1 Prologue

"Omg" Kinikilig na sabi ko habang nanonood ng c-drama.I'm currently watching PYHOMS, abbreviation lang 'yan okay?

Nasa kalagitnaan ako ng panonood, nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

From: Oreo guy

help

"Huh?" Takang tanong ko sa sarili.

May nangyari bang masama sa kaniya?Parang nakakarinig nga ako ng mga kalabog sa apartment niya!

Agad na tumayo ako at lumabas ng sariling apartment para pumunta sa apartment niya.

"Yuan! Okay ka lang—huh?"

Nadatnan ko siyang pinaghahampas ni Yeri.

Pareho nila akong tiningnan.Umiwas naman agad ng tingin si Yuan habang si Yeri ay nakatingin sa akin na para bang hinuhusgahan ako.

"Shuta ka!Ano ba 'yang suot mo?!" At ako naman ngayon ay kaniyang pinaghahampas.

Nakalimutan kong naka-pangtulog nga pala ako!

"H-ha.." Sinamaan ko ng tingin si Yuan na kasalukuyang nag-aayos ng pc niya.

He tricked me!

Padabog akong umalis ng apartment niya.

Argh!Akala ko naman ay may nangyaring masama sa kaniya!Pinagti-tripan lang pala ako!

Wait…

Am I worried about that freaking gamer?

No….never!

avataravatar
Next chapter