1 The Heart of Sword

Note: English Version of this book is available.

The heart of a deceitful person is sharper than any two-edge sword. You can never trust that his other side won't hurt you.

_______________________________________________

Nakakabinging dagundong ng kulog at kidlat ang lalong dumagdag sa kawalang buhay sa paligid.

Isang babaeng puno nang galos ang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa execution ground ng Torra. Makikitaang hindi basta basta ang pagkamatay na sinapit nito.

Bali ang mga buto sa mga daliri na animo'y pinilit na tumugtog nang isang instrumento, walang mata sa kaliwa at duguan ang kanan, putol ang mga paa, at may hiwa sa bandang tiyan na may naglalabasang uod.

Isang pigurang nakatalukbong nang itim na kapa ang marahang lumapit sa babaeng nakahandusay na unti-unting nalilinis ang dugong naglalabasan sa katawan nito dahil sa napaka-lakas na ulan na may kasamang dagundong ng kalangitan ang lalong nagkapagpalumo sa buong kabayanan.

Itinaas nang lalaki ang kanang kamay na may punyal at tinarak sa bandang dibdib nito kung saan matatagpuan ang kanyang puso.

Paunti-unting pagpapadaan sa paligid nang puso ang punyal hanggang sa mabuo ang isang baliktad na tatsulok at pinasok ng lalaki ang kanyang kamay at dinukot ang pakay-ang puso nang babaeng nakahandusay.

'Salamat sa iyong paglilingkod, ikaw ay hindi mamamatay, bagkos ay mabubuhay sa piling nang ********* ***** ********(muted)'

__

Thank you for reading.

avataravatar
Next chapter