1 Chapter 1: Winterhold Academy

It's Dark, all I can see is darkness.

Where am I?

"Is anyone here? Hello!"

No one answered and all I can hear is my heart beat.

Where am I?

I almost lost my balance when I felt something cold on my shoulder.

What is this?

I close my eyes dahil may liwanag na tumama sa aking mata. Kasabay ng pagbukas ng aking mga mata ay ang unti unti kong pagkakita sa aking paligid.

Woah! Pangatlong beses ko na atang matatanong sa sarili ko to but

"Where am I?"

I saw a big castle in front of me and there is a woman sitting on the frozen fountain feeling the falling snows on her shoulders.

Pinapanood ko lang siya nang may nakita akong unti unting namumuong figure na gawa sa yelo sa kanyang mga kamay.

Wow! She is really something, nakakatuwa, pero akala ko ba matagal ng wala ang mga Khiodis, paano niya nagagawa yun?

Nakatalikod siya sakin kaya di ko makita ang mukha niya pero eto lang ang masasabi ko, pareho kami ng kulay ng buhok, and it's white.

"Sephine wake up. May pupuntahan tayo. Wake up now my princess."

Nagising ako dahil sa isang malambing na boses ng babae.

I slowly open my eyes and I saw a beautiful woman smiling at me.

"Goodmorning mommy!" I smiled back at her.

"How's your sleep my princess?"

"I had a dream mommy"

"What is it princess?"

I told her everything about my dream.

"My princess, there is something I want to tell you, it's about_"

Di na natuloy ni mommy ang sasabihin niya sakin ng may kumatok sa pintuan at niluwa nun si Daddy.

"My princess is already awake, goodmorning" he kissed my forehead and smiled.

"Gooodmorning too daddy" I smiled back.

"Take a shower and get ready princess, where going to Winterhold"

"Daddy, that Winterhold you are telling me is a school for people like us with special abilities right?"

"Yes princess, we are going to enroll you there."

So tama nga ang narinig ko kagabi na mag aaral ako sa Winterhold.

"Get yourself ready princess, we must hurry because tomorrow is your first day and you are still not enrolled. Now we're just going to wait for you downstairs, okay?"

"Yes daddy"

Both of them kissed both sides of my cheeks.

I'm so lucky to have the two of them. I'm the luckiest daughter in the whole world and I'm proud of it.

I took a shower and do my morning routine.

I look at myself in the mirror.

I have this almond shaped gray eyes na nakuha ko kay mommy, red lips pero lagi kong tinatakpan ng nude beige lipstick para hindi halata na red ang lips ko, pale white skin na bagay sa natural white hair ko na natural din ang pagkakulot, coca-cola shaped body and an average height.

Laging sinasabi ni mommy at daddy sakin na I have this unique kind of beauty. Maganda daw ako, well ayaw ko naman magsinungaling, totoong maganda talaga ako.

Hindi ako lumalabas ng bahay kaya hindi ko alam kung ano ang nasa labas ng kastilyo namin. Hindi ko rin alam kung hanggang saan ang nasasakupan namin, medyo nag aalinlangan pa ko kung lalabas na ba talaga ako at haharapin ang mga pagsubok sa labas.

Inhale

Exhale

You can do this Sephine! Fighting!

I went downstairs and then I saw my mommy and daddy waiting for me.

"Let's go princess?"

"Yes mommy"

We went inside the carriage, umupo si mommy sa tabi ni daddy sa harap ko kaya ang itsura ay magkaharap kami.

Bago kami tuluyang makaalis ay muli kong sinulyapan ang kastilyo namin dahil alam kong matagal pa bago ko ulit ito masilayan.

Dumaan kami sa madilim na gubat, hindi ko alam kung eto ba talaga ang daan papunta sa Winterhold.

"Daddy, are we lost?"

"No princess, we're in the right road. You know Winterhold, they don't want anybody to know about its existence, only royals just like us and elites are the only ones who are welcome in that school"

"Your daddy is right princess, pili lamang ang nakakapag enroll sa Winterhold" pag sang ayon naman ni mommy sa sinabi ni daddy.

Nang malapit na kami sa dulo ng kagubatan ay may unti unting pumapatak na nyebe, habang papalapit kami sa dulo ay dumarami rin ang mga nyebeng pumapatak.

Mahigit tatlong oras ang naging byahe namin bago tuluyang makarating sa Winterhold.

Nang tuluyan na kaming makalabas, hindi isang school ang inaasahan ko kundi isang kastilyo.

Woah! Is this really a school?! It's more like a castle to me than a school!

Hindi man ito kasing laki ng kastilyo namin pero nakakamangha parin ang ganda nito. Isa itong kastilyong gawa sa bloke ng matitigas na nyebe at may parte rin na gawa sa yelo.

How did they built this thing?!

Nabalik lang ako sa realidad ng tinapik ako ni mommy sa balikat.

"Let's go princess mag eenroll kapa. Alam namin ni daddy mo na napakaganda ng school na to, dito kami nagkakilala ng daddy mo, dito nabuo ang pagmamahalan namin at dito rin kami nagtapos ng pag-aaral. Marami ka pang matutuklasan dito habang nag aaral ka dito."

Wow! For real?! So dito nga talaga grumaduate sila mommy at daddy, dati naririnig ko lang to sa mga kwento nila ngayon nakikita ko na ng harapan.

"I can't wait to study here mommy and daddy, let's go!" nauna na kong maglakad and I heard my daddy chuckled.

"Our Princess is excited Treashin just like us the first time we enrolled here"

"She really get that cheerful attitude from you Dastan, see?" mommy said and kissed daddy on his lips.

They really love each other that much, I want to shout and tell everyone that I have the sweetest parents in the whole world.

Pinaandar ulit ni daddy ang sasakyan at pinasok sa gate ng Winterhold.

Man! Their gate is also made of thick ice! This is awesome!

Tumigil ang sasakyan sa harap ng malaking pintuan ng school. Lumabas na ko ng sasakyan at ibinaba ang mga gamit ko, well 3 malaking maleta ang dala ko so tig-iisa kami ng bitbit nila mommy at daddy.

Hindi na kami nagsayang ng oras at umiretso na agad sa registrar office para mag enroll.

Nagfill out na ko ng form, well as you can see fill out ang sinabi ko at hindi fill up, well its because mommy told me that fill out is the right word and not fill up. Because fill up means to make something full, generally with a liquid.

I wrote down my the things that are needed in the form.

Name: Miracle Josephine Beaufort

Age: 17

Gender: Female

Royal: ✔ Elite:

Special Ability: Water

Mother's maiden Name: Treashin Frost

Special Ability: Snow

Father's Name: Dastan Beaufort

Special Ability: Lightning

Pagkatapos kong mafill out yung form binigay ko na ito sa isang staff ng registrar.

"Your room number is 321, the rooms are in the right side of the castle. Here are your keys to your room and locker, your student handbook and your uniform. Bago ko nga pala makalimutan, bawal niyo gamitin ang abilities niyo dito unless na may kinalaman sa studies niyo."

"Ok po."

Inabot ko na ang mga ito, dalawang uniform at isang PE ang binigay sakin ng staff.

(di na ko naglagay ng picture ng PE uniform yan lang.)

"Thanks"

I went to where mommy and daddy is waiting and we went to my designated room.

Base sa sinabi nung staff sakin kanina odd numbers ang room naming mga girls at even numbers naman ang sa mga boys, so alternate lang ang dating.Wait, what?! So it means magkakatabi ang room ng girls at boys! Ibang klase.

Wow! This room is also made of ice, pero hindi siya kasing lamig dun sa labas, parang room temperature lang.

Ipinasok na namin ang mga gamit ko. Wala akong roommate kasi may kanya kanya kaming kwarto.

Pagkatapos naming inayos ang mga gamit ko, lumabas kami ng kwarto para ihatid si mommy at daddy sa labas ng school.

"I'm gonna miss you mommy and daddy"

Alam kong umiiyak na ko ngayon, hindi pa naman ako sanay na wala sa tabi ko si mommy at daddy.

"Aww don't cry princess, we're gonna miss you too. Always take care of yourself okay?" mommy said and kissed me on my cheeks.

"Here is your phone, just call us if you need anything or if you have any problems okay?" daddy said and gave me a phone.

After our goodbyes they leave.

Naiwan na akong mag-isa.

Inhale

Exhale

You can do this Sephine.

Pumasok na ko sa loob ng school at naglibot, kailangan ko pang malaman ang pasikot sikot dito sa school baka maligaw lang ako pag nagkataon.

I asked some of the students here kung saan ang library, and she told me na malapit lang ito sa hall. Gusto ko munang magbasa basa para malibang ang sarili ko.

Nagsimula na kong maghanap ng magandang librong babasahin and there nakahanap rin ako, about sa history ng Winterhold and I found a perfect place to read the book.

Pumunta na ko sa pinaka dulo ng library dahil walang taong umuupo doon.

I sat comfortably and started read my book when I heard something.

"You asshole! Do you want to go to hell huh?!"

"Sorry po, it's not me. Please have mercy" narinig kong pagmamakaawa ng isang lalaki.

Ayoko sanang silipin pero anong magagawa ko? Eh sadyang nakucurious ako.

Nagtago ako sa likod ng isang shelf at sinilip kung anong nangyayari sa parteng iyon.

I saw a guy with a fireball on his hand na kinuwelyuhan ang isang kawawang lalaki. Pilit nitong nagmamakaawa sakanya na huwag siyang saktan pero parang di siya pinapakinggan nito.

Wala ba talagang awa itong lalaking to! Ang yabang niya ah, hindi porke alam niyang mas malakas siya dito sa lalaking kinuwelyuhan niya eh tama ng saktan niya ito! Unang beses ko pa lang lumabas sa kastilyo namin tapos ganito lang ang makikita ko?! Ikaw na talaga ang kauna unahang tao na kamumuhian ko!

Nagdadalawang isip ako kung mangingielam ba ako o hindi, pero nakakatakot kasi yung presensya ng lalaki.

At sa huli mas pinili ko parin na mangielam.

Lalapit na sana ako sakanila ng ibinaba ng lalaki ang kwelyo ng kawawang lalaki. Wala na itong sinabi at tumalikod na lang saka umalis.

Nang hindi ko na maaninag ang lalaki ay agad kong pinuntahan ang kanina pang tulalang lalaki.

"Are you ok?"

Nakatulala parin ito kaya tinapik ko na ang pisngi niya at saka lang siya natauhan.

"Y-yeah"

Hindi parin ito nakatingin sa akin kaya inalalayan ko na lang itong tumayo.

"Ahm do you want to go to clinic? Baka may masakit sayo o ano."

"No thanks, ok na a_"

Di na niya natapos ang sasabihin niya ng humarap siya sakin.

"Are you really ok?"

Nakatulala parin siya sakin, I wave my hand infront of his face but still nakatulala parin siya.

"Hey, Mr. Ahm what should I call you?" I ask him and snapped my fingers.

"T-Thomas, I'm Thomas Greg."

"So Mr. Thomas, are sure that your ok?"

"Yes thank you Ms.?"

"Josephine" Inilahad ko ang kamay ko para makipag shake hands sakanya.

"Josephine?" Inabot niya ang kamay ko at nakipagshake hands na rin sakin.

"Miracle Josephine Beaufort" pagpapakilala ko.

"Beaufort huh. So you are the only daughter and princess of Beaufort kingdom?"

"Yes, I am and you are?"

"I'm an elite Princess Miracle" akmang yuyuko na siya harap ko nang pigilan ko.

"No need to be formal Thomas, just call me Josephine I'm also a student here in Winterhold."

"Damn! Im so lucky to face a beautiful lady infront of me"

"What did you say?" di ko narinig yung sinabi niya kasi binulong niya lang ito sa sarili niya.

"Nothing Josephine. So it's a pleasure to meet you and thank you for helping me."

Nginitian ko na lang siya at tuluyan na siyang umalis. Bumalik na ko sa kwarto ko at dumiretso sa kama. Kinuha ko ang picture frame na may picture naming tatlo nila mommy at daddy sa side table ko.

I miss you already mom and dad.

And tears began to fell from my eyes.

Ibinalik ko na ang picture frame at kinuha ang dalawang sandwich na prinepare ng servant namin kanina. Eto na lang muna ang dinner ko, tinatamad na kong lumabas.

Pagkatapos kong kumain pumunta na kong bathroom at ginawa ang routine ko saka natulog.

Tomorrow is my first day, sana maging ok lang lahat.

avataravatar
Next chapter