webnovel

CHAPTER 16: TRAPPED

"Paumanhin, Ma'am Celina. Pero, kailangan naming gawin ito…" Mahinang bulong ng sekretarya ni Aljohn. Pagkuwa'y walang paalam na tinakpan nito ng isang panyong may gamot pampatulog ang ilong ni Celina.

Isinunod din ng isa pang nakaantabay na tauhan si Ashton. Halos sabay silang nawalan ng malay at tuluyan nang naitakas ng mga ito.

***

"RIIING! Riiing! Riiing!"

Pupungas-pungas na napadilat ng mga mata si Celina nang maalimpungatan sa tunog ng telepono. Bahagya muna niyang sinipat ang paligid at napagtantong hindi pamilyar sa kanya ang bahay na iyon.

Pilit siyang bumangon at hinanap iyon.

Makailang ulit pa iyong tumunog bago niya tuluyang nasagot.

"Hello!" aniya.

["Hello! Celina…"] Kilalang tinig ang nabungaran niya sa kabilang telepono.

"Kuya Al! What's happening?! At nasaan kami?" Sa umpisa pa lang ay naghihisterya na siya.

["Celina, I'm sorry for doing this. But, you have to put your trust on me this time… Nariyan kayo sa isang private island na pag-aari ng aming pamilya. Hindi kayo d'yan  mahahanap ng mga pulis kaya 'wag kang mag-alala."] Agad namang paliwanag ni Al sa kalmadong tono.

"Ano? Island ba kamo ang sinabi mo?" Halos hindi niya mapaniwalaan ang sinabi nito. Ibig sabihin ay itatago sila nito na parang mga kriminal?

"Naguguluhan ako, Kuya Al! Saan ba kasi nanggaling ang Warrant of Arrest? Sino ang nagsampa sa'min ng kaso? Anong kasalanan namin ni Ashton? Tell me!" Wala talaga siyang maisip na rason sa mga sandaling ito.

["It's from Reynolds' family. There's a CCTV footage na patunay na kasama kayo ni Jess noong gabing maaksidente siya."]

"Oh, gosh!" Natampal niya bigla ang noo at nanlulumong napaupo sa naroong couch.

'Oo nga pala. Iyong aksidente! Ang sama ko... Ang sama-sama ko! Bakit, all this time ay nawala sa isip ko ang nangyari? I'm so selfish! Stupid! I'm so sorry, Jess… sorry,' mangiyak-ngiyak na impit niyang pagkastigo sa sarili.

Masyado rin kasi siyang naging abala nitong mga nagdaang araw sa kahahanap ng trabaho. Halos buong mundo niya'y umikot na lang sa paghahanap ng pagkakakitaan para sa pagpapagamot ng mommy niya. Maging ang sarili nga niya'y napabayaan na rin. Halos hindi na nga niya maalala kung kailan siya nakatulog ng mahimbing nitong nagdaang linggo bago siya puntahan ni Aljohn.

"Kuya Al, I need to see Jess!" matigas niyang turan. "Kailangan kong malaman ang kalagayan niya… k-kung kumusta na siya? Nagkamalay na ba siya? Nakalabas na ba siya ng ospital? O kung—"

["Celina, calm down!"] Malakas na putol ni Aljohn sa paghihisterya ni Celina. ["Calm down, okay? I know this would be your reaction once na malaman mo ang nangyari. Kaya ko nga ginagawa 'to, e! Hindi ka puweding magpakita sa kanila. Hindi kayo puweding makulong ni Ashton!"]

"P-pero—"

["Alalahanin mong may kasunduan pa tayo, Celina! Hindi ka puweding sumira sa usapan natin or else... you'll suffer the worst consequences for this!"] Mariing pagbabanta ni Aljohn.

Iyon na nga! Noong una pa lang ay kinukutuban na siya na hindi talaga nito intensyon ang tulungan sila ng pamilya niya. Kundi gagamitin lamang sila sa mga pansarili nitong plano't kasakiman.

Mariin na lamang siyang napapikit at pilit na pinatibay ang loob. Kailangan niyang maging matapang sa ngayon… at least for now.

"You're worst than Ashton, Kuya Al!" hindi niya napigilang turan.

["Celina, listen to me! I'm after your safety here, okay? I'm doing this to save you two!"] Giit nito.

"Then, let us face the accusations to prove that we're not guilty! Kung itatago mo kami, lalo silang mag-iisip na may kasalanan nga talaga kami sa nangyari. Hindi 'to makakatulong, Kuya Al! Isa pa, alam ni Jess ang totoong nangyari. Siya ang magpapatunay..."

["That won't do this time, Celina. Dahil nasa coma pa rin si Jess hanggang ngayon. He's our only hope sakaling hindi ako makahanap ng butas para malinis ang pangalan niyo. Kaya ipagdasal mo na sana magising pa siya! But, for the mean time, bigyan mo 'ko ng isang buwan… j-just one month to clean this mess. All you have to do is to stay there with Ashton at simulan mo na ang pagbilog sa utak niya to settle all down! Okay?"]

"E, kung 'yong kompanya lang naman ang habol mo, Kuya Al… can't you see that this is a good opportunity to take Ashton's throne? Hayaan mo siyang makulong para mawalan siya ng karapatan sa kompanya!" giit niya. Para sa kanya'y mainam na ang pagkakataong ito para angkinin ni Aljohn ang karapatan sa kompanya, gayong may dungis na ang pangalan nito't malaki ang tiyansang makulong.

["Then, how about you? Sa tingin mo ba gano'n lang kadali 'yon? Mag-isip ka nga! My father won't let that happen, too! Lahat ng paraan ay gagawin niya mapawalang-sala lang ang kaso ni Ashton. So, let's stick to our plan… It's the safest and sure way. Just trust me, Celina."]  

Pagkatapos niyon ay binabaan na siya nito ng telepono.

SA KABILANG BANDA nama'y nagising na rin si Ashton. Namamangha man sa lugar na kinaroroonan ngunit, si Celina kaagad ang una niyang naalala't hinanap.

Nakita niya ito sa may sala. Nakatukod ang mga braso nito sa ulo habang nakayuko. At umiiyak. Kaya kaagad niya itong nilapitan.

Nagbaba siya ng katawan sa harapan nito't marahang tinapik ang balikat ng asawa.

"Celina, b-bakit ka umiiyak?" tanong niya.

"Umalis ka sa harapan ko!" mahina ngunit, mariing sagot nito.

Hindi rin nito magawang salubungin ang kanyang mga titig at pilit na umiiwas. Mabilis din nitong pinunasan ang mga luha upang itago sa kanya. Ngunit, huli na iyon dahil alam niyang umiiyak ito.

"M-may nangyari ba? Ano ang iyong suliranin?" Patuloy niya sa pangungulit. Nababahala rin kasi siya't hindi matiis na manahimik na lang gayong tiyak siyang may pinagdadaanan ito.

Muli pa sana niyang tatangkaing hawakan ito nang mabilis nitong iwinaksi ng malakas ang kanyang kamay. Sa pagkagulat sa ginawa nito'y nawalan siya ng balanse't napaupo sa sahig.

"This is all your fault, Ashton!" bulyaw nito sa kanya sabay tayo sa kinauupuan. Matatalim din ang mga titig nito sa kanya habang sinasabi iyon.

"A-anong i-ibig mong sabihin?" natitigilang tanong niya. Bukod sa hindi niya maintindihan ang sinabi nito'y nagtataka rin siya sa kakaibang galit na nakikita niya sa mga mata ng asawa.

Hindi niya lubos na matukoy kung saan nanggagaling iyon o sa anong kadahilanan. Dahil wala siyang alam.

"Stupid!" Iiling-iling at naitirik pa nito ang mga mata bago siya tuluyang tinalikuran.

Wala siyang ibang nagawa kundi ang sundan na lamang ito ng tingin. Ngunit, may parte sa loob niya ang nasasaktan sa pagtrato nito sa kanya ngayon. Wala naman siyang ibang nais kundi ang damayan ito sa problema, magsilbing sandalan nito sakaling hindi na nito kaya, at maging asawa na siyang magtatanggol at maaasahan nito ano mang oras. Ang hindi magawa ang mga bagay na ito'y pakiramdam niya isa siyang inutil. At masakit iyon para sa kanya.

Napapaisip tuloy siya kung anong ugali ang mayroon siya noong nasa kanya pa ang memorya? Kung papaano niya ito tratuhin bilang asawa? At kung may nagawa ba siyang malaking kasalanan para makita niya ang matinding galit nito sa mga mata na para lamang sa kanya.

At dahil sa mga isiping iyon ay hindi niya napigilan ang sariling mapaluha. Tila may hatid din na hapdi sa kanyang mga mata ang pakiramdam na itinataboy siya ng asawa.

"AHHHHHH!" Nagsisisigaw ng malakas si Celina sa sobrang galit nang lubos niyang mapagtanto ang kanilang kinaroroonan. Totoo ngang nasa isang isla sila sa gitna ng malawak na karagatan. Tanging ang nag-iisang mala-Caribbean beach house lamang ang katayo roon maliban sa mga naglalakihang puno't mga bato.

Nagdadabog at pinagsisipa ni Celina ang mga buhangin sa dalampasigan. Doon niya ibinuhos ang lahat ng galit at pagkainis. Kahit sobrang ganda't mala-paraiso ang lugar na iyon dahil sa luntiang mga puno, mapuputi at pinong mga buhangin ay hindi man lang niya magawang purihin, dahil mas nangingibabaw ang mga problema sa isipan niya.

Tanaw ni Ashton ang lahat ng pagmamaktol na iyon ni Celina mula sa glass wall ng rest house. Makailang ulit pa nitong tinangkang puntahan ang asawa ngunit, natatakot itong gumawa ng ano mang hakbang.

Sa kabila ng urong-sulong na pag-iisip ni Ashton ay nagpasya na rin itong lapitan na ang asawa. Sa tingin naman nito'y kalmado na siya.

"Celina…" Isang mahinang pagtawag mula sa kanyang likuran ang narinig ni Celina. Ngunit, ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

Hanggat maaari ay ayaw na niyang pagbuntunan pa ito ng galit kaya umiiwas na siya. Ngunit, sadyang makulit ang lalaki't nagawa pa nitong umupo sa tabi niya.

"Celina… Maaari mo rin namang sabihin sa akin kung ano ang iyong suliranin upang matulungan kita," anito.

"'Di ba, sinabi ko na sa 'yong layuan mo muna ako?!" bulyaw niya't mabilis na tumayo. "Bakit ba ang kulit mo, ha?"

Akma na rin sana siyang aalis ngunit, hindi nagpatinag si Ashton. Agad nitong hinawakan ang kanyang kamay at muli siyang pinihit paharap.

"Celina, baka makatulong ako—" Hindi na natapos ni Ashton ang dapat pa sanang sabihin nang malakas na pinadapo ni Celina ang kanyang palad sa pisngi nito.

"Wala kang ano mang maitutulong, Ashton! Kaya hinihiling ko sa 'yong manahimik ka na lang. Maaari ba?"

"Ngunit, papaano ako mananahimik kung nakikita kitang lumuluha?" Bahagya na ring tumaas ang boses ni Ashton. Halatang naiinis na rin ito sa nangyayari. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin kung ano ang suliranin?"

"Ikaw! Ikaw, Ashton!" Galit na sinugod niya ang asawa't dinuro-duro ito sa dibdib. Makailang ulit din niya itong tinulak. Gusto niya itong saktan. How she wish na sana'y maramdaman din nito ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling ito.

"Ikaw ang problema ko! Ang lahat ng nangyayaring ito'y kasalanan mo! Ikaw ang naglagay sa atin sa sitwasyong ito… ng dahil ito sa mga kagagawan mo! Kaya walang ibang dapat na sisihin kundi ikaw!" Mariin ang bawat salitang binitawan niya. Sapat na para damdamin iyon ng lubos ni Ashton. Gusto niyang saktan ang damdamin nito ngayon. Gusto niyang kahit papaano'y makaramdam man lang ito ng pagka-guilty.

"Ano ba kasi ang aking nagawang kasalanan? Bakit ayaw mong sabihin sa akin nang sa gayon ay makabawi ako!" Bakas na ang iritasyon sa mukha nito. He's dying to know the truth.

"Wala! Wala kang dapat na malaman, Ashton. Mas mabuti ng hindi mo matandaan ang mga kasalanan mo! Hindi mo rin gugustuhing malaman kung talagang nais mong pagsisihan ang lahat ng iyon!" Mas mabuti ng maging pala-isipan na lang muna para sa asawa ang mga bagay na iyon. Dahil baka kapag nalaman nito'y biglang may memorya itong maalala. At kapag nangyari iyon, mas malaki pa ang poproblemahin niya.

Sandaling hindi nakapagsalita si Ashton. Tila hindi nito malaman kung ano ang dapat na maramdaman o ano ang dapat na sabihin. Hindi na rin nito nagawang pigilan pa si Celina nang makitang lisanin niya ang dalampasigan.

...to be continued

Next chapter