14 Chapter 14: His Twin Brother

Time flies, it's been over 2 months since our ability class started, with my water ability and my experience in battle I easily got in top 5.

Lumabas muna ako ng training room at naglakad lakad papunta sa Grand Hall.

Tahimik parin dito gaya ng dati hindi katulad noong Midnight Ball na puno ng kasiyahan.

Umupo ako sa isang sulok at sumandal sa isang column, ipinikit ko ang mga mata ko upang makapagpahinga konti.

Napadilat ako ng may kumalabit sakin.

"Hey miss are you ok?" tanong sakin ng isang lalaki. He has this medium tapered brown eyes just like Tober.

"Ahm yes." tumayo ako at pinagpagan ang palda ko.

"I thought you're dead because of your skin color and you are sleeping here at the corner." sagot niya.

"I'm just taking a rest. Thanks but I'll go ahead." pagpapaalam ko sakanya.

"Wait!" pagpigil niya sakin. "Have we met before?" tanong niya.

"Sorry but it doesn't ring a bell." sagot ko.

"Oh I thought we've already met before. Coz you look like the Goddess that I saw in my dreams." nakangiting sabi niya. "What's your name miss?" tanong niya.

"Get lost." walang ganang sagot ko.

"Hi miss Get Lost." natatawang sabi niya.

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso ng umalis pabalik sa training room.

Pagkarating na pagkarating ko ay sinalubong ako ni Tober. "Where have you been?"

"None of your business." walang ganang sagot ko.

"You're not in the mood, who pissed you?" tanong niya sakin habang hawak hawak ang balikat ko.

"Don't talk to me." tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at umupo sa isang tabi.

Napalingon ako sa tabi ko nang makita kong umupo rito si Richard.

Why is he here?

"Hey what happened? I saw Tober earlier at the corner looking pissed off." he asked.

"Just don't mind him." sagot ko. "Wait, why are you here?" tanong ko sakanya.

"Professor Morgan wants to talk to me about something." he answered.

"Ohhh."

Nabaling ang atensyon naming lahat kay professor Morgan nang magsalita siya.

"Ok class, we have a visitor today from Peculiar Academy of Margu. Mr. Ortiz please introduce yourself."

Mr. Ortiz? Family name yun ni Tober ah, ibig sabihin may kapatid siya.

Nanlaki ang mata ko nang pumasok ang lalaking tinatawag ni professor Morgan na Mr. Ortiz.

"Hello everyone! I'm Jester Ortiz twin brother of Markey." masiglang pagpapakilala niya na naging dahilan ng pagtili ng mga babae dito sa training room.

"Ang gwapo niya! Sana sakin na lang siya."

"Magkapatid pala sila ni Tober, kaya pala magkahawig sila."

"Siguro pagnagka anak kami, gwapo rin katulad niya."

Rinig kong bulungan ng mga babae sa likuran ko.

Siya yung lalaki sa Grand Hall kanina ah, kaya pala pareho sila ng mata ni Tober.

At the corner of my eyes I saw Tober clenching his fist.

"So they're brothers, another Ortiz in Winterhold." sabi ni Richard.

"Yeah, two annoying Ortiz." sabi ko habang nakahalumbaba.

"You know that Jester?" tanong niya sakin.

"Yeah, he's the annoying guy in the Grand Hall a while ago." sagot ko at isinandal ang likod ko sa pader saka pumikit

Tumawa lang si Richard dahil sa sinabi ko.

Weirdo.

Napadilat ako ng mata dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon. "Hi again miss Get Lost." nakangiting bati niya sakin.

Hindi ko siya pinansin at ipinikit ulit ang mata ko pero napadilat din ako agad nang maramdaman ang presensya niya malapit sa mukha ko.

itutulak ko na sana siya nang unahan ako ni Richard at Tober na hilain siya palayo sakin.

"Hey easy men, I'm just teasing her." natatawang sabi ni Jester at tinanggal ang pagkakahawak ng dalawa sa braso niya.

"Stop messing around Jester you are not in the Kingdom." seryosong sabi sakanya ni Tober.

"Tober's right bro. Stop messing around, especially to Josephine." seryoso ding sabi ni Richard.

"The two of you have feelings for her right?" he looked at them and smirked. "I also have feelings for her." biglang sumeryoso ang tono niya.

"Stop fooling around Jester." seryosong sabi ni Tober.

"Sorry but I'm not.....brother." sagot niya.

Ang seryoso ng atmosphere dito ah.

Lahat ng atensyon ng klase ay nasa amin dahil sa tatlong lalaking nasa harapan ko.

Tumayo ako at pumunta sa tabi ni Mandy.

"Hey besty what happened there?" nagtatakang tanong niya.

"I don't know, maybe they are out of their mind." walang ganang sagot ko.

Biglang natawa si Mandy sa tabi ko habang tinuturo ang kinaroroonan nung tatlo.

Pati ako ay natawa nang isa isang binatukan ni professor Morgan ang tatlo. Nagmukha tuloy silang kawawa.

***

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil kanina pa nangungulit si Mandy na magmeryenda.

"Besty hindi ka ba naiinis diyan sa Juvia na yan? Kanina pa yan dikit ng dikit kay Tober oh." naiinis na sabi niya habang tinuturo si Juvia na parang ahas kung makapulupot kay Tober.

Kanina pa siya reklamo ng reklamo sakin dahil diyan, well hindi ko naman siya masisisi, kasi nakakainis naman talaga yung mga gawain ni Juvia, akala mo naman mawawala si Tober.

"Hayaan mo na lang, ganyan na siguro talaga siya." sagot ko habang nakatingin sa dalawa.

"Hmm! Isa siyang haliparot, I hate her!" naiinis na sabi niya habang nagtatantrums. "Higit na mas maganda ka pa sakanya besty, wala pa nga siya sa kalahati ng kagandahan mo eh." pinisil niya ang magkabilaang pisngi ko at pinanggigilan ito.

"Stop it Mandy." suway ko sakanya at tinanggal ang mga kamay niya sa pisngi ko.

Ang sakit na tuloy ng pisngi ko.

"Josephine, what happened to your cheeks?" nag aalalang tanong ni Richard sakin at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko na namumula dahil sa pagpisil ni Mandy kanina.

"Mandy pinched it." sagot ko at tinuro si Mandy sa tabi ko.

"Hey, why did you do that?" pagkukunwaring galit na tanong niya.

"I-I can't resist her cuteness." nakayukong sagot ni Mandy dahil sa takot na naging dahilan ng pagtawa namin ni Richard.

"You look like a child who was scolded by your mom." natatawang sabi ng kasama ko.

"You two!" pinaghahampas hampas niya kaming dalawa kaya lalo lang kaming natawa.

"Hey, looks like Tober is jealous. He's looking at you." bulong sakin ni Richard, gumawi ako sa direksyon niya at nakitang nakatingin siya sakin.

"Why would he become jealous? I'm not his girl." sagot ko.

Napatingin kaming lahat sa lalaking tumawag sa pangalan ko. "Josephine! Good thing you're here." hinihingal na sabi ni Jester.

"Why? Do you need something?" walang ganang tanong ko.

"I just want to see your beautiful face." he said and winked at me. "Look, I toured this whole school just to find you and I'm so exhausted. My handsome face is full of sweat and oil right now." he said and pout.

Ang cute niya_ah! Ano ba yang iniisip mo Josephine! Tumigil ka nga.

"Tsk! Childish." Tober murmured.

"I heard you!" sabi ni Jester kay Tober at tinignan ito ng masama.

Kung nakakamatay lang siguro ang tingin baka kanina pa namatay itong dalawang to.

avataravatar
Next chapter