webnovel

Chapter 2

Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag jogging.

Pero nauwi ang pag-jo-jogging ko sa pagsama sa kanila.

"Hahaha!Sabi sa'yo tol nakakatakot ka eh!"Tumatawa sabi ni Kean habang pinaghahampas si Yuan.

Napangiwi na lamang ako.

Habang nag jo-jogging kasi ako kanina ay nakita ko sila na parang nag-aaway sa gilid ng kalsada.Nakita ako ni Kean at tinanong kung alam ko ang mga ingredients ng tinola.At ngayon ay sinasamahan ko sila papuntang super market at bumili ng mga ingredients.

Marunong ba silang mag-luto?Hays ewan.

Napatingin ako ng palihim kay Yuan.

Tahimik lang siya habang naglalaro sa kaniyang cellphone.Naka hoodie ito at nakasabit ang headphone sa leeg niya.Ang mga mata niya ay ganun pa din,puyat.

Napahinto kami sa paglalakad ng bumangga si Yuan sa isang poste.

Tumawa ng malakas si Kean habang nakaturo kay Kean.Pati ako ay natawa na rin.

"bwahaha!Ano?Laro pa,Yuan!"

Inirapan siya ni Yuan at marahang hinaplos ang noo niya na tumama sa poste.Hinigpitan niya ang suot na hoodie at naunang maglakad.

"Hoy!" Sigaw naman ni Kean at hinabol ang kaibigan.

Huminto ako sa paglalakad at napangiti ng mapait.

How does it feel to have someone by your side?How does it feel to have a true friend?

I looked down and bit my lower lip.Preventing myself to cry.

Napatunghay nalang ako nang makakita ng pares ng sapatos sa aking harapan.

Kinuha niya ang braso ko at may inilagay sa aking kamay bago muling tumalikod.

Napatingin ako sa binigay niya sa akin.

Oreo?

Natawa ako ng kaunti bago muling maglakad at sumunod sa kanilang dalawa.

Aaminin kong, nagtaka at nagulat ako sa ginawa niya.We barely even know each other.He's just, a gamer who lives next door.

"Huh?Wala bang carrot sa tinola?"

Natampal ko ang sariling noo sa tanong ni Kean.

"Yuan pre, magbigay ka nga ng ingredients ng tinola" Dinig kong bulong ni Kean sa kaibigan na hanggang ngayon ay busy pa rin sa paglalaro.Samantalang busy din ako sa paghahanap ng mga ingredients.

"Wala ba talagang carrot sa tinola?" Muling bulong ni kean sa kaibigan.

"Oo.You're so stupid"Dinig kong sagot ni Yuan.

Heh?may alam naman pala si Yuan kahit papaano?

"But all I know is that,there's an eggplant"

Napangiwi ako sa sinabi niya.

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina.

Pareho ko silang sinamaan ng tingin dahil bulungan sila ng bulungan sa likod ko.

Pagkatapos naming bumili ng mga ingredients ay bumalik narin kami agad sa apartment.

"Marunong ba kayong magluto?" Tanong ko sa kanila.

Tuamawa si Kean at inakbayan ako.

"Oo naman Rei!Magaling kaya ako magluto!"

Ngumuso ito nang makita ang naging reaksiyon ko.

"Ouch Rei ha!Parang di friends"

My mind went black after hearing the word 'friends

"What a loser"

"I thought we are all friends Rei?Then why?Why didn't you help us?!"

"Ikaw pa talaga ang nagsumbong sa amin ha?"

I looked down.

"What a b*tch" One of them grabbed my hair and lifted my face.

"A-ah!" I winced in pain.

"You're useless"

"stop being so immature" Bumalik ako sa wisyo dahil sa boses ni Yuan.He's currently talking Kean.

"Uhm guys?May I go now?" I said,unsurely.

They both looked at me.Kean thanked me while Yuan just nodded at me.

Tama bang iniwan ko sila?

I don't think Kean really know how to cook!

Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at mabilis na naligo bago humiga sa kama.Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at binuksan ang facebook.Tumambad sa news feed ko ang mga shared posts ng mga dati kong kaklase.

Tumunog ang cellphone ko dahil sa isang notification.

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat.Pero agad ko din naming binuksan kung sino ang nag message sa akin sa messenger.

Demi Santos

*active now

Mamatay ka na

Oops,ikaw pala 'yan Rei

Sorry WRONG SEND hehe

Naihagis ko ang cellphone ko dahil sa galit.

Why?

Why does she keep messing with me?

I wanna block her, but I can't.

Alam kong everytime na may ginagawa ako sa kaniya, ipo-post niya iyon at ipapahiya ako.Na kahit siya ang mali,siya ang kakampihan ng mga tao dahil sikat siya at ang pamilya niya,dahil babaguhin niya ang istorya at ako ang gagawing mali.

"Bakit.." I bit my lower lip and cover my face with my hands.

I'm crying again.

YUAN'S POV

"Akala ko talaga dati may carrot sa tinola"

I mentally rolled my eyes because of what kean said.

"It's your last time here,kean" I said while playing.

MAbilis na lumapit sa akin si Kean at pinanlakihan ako ng mata.

"Anong last?!—"

I glared at him.

"You're bothering me"

Ngumuso siya at aktong yayakap sa akin kaya't mabilis ko siyang binato ng headset.

"Shit ka naman Yuan!Bagong bili ko 'tong headset na 'to!"

"I don't care" sabi ko at binalik ang atensiyon sa nilalaro.

"Dalhan kaya natin si Rei ng tinola?"

I remained silent.

"Para matikman niya ang luto ko!BAka sakaling magustuhan niya ako"

Agad ko siyang tiningnan.

"You're making her uncomfortable"

"Huh?Hindi ah—teka.."NGumisi ito kaya't tinaasan ko siya ng kilay.

"Tol,alam mo,nag bibiro lang naman ako.Hindi ko naman gusto si Rei"

"What the fuck are you saying?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Alam ko naman na pre…crush mo si Rei no'?"

I rolled my eyes.

"I don't"

"Ulol"

"You know that I'm not into romantic things" I gave him a bored look.

He sighed.

"Alam ko."

"You need anything?You don't?Now,leave" Mabilis na sabi ko.

Ngumuso ito at kinuha ang gamit niya.

"Bye see you tom—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay sinamaan ko na siya ng tingin kaya't natawa ito at umalis na.

Hindi ko na namalayan pa ang oras dahil sa paglalaro ko.

Gabi na pala.

Naligo muna ako bago muling bumalik sana sa paglalaro, pero may biglang kumatok sa pinto.Tamad na binuksan ko naman ito.

"Hi" Bati niya.

"hey"

"Kean told me to come here"

Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka.

That guy..!

"he's not here anymore"

Nagulat si Reis a sinabi ko at marahang tumango."Ah okay..sige,I'll go to my—"

"Nakakain ka na?" Nagulat kami pareho dahil sa tanong ko.

"oo.."Mahinang sagot nito na para bang nahihiya."Ikaw?"

"Yea—" at kasabay nito ang pagkalam ng sikmura ko.

Ah shit.

Natawa ito ng mahina.

"Pwede ba akong pumasok?" Ngumiti ito ng malawak kaya't nagtataka man,ay tumango na lang ako.

Tinanong niya kung nasaan ang kusina ko kaya't sinamahan ko naman siya sa kusina.

What is she—

My eyes widened when I saw her wearing an apron.

"huh?"Nagtatakang tanong ko.

"I'll cook something for you..as my thanks na rin siguro sa Oreo na binigay mo"She chuckled.

Hindi na ako nagsalita at pinanood na lamang siya sa ginagawa niya.

At nang mapansing matagal pa siya ay kinuha ko ang cellphone eko at naglaro na lamang.

Napalingon ako sa kaniya nang mapansing hirap siya sa pag-abot ng asin.

Lumapit ako sa kaniya at inabot ang asin.

Hindi ko maiwasang mapangisi nang mapansin ang height gap namin.

"shorty" mahina lang ang pagkakasabi ko pero narinig niya ata kaya't sinamaan niya ako ng tingin.

"Wow ha" Sarkastikong aniya na para bang nainis sa sinabi ko.

"Sorry" I bit my lower lip para pigilan ang pag-ngisi.

Hindi niya na ako pinansin kaya bumalik na lang ako sa aking nilalaro.

Ibinaba ko ang cellphone ko nang ilapag niya sa lamesa ang kaniyang niluto.Kumuha ako ng aking plato since sabi niya nakakain na daw siya.

It smells good.

Kumuha ako ng steak at kaunting rice.Samantalang nakita ko naman siyang tinitikman ang tinola na luto ni Kean.

Sabay kaming sumubo ng pagkain.Ngunit naging magkaiba ang reaksiyon namin.Aaminin kong masarap ang luto niya,pero siya,mukhang hindi ata siya nasarapan sa luto ni Kean.

"Ano 'to?!Omy--!Why is it so sweet?" Para itong nai-stress habang nakatingin sa akin.

"Huh?"

"Anong huh?!"Inis na tanong niya sa akin.

"This..tinola…it's not supposed to be sweet!" Nakangiwing sabi niya sa akin kaya't napakunot naman ang noo ko.

"Pero ganyan niya 'yan lutuin dati pa" simpleng sagot ko at muling sumubo ng kanin.

Hinampas niya ang lamesa kaya't muntik na akong mapatalon sa gulat.

Nagtatakang tumingin ako sa kaniya.

"You are really so clueless when it comes to these things,game freak" Mas lalo itong ngumiwi.

Next chapter