1 PROLOGUE

INGAY... KAGULUHAN... TAKOT... PIGHATI... KAGUTUMAN... AT... KAMATAYAN...

Ilan-ilan lang yan sa mga nangyayari ngayon sa mundo. Ang mundong sobrang kakaiba na kesa dati. Ang mundong puno na ng bahis ng takot ngayon.  At ang mundong unti-unti ng sinisira ngayon.

Kailan ito nagsimula?

Anong klaseng pangyayari ang nagaganap ngayon sa mundong Ito?

Matatapos pa ba ito?

May mga kakaibang nilalang ang namumuno ngayon sa mundo. Nilalang na sobrang kakaiba sa tao. Ang nilalang na sobrang lakas. At ang nilalang na ito ang dahilan kung bakit naghihirap ngayon ang mga tao.

Saan sila nagmula?

Anong klaseng mga nilalang ang mga Ito?

May makakatalo ba sa kanila?

Wala ng kahit na anong pangangailangan ng mga tao sa mundo.  Wala ng pagkain. Wala ng kadamitan na pangbihis. At wala ng matutuluyan. At ang tanging tubig nalang ang tanging masasandalan nila. At lahat ng yon ay dahil sa kagagawan ng mga kakaibang nilalang.

Labis-labis na ang gutom ang nararanasan nila. Ang mga nakaka-awang iyak ng mga bata at sanggol dulot ng kagutuman, ay sobrang hirap ng malunasan.

Ang mga natitirang walang kalaban-laban na mga tao ay nagtatago na lamang sa ilalim ng lupa,  upang di nila marining o masaksihan ang nakakatakot na mga digmaan ng mga sundalo laban sa kakaibang nilalang.

Bawat segundo. Bawat minuto. Bawat oras, ang kanilang panalangin na sana ay may dumating na tagapagligtas nila. Ang tagapagligtas na tatapos sa kasamaan ng mga kakaibang nilalang na nagdulot ng matinding pagkasira ng mundo.

Kailan ito mangyayari?

Saan sila makakahanap ng taong magliligtas sa kanila?

May paraan ba upang makahanap ng tagapagligtas?

O may iba pang paraan upang matalo ang masasamang nilalang na ito?

avataravatar
Next chapter