4 Chapter 3

The vacation has already ended.

And I am now going to my new school.

I'm so nervous..!

Habang naglalakad papunta sa section ko ay nararamdaman ko ang kanilang mga titig kaya't hindi ko maiwasang mapayuko na lamang.

"Ah—"

"I'm sor—"

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo" Mataray na sabi nito sa akin at nilagpasan ako.

Napamaang ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya na ngayo'y naglalakad paalis.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Kinakabahang pumasok ako sa loob ng magiging classroom ko.Ipinakilala na rin ako ng teacher naming.Inilibot ko ang aking paningin sa mga bagong kaklase ko.May ilan sa kanila na walang pakialam sa akin,at mayroon din naman na parang hinuhusgahan ang pagkatao ko.

"Hello" Bati sa akin ng seatmate ko.She's a brown-haired girl,and she's really pretty.

"Hi"

"You can ask me if there's something na hindi mo maintindihan sa lesson or topic.I can lend you my notes" She smiled sweetly.

"Thank you.." I smiled shyly.

After the morning class,Hailey (my seatmate) asked me if pwede kami mag lunch together and I answered 'yes' .She's kind to me naman,and isa pa,hindi ako familiar sa school na ito.

When we arrived at the cafeteria, my eyes immediately widened.The cafeteria is really big and there's a lot of students from different department and grade.

"Dun tayo!" Hinila ako ni Hailey sa isang table na for five people.Actually,lahat ng tables ay for five peoples.

"What do you want ba?Ako na mag o-order"

"Huh?"Takang tanong ko.

"A-ako nalang!" Nahihiyang sabi ko.

"Ha?Sige"

My jaw almost dropped out of shock.Akala ko pipigilan niya ako huhu.Kinakabahang pumila ako sa may counter.Ang haba naman ng pila!

"Hello miss,pwede maka singit? Hehe"

Napakunot ang nook o at lumingon sa lalaking nasa likuran ko.At parehong nanlaki an gaming mga mata.

"Uy Rei!"

"Kean?"

Dito siya nag-aaral?!

"Ikaw pala yung transferee?"

"Oo?"

"May friends ka na ba?Gusto mo sumama sa table namin?"

Namin?With his friends?No thanks.

" 'Wag na.May kasama naman ako"

"Ha?okay sige.Pero pwede ba maka—"

Sinamaan ko siya ng tingin kaya't natigil siya sa pagsasalita.

After kong umorder ay nagbayad na rin ako.Dala-dala ang tray ng pagkain namin ni Hailey ay bumalik na ako sa table namin.

"hala Rei! Sorry ikaw pa ang pinag-order ko" Parang nagui-guilty nitong sabi sa akin na maupo ako sa tabi niya.

"Ayos lang" At tumawa ako ng kaunti.

"Ayoko kasing pumila doon.Nakakadiri" Ngumuso ito kaya't nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya.

"Look at them,they're so sweaty" Bulong nito sa akin habang nakaturo sa mga estudyanteng naka jersey na nakapila.

"Pero ikaw?Ang bango mo" Nagulat ako ng yakapin ako ni Hailey.

"hehe" Awkward na sabi ko.

Habang kumakain ng lunch naming may biglang umupo sa aming harapan.

"Hey girls"

"huh?" Takang tanong ko,samantalang nakita ko naman kung paano nagliwanag ang mga mata ni Hailey habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya.

"Love~"

Napatakip ako ng mata ng mag kiss sila sa harapan ko.Mabilis na kiss lang naman pero kahit na!

Mga walang respeto!

"Ah,Rei..Si West and Chase nga pala..They are part of the student council and..Chase is my boyfriend…West,Chase..she's Rei,my classmate"

Nahihiyang ngumiti ako sa dalawang lalaki na nasa harapan namin.

Student council pero mga walang respeto?Sa harap ko pa talaga nag kiss!charot.

"Are you single,Rei?"Malanding tanong sa akin nung West.Kaya't tinaasan ko naman siya ng kilay.

Kinuha niya ang kamay ko at tsaka hinalikan na mabilis ko din naman agad na binawi.

"West,easy dude" Umiiling na sabi ni Chase sa kaibigan.

"Ano ba West! 'Wag mo ngang ganyanin si Rei" Mabilis na saway ni Hailey.

"Haha!I was just kidding" Tumawa ito bago kumindat sa akin kaya't umakto akong nasusuka,pero sa isip ko lang hehe.

Pagkatapos ng lunch ay bumalik na rin kami ni Hailey sa classroom namin.

" 'Wag mo na nga lang pala pansinin si West.He's very flirty and he seems to like you,so it's better na I avoid mo na lang siya"

" Kahit hindi mo sabihin, iiwasan ko talaga siya" Nakangiwing sagot na ikinatawa niya.

"You're really pretty,Rei" She giggled.

"ha?"

Ako?Maganda?…May sayad ba siya sa utak.

"What do you mean by 'ha' ?You are pretty kaya!"

Imbes na mag thanks ay mas lalo lang akong napangiwi.

This day is just really tiring, lalo na sa newbie na gaya ko.I'm not familiar with the teachers and anything about this school!Kaya lagi akong clueless sa mga nangyayari.Good thing, Hailey's with me.

"Bye Bye! Rei!" Hailey waved at me so I did the same.She's with her boyfriend.Eh,sweet.

Malapit lang naman ang apartment ko sa school so maglalakad na lang ako.Kailangan ko rin mag-tipid huhu.And oo nga pala,nalaman ko din na dito rin nag aaral si Yuan.I actually saw him kanina sa may classroom nila.As usual,naglalaro siya at suot niya ang kaniyang headphone.Hindi na ako nagulat nang malaman na magkaklase sila.Lagi naming magkasama ang dalawang 'yon.

Habang naglalakad ay may mga naririnig akong mga pagkaluskos sa may eskinita.Agad na tumindig ang aking balahibo.Medyo madilim na rin kaya mas nakakatakot!Ginabi na ako dahil dumaan pa ako sa isang convenience store.

Imbes na tumakbo ay lumapit ako sa may eskinita dahil may iba pa akong naririnig.Parang mga ung—

"Ahhh~"

"J-jack bakit di—ahh~"

Napahakbang ako pabalik nang biglang may nagtakip ng mata ko.

"tsk"

Gusto kong sumigaw pero sobra ata akong na trauma sa nakita ko.I just saw two people,making out!It's my first time to saw one!!!!!

Oh no!My virgin eyes!huhuhu!

Hindi ko na namalayan na hinihila na pala ako ng taong nag-takip ng mata ko hanggang sa tanggalin niya na ang kaniyang kamay sa aking mata.

Agad na pinukpok niya ng mahina ang ulo ko.

"Stop being a curious cat"

"Y-yuan?"

Tinanggal niya ang kaniyang headset at sinabit ito sa kaniyang leeg.

Teka..Nakita ba niya—

"yeah"

Napatakip ako ng bibig sa kahihiyan!BAka isipin niya mahilig ako sa mga bagay na 'yon!Omygosh!

"Ano..hindi n-naman..g-ganito"

Hindi niya ako pinansin at naglakad na palayo.Nang mapansing hindi ako naglalakad ay lumingon siya sa direksyon ko.

"let's go"

Nahihiyang sumunod ako sa kaniya.

"Pwede ba tayong dumaan sa simbahan?"

"huh?" takang tanong niya.

"Kailangan ko atang palagyan ng holy water ang mata ko" Nahihiyang sabi ko.

Nakita ko ang mahinang pag-tawa nito na ikinagulat ko.Hindi naman siya robot pero ngayon ko lang siya nakitang tumawa.

"Seryoso ako!Paano kapag hindi ko nakalimutan?First time kong makakita ng gano—teka!So nakita mo din sila?"

Naubo ito sa tinanong ko at mabilis na umiwas ng tingin.His ears turned red!

Tumawa ako sa naging reaksiyon niya but he just glared at me.

Nang makarating kami sa apartment ay tahimik lang siya.Hindi ba napapanis ang laway nito?

Pabagsak na humiga ako sa kama ko at pumikit.Pero agad ding nagmulat ng mga mata dahil sa imaheng pumasok sa aking isipan.Agad na nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa kahihiyan.

Sobrang init ng pisngi ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang aking nakita.

"Ano ba" Sabi ko sa sarili at pinag sasampal ang pisngi.

"Memory erased" Sabi ko at kunwaring binubura ang alaala sa pamamagitan ng paghawak sa aking sintido.

Mababaliw na yata ako!

avataravatar
Next chapter