webnovel

Vague Torments

Diane's P.O.V.

Napabalikwas ako ng bangon sa higaan. Humihingal ako at basang-basa ng pawis ang buo kong katawan. Nakahinga ako nang maluwag na para bang inilabas ko ang lahat ng paninikip sa aking dibdib nang dahil sa hindi maipaliwanag na kaba.

"Hay, salamat naman at panaginip lang ulit!" sabi ko sabay sapo sa aking noo.

I had been dreaming about that weird scenario for two years already. Sa sobrang klaro ng mga detalye, parang totoo tuloy ang lahat ng mga pangyayari. It was the same nightmare na hindi ko naman alam kung ano nga ba talaga ang totoong koneksiyon sa akin.

Minsan ko nang naikuwento sa aking ina ang tungkol sa panaginip kong ito ngunit kahit napakabait nito ay pinagalitan niya lamang ako. Kung ano-ano raw ang lumalabas sa imahinasyon ko at baka nag-level up na rin daw ako sa club.

Pinagbintangan pa nga akong nagbabasa ng mga pocketbook na may kinalaman sa sex at nanonood ng bold movies! Si Mama talaga, mabait nga pero over-reacting. Kaya kahit ilang beses ko pang mapanaginipan ulit, hindi ko na lang din sinasabi, but it doesn't mean that it wasn't affecting me.

Walang araw na hindi ko naiisip ang panaginip kong 'yon! Palaging gano'n na lang kasi ang mga eksena at walang nababago. Ang dami kong tanong palagi sa isip ko… katulad na lang ng kung bakit ko patuloy na napapanaginipan 'yon eh hindi naman malaswa ang pag-iisip ko?

Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko na nasa bedside table. It was already six in the evening. I set aside my thoughts because I had to go to work. Alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi ang duty ko sa club tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo. Sabado ngayon.

Masakit pa ang ulo ko dahil nag-overnight kami sa bahay ng kaklase at kaibigan kong si Karen para tapusin ang aming thesis. Documentary thesis pa lang siya ngayon at next term pa ang final defense. Ang batch namin ang first time na magkakaroon ng thesis kaya talaga namang nakakainis. Alas-diyes ng umaga na ako nakauwi at ala-una naman ng hapon ako nakatulog dahil sa sobrang init.

Bumangon ako sa kama at dire-diretso sa sariling CR na nasa loob ng kuwarto ko. Isang oras ang lumipas at tapos na akong maligo. Nagsuot lang ako ng sleeveless lacy black top na binagayan ko ng blazer at faded blue na pantalon.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang lagpas-balikat kong buhok, habang ngumingiti sa harap ng salamin. Medyo biniyayaan ako ng malalaking dibdib na size 36B, kung kaya't as much as possible ay hindi ako nagsusuot na makikita ang aking cleavage. Naglagay lang ako ng kaunting pulbo at lipstick, and I was all set.

Pagbaba ko ng hagdan ay saglit kong sinilip si Mama sa kuwarto niya. Mabuti naman at payapa na siyang natutulog. Pumunta ako sa kusina at kinain ang pagkaing hinanda ni Mama para sa'kin—kanin at saka fried chicken. Malamang, kumain na rin 'yong dalawa kong kapatid dahil tambak na naman ang hugasin. Hinugasan ko na lang dahil ayokong makakita ng marumi.

Paalis na ako ng bahay nang makita ko si David Cristoff—ang isa sa aking mga kapatid. Pangalawa siya sa akin at ang bunso naman namin ay si Denise Camille. Lahat ng mga pangalan namin ay nagsisimula sa letters D at C. Sadyang mahal na mahal lang talaga ni Mama Cecille ang namayapa naming ama na si Dominic.

"Running for class valedictorian nga pala ako, Ate…" sabi niya sabay kindat sa akin.

"Talaga, Dave? Wow! Eh 'di mabuti. Siguradong makakakuha ka ng full scholarship niyan sa kolehiyo… at siyempre, sa magandang university ka dapat papasok ha? I'm so proud of you!" nakangiti kong sabi sa kanya sabay ginulo ko ang buhok niyang gabi na nga ay nakapostura pa.

At least, kahit papaano ay nabawasan ang pagod ko sa sabay kong pag-aaral at pagtatrabaho nang dahil sa sinabi niya. Nakagagaan sa pakiramdam na hindi pasaway ang mga kapatid ko, kahit na minsan ay nakakalimutan nilang maghugas ng mga plato. Dahil doon ay biglang nawala ang sakit ng ulo ko at ready na ulit ganahan sa pagtatrabaho.

Sa dalawang kapatid ko, si David lang ang nakakaalam ng pagiging dancer ko. Ipinaunawa ko sa kanya ang sitwasyon and despite his young age, mabilis naman niyang naintindihan 'yon. Ipinangako ko rin sa kanya na kapag nakatapos na ako ng kolehiyo ay titigil na rin ako sa pagtatrabaho sa club at magiging isa sa mga tinaguriang best accountants ng bansa.

He would like to stop going to school para tulungan daw ako sa pagtatrabaho, pero 'yon naman ang hindi pwede. Sinabi kong saka na lang niya ako tulungan kapag nakatapos na rin siya sa college.

On the other hand, masyado pang bata si Denise. Baka dumating ang oras na hindi ko na rin kayaning mag-isa, kaya ngayon pa lang ay hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho at pag-iipon para sa kinabukasan niya… nilang dalawa.

"Ate naman!" reklamo ni David habang inaayos ulit ang buhok niyang nagulo ko na. Inamoy ko ang kamay ko at amoy na amoy pa rin doon ang hair wax na ginamit niya.

"Bakit? Hindi ko na ba pwedeng lambingin ang kapatid ko? Hmpft! Matutulog na nga lang, kailangang nakaayos pa ang buhok?" natatawa man ay kunwaring nagtatampong sabi ko. "May pinapagwapuhan ka na ba ha?" pahabol na tanong ko.