway at ginabayan papunta sa kanya kanya naming kwarto. Bawat grupo ay may kanya kanyang kwarto, walang kaso sakin kung kasama ko sa iisang kwarto si Richard at Tober, may tiwala naman akong wala silang gagawing masama sakin.

Pumasok na kami sa loob at pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. Mas malaki ito kumpara sa kwarto ko sa Winterhold dahil ang kwarto dito ay para sa tatlong studyante hindi katulad samin na isang kwarto per student.

Nabaling ang atensyon namin sa pintuan nang may pumasok na dalawang lalaki bitbit ang mga gamit namin. Muntik ko ng makalimutan na may mga dala pala kaming gamit.

"Thank you." masiglang sabi ni Richard sa dalawa, nag-bow lang ang mga ito at umalis na.

"Let's unpack this things so that we can rest." sabi ni Tober at nagsimula nang kunin ang bagahe niya.

Sa loob ng kwarto ay may tatlong Full size bed na magkakahiwalay nasa magkabilaang gilid ang dalawa at nasa gitna naman ang isa, sa tabi ng mga bed ay may mga side table at mga closet. Pinili ko ang gilid malapit sa bintana, dahil madaling sinagan ng araw pag nag umaga. Sa gitna naman si Tober at kabilang gilid si Richard, kanya-kanya naming inayos ang mga gamit namin at pagkatapos ay nag pahinga.

Nagising ako dahil sa katok sa pinto, tumayo si Richard at binuksan ito.

"Good evening, the dinner is ready." sabi ng lalaking kumatok sa pintuan, base sa uniform niya isa siyang estudyante dito.

"Ok, thanks." sagot ni Richard at tinawag na kami.

Pumunta kami sa Dining hall ng school at lahat ay nandito na, kami na lang ang hinihintay.

Umupo kami sa nakareserve na upuan para sa amin sa tabi ng mga Peculiar representatives.

Maraming pagkain ang nakaserve sa lamesa kaya nakaramdam ako ng gutom, hindi pa kami nakakakain mula kanina.

Napalingon ako sa tabi ko nang kalabitin ako ni Jester. "Miss Get Lost, have some of this roast chicken, it's delicious." sabi niya sakin at nilagyan ang plato ko ng pagkain.

"Thanks." sagot ko at itinuon ang atensyon sa pagkain ko.

Nasa magkabilaang gilid ko si Jester at Richard, samantalang si Tober naman ay nasa kabilang gilid ni Richard katabi si Madison na walang tigil sa pagyakap dito na akala mo ay magkasintahan.

"Madison and Juvia has the same attitude when it comes to Tober." bulong sakin ni Richard.

"Definitely." sagot ko dito ng pabulong.

"Hey, what are you two talking about?" Jester interrupted.

"Nothing." I answered and gave him a forced smile.

After we finished eating, I excused myself and went to the restroom.

While I'm on my way, I bumped into someone, I looked up to see who it was. It is a tall guy, he has this brown eyes, messy hair and a charming face. He looks familiar but I can't remember when and where did I met him.

"Mira are you alright? Mira." I came back to my senses when he snapped his fingers in front of me.

"Oh I'm so sorry, I didn't_ wait, did you just called me Mira? Where did you get that name?" Isa lang ang tumatawag sakin ng Mira and it's Alexander, my best buddy.

"Mira it's me, your best buddy, Alexander the nerd." he said excitedly.

"No you're not." imposible noh, hello? Nakasalamin si Alexander atyaka hindi naman ganyan kalaki yung katawan niya.

"You don't recognize me, don't you? Well because I'm not the nerd guy anymore." nakangiting sabi niya at may inilabas na salamin sa bulsa niya at isinuot ito. "Can you recognize me now?"

"Alexander? Is that really you?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes it's me." sabi niya habang tumatawa.

Hindi na ko nag sayang ng oras at dinambahan agad siya ng yakap.

I miss this guy.

"You really miss me huh?" natatawang sabi niya habang nakayakap sakin at hinahagod ang likod ko.

"Of course! We didn't see each other for a long time." sabi ko sakanya at kumalas na sa yakap. "How come you turn yourself from a nerd to a hottie." natatawang tanong ko.

"Well I just exercise a little bit." confident na sabi niya.

"I didn't know that you are having such a good time here." napabaling ang atensyon namin sa lalaking nagsalita and it is Tober.

"Why are you here?" tanong ko sakanya.

"I've been looking for you, I thought you were lost but I was wrong. Sorry to interrupt you, continue what you're doing." seryosong sabi nito at naglakad paalis.

"I think you should go after him." sabi sakin ni Alexander.

"Yeah I think so." sabi ko rito at tumakbo upang sundan si Tober.