webnovel

Antoinette Heart-broken Delgado

Bata pa lamang ako, masyado na akong nagpa-paniwala sa mga happy endings. Pinapanood ba naman sa akin ng mga magulang ko halos lahat na ng mga Disney princesses kaya medyo nae-enganyo ako na maniwala sa ganito.

Antoinette Heart Delgado, 22, Mandaluyong City. Naniniwala sa kasabihang, "Hanggang kailan na lang ba ako aasa na magkakaroon ako ng jowa na di ako iiwan sa ere." Totoo nga po mga kapatid, wala pa akong jowa simula nung nakatapos ako ng kolehiyo. Alam mo yung lumulutang lang ako ngayon sa ere? Napag-iwanan nga ako dito. Wala pang may gustong sumundo.

"BUMABA KA NA DITO TONI, HUWAG MO KO HAYAANG UMAKYAT DIYAN!" Sigaw ng mama ko, "ILANG KALTAS NA NGA INAABOT MO SA TRABAHO MO."

Tumingin ako sa orasan at nagulat ako sa nakita ko. Malapit nang mag-8 ng umaga, hindi pa ako naka-ayos. Kumaripas ako ng pag-aayos sa sarili. Habang nagpapa-tuyo ng buhok, pumasok sa kwarto kapatid ko.

"Baka gusto mong mag-madali ate, May exam pa ako." Sabi ng kapatid ko.

"Oo na nga ito na, Jorel." Sagot ko.

Pinatay ko na yung hair dryer at bumaba na sa dinner area. Kumuha ako ng isang pirasong hotdog at nag-good bye kiss na kay mama para ihatid si Jorel at papasok pa sa opisina.

----

Makalipas ang 30 mins, nakarating na kami sa school ni Jorel. Bago bumaba sa sasakyan si Jorel, tinanong ako kung tuluyan na ba talaga ako naka-move on sa ex ko. Hindi kasi agad naniniwala itong kapatid ko pag sinabi ko na "oo". Hahanap at hahanap ito ng paraan para mapa-amin ako.

Ang nasabi ko na lang ay, "May exam ka pa di ba?"

Tinignan lang ako ng kapatid ko at umalis na siya.

Habang binabay-bay ko ang EDSA na unti-unti nang nagbi-build up na yung traffic at wala na akong choice kundi tanggapin ang kapalaran na makaka-tanggap ako ng memo this month. Bigla kong napa-isip, ano ba talaga ang nangyari sa aming dalawa?

Alam mo kasi sobrang recent lang ng nangyari na iyon. Di ko na lang iniisip kasi, sobrang nakaka-loka yung hiwlayan namin. Hindi inaasahan, nag-laho na parang bula.

---

Pagpasok ko sa opisina, pinatawag ako agad ng boss. Kinausap ko muna yung bestfriend ko dito sa office bago ko pinuntahan boss ko.

"Mainit ba ulo niya ngayon?" Tanong ko kay Tina.

"Bruha ka, kumo-quota ka na kay Ursula." Sagot ng bakla kong kaibigan, "gusto mo i-ready ko na yung resignation letter mo?"

"Baliw ka, Antonio." Sabi ko.

Kinuha niya yung alcohol ko sa desk ko at binigay niya sa akin, "Jusko banlawan mo bibig mo ng alcohol, Tina na nga ako hindi Antonio."

Natawa na lang ako sa baklang yun at pumunta na ako sa office ng boss ko.

"Pinapatawag niyo raw po ako, ma'am?" Tanong ko sa boss ko.

"Alam mo naman kung bakit kita pinatawag." Sagot ng boss ko, "To be honest Toni, you have a good perfomance in your work pero I just don't get it bakit ka laging late. Hindi naman malayo bahay mo, diyan ka lang naman sa may Pioneer. Is there something wrong? Noong baguhan ka dito di ka naman ganyan."

"Sa totoo lang ma'am, I am having personal issues po." wika ko, "It's just di ko lang po ma-control yung pag-sakop ng personal problems ko and yung career ko po."

"then do not bring it here. Set it aside for the meantime." Payo ng boss ko, "I know pinahihirapan ko kayo when we have projects kahit na may issues ako with my ex-husband lalo na nilalaban ko custody rights ko sa anak ko ngayon pero I do not let it control me."

Habang sinasabi niya yung mga yun, naiisip ko 'jusko ilang beses mo nang binring up yung story na yan kaya mo kami pinag-didiskitahan sa mga gawain mo'

Pagkatapos ng lahat na iyon, naka-tanggap pa rin ako ng memo at dumiretso na ako sa desk ko. Napansin ko na may kape na naka-timpla na sa table ko. May note pang nakalagay, 'I know you're having a tough morning, here's something to bright it up. - Kyle'

Wow may pakape na itong mokong na ito. Madalas akong asar-asarin pero ngayon bakit parang nag-iba ihip ng hangin? Binaba ko yung kape, umupo na ako sa upuan ko. Out of nowhere, ginulat ako ng batang iyon.

"AY BINASANG PUSA!" Sigaw ko

"Bakla anong binasang pusa?" tanong ni Tina, "Ikaw naman Kyle, bumalik ka na sa station mo kung ayaw mong bigyan kita ng memo sa ginawa mong yan."

"Ito naman, iniba ko lang yung mood ng bff mo." Sagot ni Kyle, "Masyado kasing seryoso yang kaibigan mo, need to loosen up."

Napangiti na lang ako at sinimulan nang mag-sulat ng ideas for the next article namin. Tumingin ako sa cork board ko at naka-assign na topic sa akin ay 'How to Date Like a Hopeless Romantic in a Geniune Way?'

Sino ba naman kasi ang nag-suggest nito? Alam naman nila na kakahiwalay ko lang sa jowa ko, ito ang binigay sa akin na topic.

Nilapitan ako ulit ni Kyle, "Alam mo bang partner tayo sa topic na yan at di mo man lang ako pinapansin."

"Teka paanong naging partner kita dito?" Tanong ko, "Bakit di ko matandaan?"

Sumingit si Tina, "Girl, Half-awake ka nung tinanong ka ni Ursula tungkol dito. Umoo ka na lang bigla."

"ganun ba baks?" tanong ko ulit.

"Girl mag-usap tayo in private please?" Aya ni Tina sa akin, "Kahit sa pantry lang."

"Sige lang." Sagot ko