1 Chapter 1: 6th Grade

Hi!!.. My name is Keaira Anne Jereni so my life is not perfect as you can see so Im starting to write my story.

Keaira's POV:

6th grade ako nun nung nag simula na lang bumaba yung self esteem ko siguro dahil na nga rin sa mga naranasan ko nun. Naalala ko pa na lagi akong napapahiya kasi nga hindi ako katalinuhan lagi akong pinupuntirya ng teacher ko nun na mag solve ng math problem sa blackboard, pag di ka nakasagot ng tama lagi kang makakarinig sakanya ng mga salitang " ISA PANG KATANGAHAN, ANO TANGA TANGAHAN LANG, TANGA LANG ANG PEG" ng naka sigaw kaya lumiit na rin yung tingin ko sa sarili ko ng dahil dun. Pero okay naman na ko ngayon kasi past is past.

At nung mga panahong yun meron naman akong karamay ang bestfriend ko si Kaia Emerson. Bata palang kami mag kaibigan na kami siguro mga 6 years old, simula grade 1 hanggang grade 6 lagi na kaming mag kaklase.

Kaia's POV:

Hi my name is Kaia Emerson ang nag iisang kaibigan ni keaira nung 6th grade at lagi akong nasa tabi nya para damayan sya dahil trip sya ng teacher namin nun. kaya kapag uwian na, lagi lang kaming nag lalakad para mapahaba yung pag ku-kwentuhan namin. Tumawa o ngumit man lang sya kahit pa-paano.

keaira' POV:

Naka graduate na kami ni kaia ng grade 6 so nag pa-plano na kami kung san kami mag aaral para mag kasama pa rin kami kaso nga lang biglaan yung paglipat nila ng bahay, na nalaman ko na lang nung nag messages sya saakin kaya sobrang natakot ako nun kasi mag  se-seventh  grade ako ng wala yung nag iisa kong kaibigan.

avataravatar