1 Prologue

Dedicated to: user72043817

~●~●~●~

"Daddy, why is God punishing me?" tanong ng isang batang babaeng nakaratay sa isang hospital bed. She was weeping but her face was blank. Her tears are just telling that she's not okay.

"May ginawa po ba akong masama? Is He taking away my life already? Does He wants me to be with mom?" she added and her dad broke into tears.

"No sweetie, God is not punishing you. You know that God loves you so much," he kissed his daughters forehead.

"Does He? But why did he gave me a weak heart if He really loves me? Why my heart hurts when I play with other kids?"

His dad don't know what to do. Kahit na ipaliwanag niyang hindi siya pinaparusahan ng Diyos ay hindi pa rin ito maiintindihan ng inosenteng isipan ng kanyang anak. Masyadong komplikado ang mga nangyayari kaya mas pinili niyang tahimik na lumuha na lang habang nakatingin sa kanyang anak.

"God loves you so much sweetie," sabi niya. Napatingin na lang sa bintana ang kanyang anak, na wala pa ring emosyon ngunit patuloy sa pagtulo ang mga luha. "He loves you more than I do. He just want us to trust Him."

Pinunasan ng batang babae ang kanyang luha at napayuko. "But I've trusted Him, daddy. Nagpray na po ako sa Kanya," suminghot siya, at ipinampunas ang kumot sa kanyang sipon at luha. "Naiinggit po ako sa mga batang nasa labas at nagtatakbuhan. Gusto ko pong makipaglaro sa kanila daddy. Gusto ko pong tumakbo."

"Pero hindi pwede, mapapagod ka lang, at bawal sa iyo ang mapagod."

"Gusto kong maglaro daddy. Ayokong manatiling nakahiga dito. Gusto ko pong gumala. Gusto ko pong pagpawisan. Ayoko dito! Ayoko sa puso ko!"

"But-"

"Mas mabuti pa ngang mamatay na lang ako. My heart is tired daddy! I wanna die-"

"DENIM! DON'T YOU EVER SAY THAT TO MY FACE AGAIN!" ang kaninang malungkot na mukha ng papa ni Denim ay tila nagbago na parang isang leon na galit na galit.  Nagulat din si Denim sa kanyang ama at napapahiyang nag-iwas na lang din ng tingin.

Hindi maipaliwanag ng ama ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang sisihin ang sarili sa nangyayari sa anak pero walang silbi ang pag-iyak sa natapon na gatas. Pakiramdam niya'y nagkulang siya sa kanyang pamilya, nagkulang siya bilang ama.

"Wala na ang mommy mo, Denim. Kaya hindi ako makakapayag na mawala ka rin sa akin. Kaya please, I don't want you to give up," naluluha pang dagdag ng daddy niya at napaupo sa kanyang kama.

"Pero malungkot lang ako habang nabubuhay daddy. Gusto ko nang makasama si mommy sa langit," kahit anong gawin ng kanyang ama ay walang ibang naisip si Denim kundi ang sumuko. Sa murang edad ay nahihirapan na kasi siya, lalong-lalo na't ang puso niya mismo ang nagpapahirap sa kanya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng kanyang ama bago yumuko. May kinuha ito sa ilalim ng lamesa, isang case at isang manipis na tila magazine. Nakayuko si Denim kaya hindi nito nakita ang regalo ng kanyang ama para sa kanya.

Binili ito ng kanyang ama para sa kanya nang sa ganon ay makatulong ito sa pagpapagamot, at makalimutan ang dinaramdam. Isang gitara, isang bagong biling gitara na kanyang inaasam-asam.

"Alam kong kapag naibigay ko sa iyo 'to ay baka magbago ang isip mo anak," hindi na nito hinintay pang makasagot ang kanyang anak at lumabas ng kwarto.

Saka lang napatingala si Denim nang maaninagan niya ang case ng guitara kung saan din nakapatong ang manipis na tila magazine. Nagliwanag ang kanyang mga mata, dahil ang bagay na matagal niya nang inaasam ay nasa harapan na niya ngayon.

Nagmadali siyang buksan iyon, at bumungad ang isang itim, at makintab na gitara. Iba't-iba rin ang kulay ng strings nito na siyang nagpapaganda pa sa bagong gitara.

Labis na kasiyahan ang kanyang naramdaman habang dahang-dahang inilalabas ang bagay na iyon mula sa kanyang sisidlan. Ang kaninang lungkot na naramdaman niya ay unti-unting napawi.

Sa kabilang banda, ay may isang batang lalaking naconfine sa ospital. Ng dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito ay napilay ang kanyang kaliwang paa, dahilan na manatili muna siyang nakaupo sa isang wheelchair. Ngunit di gaya ni Denim ay masaya itong nabubuhay. Walang karamdamang iniinda, at may kumpletong pamilya na handa siyang suportahan sa lahat ng bahay. Tanging ang legbrace lang ang kanyang dinadala na malapit na rin namang gumaling.

Habang binabagtas nito ang kahabaan ng hallway sakay ng kanyang de-gulong na upuan ay natanaw niya ang isang mama, nakaupo sa sahig sa tapat ng pinto ng isang kwarto habang sinasabunutan ang kanyang sarili. Napansin niyang gumagalaw-galaw ang balikat niya kaya napagtanto nitong umiiyak ito.

Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng awa sa lalaki. Nilibot niya ng tingin ang buong paligid at nang mapagtantong wala nang iba pang nasa hallway bukod sa iilang nurse at sa kanilang dalawa ay napagpasyahan niya itong lapitan para kamustahin.

Gamit ang lakas ng kanyang dalawang braso ay ipinagulong niya ang wheelchair patungo sa pwesto ng mama. Habang lumalapit siya ay naririnig niya ang impit na paghagulgol nito.

"Manong, ayos lang kayo?" tanong nito. Napatingala ang papa ni Denim na nakasabunot pa rin sa kanyang buhok.

Nang mapagtanto ng papa ni Denim magulo pala ang ayos niya ay kaagad siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili. Pinunasan na rin nito ang kanyang luha at sipon at nagpakawala ng pilit na ngiti sa batang lalaking kunot ang noong nakatingin sa kanya.

"O-Oo naman hijo, ayos lang ako. Pasensya ka na," sagot nito at muling pinunasan ang luha na malapit na namang tumulo.

Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nakarinig sila ng musikang nanggagaling sa loob. Isang napakagandang musikang walang lirikong sumusunod.

Namangha ang batang nasa de-gulong na upuan. Napako ang kanyang tingin sa pinto ng kwartong nilabasan ng lalaking nasa harapan niya.

"Ano pong meron sa loob?" wala sa sariling tanong ng bata habang nakatitig pa rin sa pintuan.

"Yung anak ko. Ang galing niya diba?" sagot nito sa kanya, pero pansin ang pagpipigil nito ng iyak na halata dahil sa kanyang boses na nanginginig.

Bahagyang tumango ang bata, napapangiti habang pinapakinggan ang napakagandang musikong nagmumula sa loob.

"Bakit po siya nasa loob?" usisa ng bata.

"May sakit siya sa puso. Kasing edad mo lang yata siya hijo."

May kung anong tuwa na naramdaman ang bata. Nang mapagtanto niyang magkasing-edad lang sila ng munting musikero sa loob ay mas lalo siyang napahanga sa galing nito.

Nilingon niya ang mama na may ngiti sa labi.

"Pwede po bang pumasok? Gusto ko po siyang makita."

Hindi maipaliwanag ng tatay ni Denim kung ano ang kanyang nararamdaman. Ito ang unang beses na may namangha sa kakayanan ng kanyang anak. Ang kahilingan ng batang lalaki sa kanyang harapan ay nagpapabukadkad sa kanyang puso sa sobrang tuwa.

Ang kaso'y hindi pa maayos ang pakiramdam ni Denim sa ngayon, matapos ang sagutan nila kani-kanina lang. Ayaw niyang biglain ang kanyang anak kapag ipinakilalal niya ang isang di-kilalang tao sa kanya, lalo na't mailap siya sa mga tao.

"Pwede po ba, Manong? Pwede po ba?" puno ng pagkasabik ang tinig ng bata. Ngumiti lang ang papa ni Denim at ginulo ang buhok nito.

"Masama pa pakiramdam niya eh. Pero, papayagan kitang sumilip," sabi niya kaya nakangiting tumango-tango ito sa kanya.

Inalalayan niyang makatayo ang bata. Gamit ang isang paa ay patalon-talon nitong tinungo ang pinto sa tulong ng mamang binuksan ang pinto, ngunit hindi maluwag. Yung tamang-tama lang para masilip ang kung sino mang nasa loob ng kama.

Mukhang hindi naman napansin ni Denim ang bahagyang pagbukas ng pinto, kaya nagpatuloy lang siya sa pagtugtog. Kumislap ang mata ng batang lalaki habang nakita niya ang batang babaeng tumutugtog ngunit bahagya siyang nalungkot nang maaninagan ang luhang pumatak mula sa mga mata nito.

"Ang galing niya," bulong niya sa sobrang mangha. Nakita pa nito ang mabilis na pagkuwit ng mga daliri nito sa kuwerdas ng gitara na gumagawa ng tunog na napakasarap sa tenga.

Napangiti na lang ang tatay ni Denim na ngayon ay nasa likod ng batang lalaki. Natutuwa siya ngayong nakikita ang isang musmos na namamangha sa kanyang anak. Hindi nito mapaliwanag ang matinding kasiyahan.

"Ooperahan na siya sa susunod na linggo, kaya hinayaan ko siyang tumugtog para pakalmahin siya. Ang mama niya ang nagturo sa kanya niyan," pagmamalaki ng ama.

Nakangiting nilingon siya ng bata at tila mas namangha pa. Kumikislap ang mga mata nito na animo'y isang matagal nang iniidolo ang kanyang nakita.

"Kwas ko po ang anak niyo Manong. Ang galing niya!"

Nagulat ang ama sa sinabi ng bata. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay natawa na lang ito dahil sa sinabi ng batang nasa kanyang harapan. Kung kanina'y malungkot ang pakiramdam niya, napunan iyon ng tuwa magmula noong makita ang paghanga sa mga mata nito.

"Ang kulit mo talagang bata ka! Ano nga bang pangalan mo?"

"Baby, nandyan ka lang pala. Magpahinga ka na, maaga tayong aalis bukas," naagaw ang atensyon nila nang biglang sumulpot ang isang babaeng nasa mahigit mid-30's na ang edad.

Biglang napalingon sa kanya ang babae, kumawala ng isang pilit na ngiti na ginantihan din naman ng lalaki.

"Ikaw bata ka, kung saan-saan ka nagsususuot. Eh paano kung mawala ka?" singhal nito sa bata habang tinutulak ang wheelchair palayo sa pwestong iyon.

Sinundan na lamang ng tingin ng lalaki ang batang hindi man lang siya nabigyan ng pangalan. Isang ngiti ang kanyang pinakawalan dahil pakiramdam nito'y isang maligayang bata ang kanyang nakatagpo.

At pakiramdam niya'y makikilala nito ang kanyang anak at pasasayahin.

Hindi niya maintindihan ang pangitaing iyon pero malakas ang kutob niya.

Na hindi lang ang gitara ang magpapatawa sa buhay ng kanyang anak.

Na hindi lang ang anim na kwerdas ang magpapangiti sa kanyang anak.

Na hindi lang ang musika ang kayang magpasaya sa kanyang anak.

He knew that day will come.

Not now, but soon.

avataravatar
Next chapter